056

95 6 0
                                    

AKALA KO BA MATALINO KA, BAKIT ANG BOBO MO?

"Mr. Renzo." Pagtawag ni ma'am sa crush ko na class president namin.

"Pakisabi yung scores ng mga classmate mo sa exam nila."

"Yes ma'am."

Napangiti ako ng tahimik. Matalino ako at mas lalo ko pang ginalingan para mapansin ako ng crush ko.

I know na ako ang una niyang tatawagin, because i'm sure my score in exam is perfect. At ang mabanggit niya lang ang pangalan ko ay masaya na ako. Yeah, napakababaw ng kaligayahan ko e.

Inaayos pa lang ni Renzo ang papel at umayos ng tayo sa unahan para tawagin ang name namin at sabihin ang scores.

Nagtinginan sa akin ang mga kaibigan ko dahil alam ng lahat na may crush ako kay Renzo. Ngumiti lang ako ng tipid, dahil kinikilig na rin ako.

Nagsimula ng tawagin ang mga names at kumunot ang noo ko dahil hindi ang name ko ang unang natawag.

Kinilig halos lahat ng mga classmates ko dahil yung unang tinawag ay may crush din kay Renzo na siyang karibal ko rin. Bali-balita na nagugustuhan na raw iyon ni Renzo pero hindi ako naniniwala, mas matalino ako do'n 'no!

Hanggang sa mga lowest score na ang pag banggit niya, kinakabahan ako kahit na alam ko sa sarili ko na mataas dapat ang score ko. Bakit hindi pa nababanggit name ko?

Hanggang sa natapos ay walang name ko ang nabanggit kaya naglakas loob ako na itaas ang kanang kamay ko.

"Yes, Ms. Lorraine?"

"Ma'am hindi po tinawag yung name ko." Nagtaka rin ang teacher namin.

May sinabi si Renzo kay ma'am at may inabot na papel.

"Ma'am ikaw na lang po ang magsabi ng score niya," rinig kong sabi ni Renzo kay ma'am.

"So si Ms. Lorraine pa rin pala ang highest score natin and her score is perfect." Napangiti ako. Kala naman ng karibal ko kay Renzo maiisahan niya ako.

Itnaas ko ulit ang kamay ko.

"Yes, Ms. Lorraine?"

"Bakit hindi banggitin ni Renzo yung score ko?" nakangiti kong sabi.

Napatingin sa akin si Renzo.

"Akala ko ba Matalino ka? Bakit ang bobo mo? Hindi mo ba napapansin na ayaw ko sayo?"

Aray!

Narinig ko sa buong room ang pag "aww" ng mga classmates ko.

Tumayo ako. Kahit masakit ay sinagot ko siya. Pride na lang ang mayroon ako.

"Ikaw ata ang bobo e! Sabi ni ma'am banggitin mo lahat ng names and score nila kaya't bakit hindi mo binanggit name ko?"

Ha! Mas matalino pa rin ako sayo.

"Hindi ko binanggit name ko dahil hindi kita gusto."

Muli na namang nag-ingay ang buong room.

Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Porket alam mo na g-gusto kita, ipapahiya mo na ako? Oo tama ka, sobrang talino ko pero pag dating sayo sobrang bobo ko."

Napatingin ako sa karibal ko kay Renzo na malawak ang ngiti na mukha namang demonyo.

"E DI IKAW NA CRUSH NG CRUSH MO! ANG PANGIT NI RENZO! MAGSAMA KAYO! MGA HEOP!" sigaw ko bago umupo sa aking upuan at umirap.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now