090

86 4 0
                                    

SO MANY CHANGES BUT STILL INLOVE

"Babe, sino-sino ba mga minahal mong babae tapos ano-ano mga nagustuhan mo sa ugali nila?" tanong ng Girlfriend ko.

"Ahm, are you sure? Baka mamaya magalit ka e." But she shook her head.

I sighed. Wala naman akong magagawa, under ako nito e hahaha, but that's okay mahal ko naman e.

"I met this girl, super kulit niya, as in gagawa at gagawa ng paraan mapansin ko lang siya, pero may pagka-immature."

Habang nagsasalita ako ay tahimik lang na nakatitig at nakikinig ang Girlfriend ko kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.

"Tuloy mo na!" Tumango ako.

"Mayroon isa na super ganda niya, kaso matampuhin HAHAHA, lagi nakapout kapag 'di niya nakuha atensyon ko." Nakita ko pang nanliit mga mata ng girlfriend, if i know nagseselos na 'yan.

"Yung isa pa, super simple. As in napaka simple, lahat ng bagay na-appreciate niya. Kahit sa mga street foods lang date namin, sobrang saya na niya."

"Mayroon din itong isa, napaka moody, as in parang ang saya-saya lang kanina tapos biglang magagalit na lang sayo."

"Yung isa naman ay napaka selosa."

"Tapos mayroon ding napaka bait at mature."

"Yung isa naman sobrang talino, hakot awards/honors, daming achievment."

"Mayroon ding napaka palangiti, napaka approachable."

Nakita kong magkasalubong na ang kilay ng Girlfriend ko pero kita ko na yung selos sa mga mata niya.

"Babe, tuloy ko pa ba?" I suddenly ask, para kasing makakapatay na ng tao yung Girlfriend ko sa tingin niya.

"Ang dami mo pa lang naging babae, bakit hindi na lang sila minahal mo?" Nakita ko ang pag ekis niya ng kanyang mga kamay sa dibdib niya.

"Huh? Mahal ko naman silang lahat ah!"

"Mahal mo pala e! Edi mag hiwalay na tayo!" Nakita ko pa ang pangingilid ng luha niya kaya agad ko siyang niyakap.

"Babe naman, ikaw lang ang mahal ko 'no. Lahat ng sinabi ko ay ikaw 'yon. Simula nung nagpapansin ka sa akin hanggang ngayon na tayo na. Ugali mo 'yan lahat, at syempre sa six years na pagsasama natin, nagbabago ugali mo pero kahit anong pagbabago, mahal kita. Kahit sino o ano ka pa, ikaw pa rin. Magbago man ugali mo o mag stay kung ano ka man, mahal pa rin kita kasi ikaw 'yan. Ikaw yung babae na minahal, mahal at mamahalin ko."

Natawa na lang ako ng hinampas-hampas niya ng marahan ang balikat ko.

"Bakit ba ang sweet-sweet mo! Lalanggamin na tayo rito e!" reklamo niya.

"Sayo lang naman," ani ko.

"Mahal kita." At syempre, tumibok na naman ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi niya. Minsan lang 'to mag 'i love you' sa akin kasi sabi niya ayaw niya raw na magsawa ako kapag inuulit-ulit niya, and as if naman! Hinding-hindi ako magsasawa dahil makita lang siya ay nahuhulog ako ng paulit-ulit.

"Maha na mahal din kita."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now