046

95 6 0
                                    

Naalala ko kung ano ang naging sakripisyo ng Mama ko. Naalala ko kung gaano siya nasaktan, naghinagpis, nagsikap at napagod simula noong iwan kami ni Papa.

"Ipinapangako ko na hinding-hindi ako magiging katulad ni Papa. Pangako Mama." Sabi ko kay Mama at nangako sa sarili ko.

"Sana anak, dahil ayoko ng may iba pang babae ang makaranas ng naranasan ko. Masakit. Nakakapagod. Nakakawala ng pag-asa dahil nabuntis lang naman ako ng Papa mo at hindi minahal."

Pero nakabuntis ako ng babae kahit na may Girlfriend ako.

At gaya ng pinangako ko sa sarili ko na hindi magiging katulad ni Papa, pinanagutan ko ang babae at naging asawa kahit na ayoko dahil hindi ko naman ito mahal.

Nang lumalaki na ang anak namin, may narealize ako... ang hirap. Lalo na pag hindi mo naman mahal ang tao at pinipilit lang ang sarili, kaya nagkaroon ulit ako ng relasyon sa totoong minahal ko.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng Papa ko.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil naging katulad ako ng Papa ko, pero wala akong magawa dahil nagmahal lang ako.

Naalala ko tuloy ang sinabi ng Papa ko sa Mama ko na siya ring sinabi ko sa Asawa at sa anak ko na iniwan ko para sa babaeng pinakamamahal ko.

"Ginawa ko naman ang lahat pero patawad. Nakakapagod at hindi naman masaya kahit naglalakad ako sa tamang desisyon. Siya lang ang minahal ko at ayokong mas lalo pa kitang saktan kaya ginagawa ko ito. Patawad."

Alam kong gago ako dahil nakasakit ako ng tao. At mas lalong gago ako dahil yung mismong pinangako ko sa sarili ko ay hindi ko nagawa.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now