068

90 6 0
                                    

"PAANO KUNG MAGSAWA KA SA AKIN?"

Ito ang tanong ko sa aking Boyfriend habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Hmm. Never. Hinding-hindi ako magsasawa sayo."

"Promise?"

"Promise. Sabay pang sisikat ang banda natin. You and I singing in front of many people." Bigla akong napangiti.

"I can't wait. We will fulfill our dreams. Together."

"Yeah, together. Kaya't bakit mo naisipan na magsasawa ako sayo?" He asked.

"Hmm, what if lang. Hindi naman 'yon maiiwasan diba?" I smiled bitterly. Naiisip ko pa lang na magsasawa siya sa akin, sumasakit na ang puso ko.

"Not gonna happen, babe. I love you." Sa sinabi niyang iyon ay napanatag na ang loob ko.

"I love you too."

--

And until now, hinding-hindi ko makakalimutan ang pag-uusap namin na 'yon. How we will fulfill our dreams together. How he promised me that he will love me, and he will never will fall out of love.

I smiled while I followed him.

"Babe! Alam mo ba sobrang saya ko kasi nakapasok ako sa singing contest na sinalihan ko!" Masaya kong sabi.

"Tapos alam mo ba? Nakausap ko yung mga idol kong musikero." I added but he just continue walking so I followed again.

"Tapos nag papicture ako sa kanila! Kaya mas lalo akong sumaya. Who would have thought na mangyayari 'yon?" He didn't respond nor look at me.

"Tapos m-nasakit na." Parang may nagbara sa lalamunan ko nang sinabi ko 'yon dahil pumiyok ako.

And this time he looked at me, at nangilid ang luha ko.

Pero bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay pinahid ko kaagad iyon.

Nanginginig kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko.

"I-Ito nga p-pala yung picture nung I-Idol ko. P-Pakita ko sayo." Ni hindi ko ma-open ang phone ko sa panginginig ng kamay ko

"Stop pretending." Dalawang salitang binanggit niya kaya agad na bumuhos ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

Nakakainis dahil hindi matigil ang pagluha ko, nag-uunahan pa sa pagtulo.

"T-Tanggap ko pa nung tanggalin mo ako sa b-banda mo, kahit masakit. You said together we will fulfill our dreams. But when I saw you with a girl, kissing? Nagsawa ka na b-ba? Ito na ba yung what if na tinatanong ko sayo noon na nagkatotoo na ngayon?" Napayuko siya.

"I'm sorry, Lyn." I bit my lower lip to stop myself from crying and sobbing.

"Why?"

"I just fall out of—"

"Gasgas na dahilan na 'yan. Happy third anniversary. You cheated, huwag mong gawing dahilan ang pagkawala mo nang pagmamahal sa akin, because in the first place dapat sinabi mo. Kahit sana sinabi mo man lang na 'Hoy! Tangina sawa na ako sayo' pero hindi. Tinanggal mo na sa akin ang pangarap kong makakanta, pati pagmamahal ko sinira mo pa." Shock is written all over his handsome yet innocent face na akala mo walang kagaguhang ginagawa.

"T-That's my way para hindi ka mas lalong masaktan." I smiled but failed.

"Well congrats, you broke me more. Durog na durog." I said then walked out away from him. Away from pain.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora