091

87 5 0
                                    

"KUMUSTA KA, CRUSH?"

Nilingon ko ang lalaking nangahas na kausapin ako.

Nilingon ko siya. Tinitignan ko kasi ang mga stall dito para bumili ng kung anong magugustuhan ko.

Pero nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang lalaking kumausap sa akin. Siya yung crush ko dati nung college pa ako!

"H-huy! H-hello! Hehe..." ani ko.

"Mas lalo kang gumanda ngayon ah?" Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabi niya.

"Hindi naman pero salamat." I smiled.

Mas lalo niya akong tinitigan. Kaya't nahiya ako.

Pero tinignan ko rin ang kabuuan niya. Mas lalo siyang tumangkad, his shoulder became broad, at ganoon pa rin siya... gwapo.

"Kumusta ka na pala?" ulit niya.

"Ayos lang naman, ikaw?" tanong ko.

"Ito medyo naghirap, hindi kasi ako nakapagtapos ng college," malungkot niyang sabi.

"A-ahh."

"Ikaw? Mukhang mayaman na ah?" I shyly smiled.

"Hindi naman, I just have a stable job."

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano hanggang sa...

"Gusto pa rin pala kita," he said out of nowhere.

"Ha?" My heart pound so fast. Gusto ko rin siya noon pa pero 'yon bigla na lang siyang nawala sa unibersidad na pinapasukan namin.

He look at me again, in my eyes... and my lips.

"Sabi ko gusto pa rin kita. May gusto na talaga ako sayo noong college pa tayo."

"Ha? Parehas tayo!" Halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi pero ngumiti siya sa akin.

Nagtitigan pa kami habang nakangiti sa isa't-isa.

"Wait here, may kukunin lang ako. I'll be back. Bumili ka muna ng bibilhin mo." Nakangiti akong tumango sa kanya.

Bumaling na lang ulit ako sa bibilhin ko.

"Ate dito po." Turo ko sa nagustuhan ko.

Kinuha ko yung bag ko at hinanap ang wallet ko para makapag bayad, pero halos halughugin ko na ang bag ko at baliktarin ito pero hindi ko mahanap.

"Shit! Where's my wallet?!" sigaw ko sa sarili ko.

At doon ko napagtanto, bago umalis yung kausap kong lalaki kanina ay may narinig ako na 'catch'

Napalingon ako. Sobrang layo na ng mga magnanakaw kasama siya.

"Ate?" May lumapit sa aking ale.

"Nanakawan po kayo?" tanong niya.

"Oo."

"Yung kausap niyo pong lalaki kanina yung nagnakaw sayo. Nagnanakaw na po 'yan rito palagi, kaya nga po nagtaka ako kanina bakit magkausap kayo at nagngingitian pa."

Halos sumabog na ako sa galit at umiyak.

"SHIT! NANDOON LAHAT NG PERA KO, PAANO AKO MAKAKAUWI?" sigaw ko na naman.

ANG LAKI-LAKI NG NGA KATAWAN NILA AT MAGNANAKAW LANG SILA?!

AND WTF?! YUNG DATI KONG CRUSH NOONG COLLEGE AY MAGNANAKAW NA NGAYON?

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now