058

88 6 0
                                    

Iyon na nga, sumakay ako ng jeep tapos halos mapanganga ako sa sobrang gwapong lalaki na katapat ko lang.

Nilabas ko kaagad ang cellphone ko, syempre hindi ko dapat ito palalampasin, picturan na agad! Hihi. Talande na kung talande! Minsan lang 'to!

Palihim ko siyang pinipicturan, and pakshet! Kahit anong anggulo ang gwapo pa rin!

Nakita ko naman ang babaeng medyo katandaan, na tingin nang tingin sa cellphone ko pero hinayaan ko na lang, palihim ko na lang nginitian yung babae para hindi mahalata. Hindi naman maiiwasan sa jeep ang mga tsismoso at tsismosa.

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang pumara si kuyang gwapo.

Pero napanganga ako sa narinig ko sa kanya.

"Tara na, Ma." Lumingon sa akin iyong babaeng katabi ko na ngumiti sa akin.

Unang bumaba yung gwapong lalaki.

"Gwapo ng anak ko 'no? Huwag ka mag-alala, sinulat ko sa papel yung pangalan at number ng anak ko, palihim kong nilagay sa bag mo. Support kita sa anak ko." Tapos kumindat pa siya.

ACCCCCKKK YUNG BYENAN KO BOTO NA SA AKIN TAPOS MABAIT PA!!!!

--

HartleyRoses

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon