053

90 10 0
                                    

NANG DAHIL SA AKIN, HINDI SANA

I envy my friend Shaly for having a perfect family.

She invited me to her birthday. We have the same birthday pero nandito ako ngayon sa birthday niya dahil wala naman akong handa katulad niya. Ako lang ang mag-isa at mahirap lang ako.

Nakita ko ang Mama at Papa niya na masaya rin sa nangyayaring kaarawan ni Shaly.

May lumapit sa aking babaeng may katandaan pero maganda pa rin ito.

"Mukhang malungkot at mag-isa ka rito hija ah? Gusto mo ba kwentuhan muna kita habang nagsasaya ang kaibigan mo sa kanyang kaarawan?"

Hindi lang ako umimik at hinayaan na lamang siyang umupo sa aking tabi. Mabuti na rin siguro ng may makausap ako kaysa mag overthink dito ng kung ano-ano.

"I also have friends, actually tatlo kaming lahat pero dalawa na lang kami ngayon... dahil wala na yung isa." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses kaya't napalingon ako sa kanya.

"Bakit po pala kayo narito?" magalang kong tanong.

"Napakabait mo namang bata. Ofcourse i'm here because i'm invited. Kwento ko muna sayo ang nangyari sa akin."

Tumango na lang ako at hinayaan siya.

"Makikinig po ako." Ngumiti ako sa kanya dahil parang may mabigat siyang dinadala.

Napatitig siya sa akin at biglang napailing na parang may naisip, kaya nagtaka ako.

"Yung sa dalawa ko pa lang kaibigan, pareho sila ng lalaking minahal." Nanlaki ang mga mata ko.

"Ang totoong mahal talaga ng lalaking iyon ay ang kaibigan kong si Trina, siya yung kaibigan kong sinasabi sayo na... wala na."

Hindi ko alam pero nakuha niya yung atensyon ko sa kanya.

"Pero yung isa naming kaibigan ay nagkagusto sa lalaki na may gusto kay Trina, kaya't ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para mahalin din siya nito." Parang sumasakit ang puso ko sa bawat pag bigkas niya.

Tahimik lamang akong nakikinig sa kwento niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit pinili pa rin ng lalaki si Trina, maganda, matalino, at higit sa lahat may mabuting puso. Minahal din ni Trina ang lalaki, kaya nagalit ang isa naming kaibigan sa kanya, at nagulo na ang pagkakaibigan namin. Nahirapan nga ako kung saan ako papanig e." Natawa pa siya sa huling sinabi pero alam kong nasasatan siya sa kanyang pagtawa.

"Pero kanino nga po ba kayo kumampi? Kay Trina po o sa isa mong kaibigan?" Hindi ko na napigilang mag tanong.

Bumuntong hininga siya.

"Sila na ni Trina nung lalaki dahil mahal nila ang isa't-isa, pero nalaman na lang naming lahat na buntis pala yung isa naming kaibigan at yung boyfriend ni Trina ang ama."

What?! Bakit? Oo naawa ako sa isa nilang kaibigan pero mas naawa ako kay Trina.

"Bakit po? Anong nangyari?"

"Syempre mabait ai Trina at ayaw niyang mawalan ng Ama ang batang dinadala ng isa naming kaibigan kaya pinalaya niya ang lalaki at pinaubaya sa kaibigan namin kahit nasasaktan siya. Kitang-kita ko kung paanong nasaktan ang kaibigan kong si Trina."

Napatingin ako sa gawi ni Shaly. Kung mangyayari ba iyon sa aming dalawa na pareho ang minahal na lalaki- no! Hindi ko iyon hahayaang mangyari.

"At mas lalo akong nasaktan para kay Trina dahil buntis rin pala siya sa lalaking iyon." Nagulat ako sa aking narinig kaya napalingon ako ulit sa babaeng katabi ko.

"What? Edi sinabi niya po iyon sa lalaki at sa kaibigan niyo?" She shook her head.

"Nope. Kinaya niya ng mag-isa, masaya na siya na makasama ang anak niyang dinadala niya sa kanyang sinapupunan galing sa lalaking kanyang minamahal."

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha sa aking mga mata. Bakit ganito ako kaapektado sa kwento niya?

"Dumating ang araw na manganganak na siya at kailangan niyang mamili kung siya ba o kanyang anak, at syempre anak niya ang kanyang pinili." Ngumiti siya ng mapait.

Bigla kaming napatayo ng may lumapit sa amin. Ang parents ni Shaly.

"Hi, Lany! Nag e-enjoy ka ba?" tanong ng Mama ni Shaly.

"Ofcourse, birthday ng inaanak ko e," natatawang banggit ng babaeng katabi ko na Lany pala ang pangalan.

"Sana nandito pa rin ang kaibigan nating si Trina 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko? What? Siya yung kaibigan na sinasabi ni ate Lany?

Napatingin ako sa Papa ni Shaly. Napahinto siya sa sinabi ng kanyang asawa. Parang kilala niya rin si Trina na sinasabi nilang kaibigan... siya ba yung lalaki sa kwento ni ate Lany?

"Oo nga e, pero alam kong masaya na siya ngayon kung nasaan man siya." Nakangiting banggit ni ate Lany.

"Oh siya, kakausapin lang namin ang ibang bisita. Enjoy kayo ah? And by the way," napalingon sa akin ng Mama ni Shaly, "you must be a friend of Shaly, right?" Tumango ako.

Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako.

"Later usap tayo kasama ng anak kong si Shaly." Hindi ako nagsalita at tumango na lang. Parang may kasamang sakit ang pagyakap niya sa akin. Mabait siya, pero bakit nagawa niya 'yon kay Trina? Trina suffered because of her.

Umalis na ang parents ni Shaly at naupo ulit kami ni ate Lany.

"Happy Birthday, Narsha. I'm sorry." Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? Hindi pa po tayo nagpapakilala sa isa't-isa. And yung birtbday ko po? Kahit si Shaly na kaibigan ko ay hindi niya alam." Ngumiti lang siya ng makahulugan.

"I'm Doc. Lany, ako ang nagpaanak kay Trina and sa Mama ni Shaly na si Myrna. Sabay pinanganak ang mga anak nila, pero hindi nila ito alam... kundi ako lang." Tumango-tango pa siya.

Parang may nabubuong senaryo sa isip ko. D-don't tell me? A-ako ang anak ni Trina-

"Oh dear, you are wrong." Parang nabasa niya ang isip ko.

"P-pero bakit a-alam niyo po ang tungkol sa akin at-" Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at pinutol ang aking sasabihin.

"Si Shaly ang tunay na anak ni Trina." Napakunot ang noo ko.

"And you? Ikaw ang anak nila Myrna and Arthur na naging dahilan ng pagdurusa ni Trina. Kaya tama lamang na pinagpalit ko ang anak ni Myrna and Shaly, right?"

Tumulo ang aking mga luha. Nang dahil sa akin hindi sana mag s-suffer si ate Trina.

N-no.

--

Hart

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now