086

90 6 0
                                    

SORRY FOR RUINING YOUR CHRISTMAS

I came out from my car.

"Palabas na lang ako manong ng mga gamit." Then I smiled at my driver.

I look at myself, I am just wearing color cream dress and I partner it with my color cream stilletos.

Inayos ko ang pagkakasabit ng sling bag ko sa braso ko.

Nag doorbell ako sa bahay namin, and si ate ang bumungad.

I look at her and she's wearing an oversize shirt and short shorts, para tuloy siyang walang short. She look at me also but after she's done checking me, I saw her rolled her eyes at me.

"Hi ate, merry christmas." I smiled at her but she turns her back at me.

Bumungad sa akin ang mga makukulit na bata.

"Tita Rica!" I plastered my smile.

"May pasalubong si Tita sa inyo," I happily said. Then I saw them genuine smile at me kaya gumaan din pakiramdam ko.

Nagtakbuhan ang mga bata sa driver ko na siyang may hawak na mga pasalubong.

Pumasok ako sa bahay. Nagmano ako sa parents ko.

"Merry Christmas po, Mama, Papa." I smiled at them. Papa just nodded his head and my mama just looked away avoiding my gaze.

Nagsimula yung party namin buong pamilya masaya dahil sa mga bata. Nagpalaro rin ako at ako mismo nagbibigay ng premyo.

"Ma, may mga foods na rin po akong pinaorder," I said.

"YEHEY!" Ngumiti ako sa mga bata na siyang nakaka-appreciate lang ng mga ginagawa ko.

Natapos ang party ay nagbigay ako ng pamasko, inuna ko ang mga bata.

"Mama." I handed her five thousand.

"Papa." I also handed him five thousand.

Then I look at my siblings. Inabutan ko ng tig one thousand ang mga nag-aaral ko pang mga kapatid.

"Pang bili niyo ng mga bago niyong gamit."

Then I look at my ate, I handed her three thousand but she just look at my money and look at me flatly.

"You know what, pabida ka." Lumabas din ang gusto niyang iparating, kanina ko pa siya napapansin na masama ang tingin.

I sighed.

"Merry Christmas sa inyong lahat." Iiwas na lang ako sa gulo. Ayokong masira ang christmas namin.

"Alam mo dapat hindi ka na pumunta rito. And mama, bakit niyo tinanggap 'yang pera ni Rica? Tinatanggal niya ang dignidad natin, parang pinapamukha niya na mas may pera siya sa atin, na mas nakakataas siya sa atin."

Sumang-ayon si mama kay ate. Lumapit siya sa akin at binigay ang pera.

"I'm just here to help, and it's christmas." Pinilit kong ngumiti.

"No. Nandito ka lang para ipamukha sa amin na mas mayaman ka!" sigaw ni ate.

"Bakit kasalanan ko ba na mas may pera ako sa inyo?!" I can't help to shout too.

"Tignan mo! Lumabas din ang tunay mong ugali!"

Tumahimik ang kaninang maingay na bahay. Pati mga bata ay parang natakot sa sagutan namin ng ate ko.

"Huwag ka ng manggulo Rica. Dapat talaga hindi ka na lang pumunta rito, sinira mo yung Christmas namin." So hindi pala ako kasama sa christmas nila? Nag assume lang pala ako.

Tears form under my eyes, but I bit my lower lip and look up to stop it from falling.

"Payaman ka e! Bakit hindi ka na lang nag stay sa ibang bansa tutal pasarap ka lang naman doon!" gatong na naman ni ate.

"What pasarap?! Nag t-trabaho ako ate! Ano sa tingin niyo ang binibigay kong pera sa inyo? Pinulot ko lang kung saan-saan? Dugo at pawis ang nilaan ko roon! At dahil pamilya ko kayo kaya nagbibigay din ako."

"Tama na Rica..." sabi ni papa.

Nakita kong galit na rin si mama sa akin. "Tumigil ka na Rica."

"Isa ka pa ma! Lagi akong nagpapadala rito pero ni-isang thank you wala man lang akong natanggap! Pero hinayaan ko kasi tinanggap niyo naman e, masaya na ako roon.

"Noong bata ako, puro na lang si Ate ang sinusuportahan niyo, sinuko ko yung talento at passion ko sa pagkanta dahil sabi mo mag focus tayo kay ate! Kaya ako naman nag-aral na lang ng mabuti kasi baka sakaling katulad ni ate suportahan niyo rin ako, pero kahit hakutin ko pa ata lahat ng honor never kayong naging proud sa akin! Kayong lahat na pamilya ko.

"Doon sa ibang bansa? May nag tanong ba kung okay ba ako? Ayokong manumbat pero ako na nag paaral sa mga kapatid ko, pero kayo? Wala kayong sinabing salamat ate! Pati itong bahay, ako mismo ang nagpatyo nito pero ni kahit anong magandang salita ay wala man lang akong narinig sa inyo..." huminga ako ng malalim. Tuluyan na akong sumabog.

I wiped my tears.

"Kahit k-kumusta lang galing sa inyo, wala e... Tapos kakauwi ko lang dito dahil gusto ko kayong makasama, kasi ilang taon akong wala diba? Pero itong pinaghirapan kong ibinibigay sa inyo? Sana kahit tinanggap niyo na lang kasi ayos na ako kahit wala ng thank you kasi sanay na ako.

"Hindi ko naman kasalanan na ganito ang buhay ko, na naghirap ako at nag pursigi kaya narito ako, kaya may maayos akong trabaho. Lahat kayong pamilya ko kasama sa pangarap ko pero kayo? Sinama niyo ba ako sa mga pangarap niyo? Siguro hindi haha..."

Hindi na natigil sa pag-agos ang luha ko. Lahat sila tahimik lang at hindi makapaniwala na nakita akong ganito kahina.

Ilang taon ko na rin itong kinimkim.

"Pagod na pagod na ako mag-isa sa ibang bansa pero kayo iniisip ko. Buhay niyo dito ang iniisip ko kaya hindi pumapalya ang pagpapadala ko rito, hindi ko kayo kinalimutan. Kahit maubos na ako basta may maibigay pa rin ako sa inyo."

I smiled bitterly.

"Pero thank you sa inyo kasi hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa inyo. Naging matatag ako dahil sa inyo, naging malakas..."

"M-Merry Christmas sa inyong lahat. I am sorry for ruining your Christmas." Huli kong sabi bago sila iniwan doon na nakatunganga.

--

HartleyRoses

One Shot Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن