021

144 10 0
                                    

[THE MAN WHO TOLD ME THAT HE LOVES ME]

He's always there for me, through ups and down, and he told me that he loves me.

Nandiyan din siya nung nakipagbreak ang boyfriend ko sa akin.

"Amber, i'm always here for you. Remember that I love you." Pinahid ko ang luha sa aking mata.

"Ang sakit kasi Renz, binigay ko naman lahat sa kanya." He smiled at me, then he wiped my tears.

"Ako na lang kasi." Napatingin ako sa kanya.

"Joke, kaya ko namang maghintay. You're my world eh, at hindi ko kakayanin na nasasaktan ang mundo ko." I hugged him.

"Thank you, Renz. Hindi ko ata alam gagawin ko kung wala ka." I heard him laughed.

"Puro ka drama, halika bili kita ng favorite mo na ice cream." Biglang nagningning ang mata ko sa sinabi niya.

"Talaga?!" I happily said.

"Oo naman. Tara?"

I looked at him. Hindi niya ko tinatanong kung ano nangyari sa akin, pero nandiyan siya para pasayahin ako.

Sana kasi siya na lang talaga.

--

"Renz!" masayang tawag ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Yes?" Agad ko siyang niyakap.

"I'm supper happy!" Narinig ko naman siyang tumawa.

"Hindi nga halata eh." Hinampas ko siya sa kanyang balikat pero mahina lang naman.

"Hmp!" I rolled my eyes at him.

"Ano ba nangyari at masaya ang mundo ko ngayon." Napayuko ako ng marinig ko ang 'mundo' na sinabi niya. I don't want to hurt him, he's important to me.

"A-ahh wala." Tinitigan niya ako.

"Ano nga?" I looked away, kasi nakatitig pa din siya.

"A-ano nakipagbalikan ako sa ex ko." Tumingin naman ako sa kanya pagkatapos kong sabihin 'yon.

He smiled.

"Congrats," he said in enthusiast, but I saw the pain in his eyes.

"S-sorry Renz." I don't know why I say those words.

"It's okay. Maghihintay ako." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm happy for you... masaya ako na masaya ka."

I am so lucky to have him in my life.

--

Nag-away kaming muli ng boyfriend ko, because he cheated again.

"Sabi mo magbabago ka na!" malakas na sigaw ko sa boyfriend ko.

"Naniwala ka naman?" cold na sabi niya, pero bakit gano'n? Wala na akong maramdamang sakit.

"Break na tayo," mabilis na sabi ko. Agad akong umalis, may pupuntahan pa ako.

"You can't do this to me! Amber!" hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin.

I need Renz. Kailangan ko ng makakausap. I need him.

I texted him, asking kung nasaan siya ngayon.

He replied to my text, "I'm in the amusement park."

Ha? Bakit siya nandoon? Pero napangiti kaagad ako, masaya doon kung kasama ko siya.

Agad akong umalis at pumunta sa amusement park na sinabi niya.

Pagkarating ko sa amusement park ay si Renz agad ang hinanap ng mga mata ko.

"Where are you?" bulong ko.

Napangiti ako ng makita ko si Renz, pinuntahan ko kaagad siya sa kanyang pwesto pero napahinto rin...

I saw him with another girl.

Nakita ako ni Renz kaya siya na ang lumapit sa akin.

He wave his hand to me, I just smiled at them.

Kasama niya ang babae at lumapit sa akin.

"Oh Amber? Dapat sinama mo yung Boyfriend mo." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Tumingin ako sa babaeng kasama niya. She's beautiful at mukhang mabait.

"Hi Amber, palagi kang nake-kwento sa akin ni Renz. Maybe we can be friends?" Natulala ako.

"Amber? Kinakausap ka ni Angel." Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Renz.

"A-ahh, sure." Ngumiti si Angel sa akin.

"Ahm, love alis muna ako. Usap muna kayo ni Amber." Renz nodded at her and kissed her cheeks infront of me.

"Amber? Alis muna ako." Tumango na lang rin ako.

Nang makaalis si Angel ay tumingin ako kay Renz.

"Bakit mo pala ako hinahanap?" tanong niya.

"A-ahh, ano kasi—" hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

"Ano?"

"Nakipaghiwalay na ako sa Boyfriend ko," mabilis na sagot ko.

"Sorry hindi kita masasamahan ngayon ah? Kasama ko kasi si Angel."

Boom! Pagkasabi niya no'n ay parang may kumurot sa puso ko. First time niya itong ginawa sa akin.

"Alam mo ba kung bakit ako nakipaghiwalay sa Boyfriend ko?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Why?"

"K-kasi, i–ikaw na yung... ahm." Hindi ko masabi-sabi ang gusto kong sabihin.

"You know what Amber?" Napatingin ako kay Renz.

"Angel is my Girlfriend now." Nakita ko yung ngiti sa kanyang labi.

"A-ahh, c–congrats haha." Pinilit kong ngumiti.

"I know you're hurting. I'm sorry." Parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Ngayon ko lang kasi nalaman sa sarili ko na ikaw yung gusto ko." He smiled at me pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon.

Imbis na sagutin ang sinabi ko ay mas lalo niya akong sinaktan sa mga sinabi niya.

"Masakit kasi maging option, Amber. And alam mo ba na si Angel yung nandiyan sa tuwing nasasaktan ako para sayo? Tinuruan ko ang sarili ko na mahalin siya, dahil nakikita ko yung sarili ko sa kanya." Hindi ako nakapagsalita. Natutop lang ako sa aking kinatatayuan.

"Remember when I told you that you're my world? Angel completed me. Yes you're my world, but Angel is my whole universe."

Ouch.

Hindi ko napansin na may luha na palang tumulo.

"Why are you crying?" taka niyang tanong. Ngayon ay hindi niya na makita kong nasasaktan na ako o hindi.

"Sabi mo mahal mo ako?"

"Yes, totoo 'yon. Pero mas minahal ko si Angel."

"I'm happy, dahil nakita mo na ang nakakita ng worth mo." 'Yon na lamang ang nasabi ko.

"Salamat. I hope na makita mo na rin yung makikita din ang worth mo."

Sana nakita ko na yung worth mo, para hindi sana ako nasasaktan ngayon.

"Love!" Tumakbo papalapit si Renz kay Angel pagkatapos niya itong tawagin.

"Sige Amber, alis na kami." Tumango lang ako.

Nakatayo pa rin ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Yung kaninang luhang pinipigilan ko ay kusa ng naglaglagan.

Tumingin ako sa papalayong Renz, yung lalaking nandiyan palagi para sa akin.

The man who told me that i'm his world.

The man who told me that he loves me had made me feel how to be an option.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon