065

86 8 0
                                    

A WATTPADER CAN MAKE HER CRUSH INTO HER EX JOWA

"Hi Crush!" sigaw ko.

"Bakit?"

"Jowa na kita!" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"What the f*ck?!"

"Hehe, break na tayo!"

--

Agad ako lumapit sa kaibigan ko.

"Bessy!"

"Oh?"

Nagpunas-punas muna ako ng luha sa mata ko.

"OA na! Walang luha."

"Ayy, wala ba?" tanong ko pero inirapan lang ako ng kaibigan ko.

"Ano na namang katangahang ginawa mo?" Napasimangot ako, katangahan agad? Ang hard talaga nitong kaibigan ko e.

"Nag break na kami ni Crush," malungkot kong sabi.

Nanlaki ang mata niya.

"Talaga?! Naging kayo?"

Ngumiti ako.

"Oo hehe, kaso 5 seconds lang— ARAY! Bakit ka nambabatok?!"

"Wattpad pa!"

KJ talaga nitong kaibigan ko.

"Akala mo naman! Nabasa ko na 'yan, Hindi si Drake Palma yung crush mo oy! Hindi kayo magkakatuluyan ng crush mo!"

"Ang KJ mo!" sigaw ko na lang.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon