100

86 3 0
                                    

I ONCE CHEATED

Yes, I once cheated with my boyfriend. We're three years in a relationship, then suddenly nagsawa na lang ako, nagsawa na ako sa kanya, wala na yung kilig, wala na yung saya. And the biggest mistake na nagawa ko ay yung makipag relasyon din sa ibang lalaki ng patago. But then again, walang sikretong hindi nabubunyag, nalaman niya.

"Tanggap ko siguro kung nawala lang pagmamahal mo sa akin, pero yung makipagrelasyon ka sa iba habang may tayo? Nakaka putangina lang e!" He shouted and tears roll down in his cheeks.

His tears slap me. It hurts seeing my man crying. I'm so stupid that I cheated. I am stupid for realizing my mistake when it's already too late. I hurt the man that I love the most.

And I just can't accept that he wants to break up with me, so I did everything for his love to comeback.

I almost begged. But the cold in his heart can't just melt, he bacame more colder. At yung mas masakit pa ay yung dating babaeng palagi kong pinagseselosan ay palagi niya ng kasama. He seems happy with her, even if we didn't have our official break up.

"Tama na Caroline, hindi na tama 'yang ginagawa ng boyfriend mo sayo."

"Yes, Caroline. He don't love you anymore. Saka sobra na yung ginagawa niya sayo, look at you! Ang laki na ng pinayat mo, ang daming nagbago sayo."

"Makakahanap ka pa naman ng ibang lalaki, Caroline."

"Tama na pagpapaka-martyr."

"Hindi na pagmamahal 'yan."

Umiling-iling ako sa mga sinasabi ng ibang tao sa akin. Hindi ko kaya.

So this day came. Call me desperate but I want all back. I want him back.

On bended knees infront of him, infront of many people. I begged, I pleaded, for him just to come back again. I cried.

"Please, nagbago na ako. Tayo na lang ulit," pagmamakaawa ko.

He look down at me and our eyes met. Yung malalamig niyang mata kanina ay biglang lumungkot, kaya nagkaroon ako ng katiting na pag-asa, na baka... baka bumalik ulit siya sa akin.

"Anong pakiramdam na ginagawa mo ngayon ang ginawa ko noon?" Halos manlamig ako sa boses niya. It sent shiver down my spine.

Naalala ko yung mga araw na ako yung nanlalamig sa kanya, to the point na lumuhod rin siya sa harapan ko at nagmamakaawa. Ganito pala kasakit. Sobrang sakit, and you'll never know how it feels unless you experience it.

"Isang pagkakamali lang naman, Romel. Tao lang ako, nagkamali ako and I am here to change. I've changed. Please, patawarin mo na ako." I saw his tears.

"Do you even hear yourself? Isang pagkakamali? Caroline, ilang beses kitang pinatawad. Nanlamig ka sa akin? Inintindi kita. Palagi kang busy at nawalan ng oras sa akin? Okay, pinapatawad at inintindi pa rin kita. Nahuli kita na may kausap na ibang lalaki? Naghinala ako pero pinatawad pa rin kita kasi mahal kita. Sa mismong birthday ko hindi ka sumipot? Well, pinatawad pa rin kita! At nang malaman ko na may iba kang lalaki? Na may iba ka ng mahal, na hindi na ako, na nagloloko ka habang may tayo. Pinatawad pa rin kita. Pero ayoko na, pagod na ako. Napapagod rin akong intindihin at patawarin ka. Just let me go, 'yon na lang yung hinihingi ko."

Napahagulhol ako, hindi dahil nasasaktan ako kundi nasasaktan ako para sa kanya. At ngayon nalaman ko na yung side niya, tama lang talaga na masaktan ako nang ganito. I deserve this pain.

Yes, I just once cheated but it doesn't mean you only have one mistake. And we didn't know how much pain that cause to the one who suffer from that one mistake.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now