032

125 9 2
                                    

HOW TO PROPOSE TO A WATTPADER

"Hon? Please? Kahit ito lang?" I looked at him coldly.

"Baka nakakalimutan mo Zach yung kasalanan na ginawa mo?" mataray na sabi ko.

"Bakit wala na yung endearment? You call me Zach, do you want me to call you Summer?" nakanguso niyang sabi.

I instantly shook my head, "no!"

"Hon, kahit ito lang please?" pag mamakaawa niya.

"Fine. Ano ba 'yan?" Nakita ko ang pag ngisi niya.

"It's a secret, let's go? Nasa kwarto ko lang yung surprise ko sayo." Tinignan ko siya na nanghihinala pero ngumiti lamang siya.

"Siguraduhin mong magugustuahan ko 'yan ah?" He nodded his head.

"You'll love it. I promise."

--

Nandito na kami sa kwarto niya at puro pulang tela lang ang nakita ko. Magkakalayo pa yung mga tela at nakahilera silang lahat.

"Ano na namang pakulo ito Zach?" He pouted while looking at me.

"Call me hon." I just rolled my eyes. Ang kulit.

"Halika hon, aalayan kita," sabi niya at sinunod ko na lang. Ayokong makipagbangayan sa kanya.

"So first..." Tinaas niya ang unang tela at halos malaglag ang panga ko.

"JSL Books!" masaya kong sabi. Lahat ng libro ni Jonaxx ay nandoon.

"Hon, umiigting din ang panga ko. Look!" Agad akong tumingin sa boyfriend ko.

Pinipigil ko ang tawa ko sa ginagawa niya, trying hard na umigting ang panga.

"Hindi ka pa rin naman Jonaxx boy, bleh," pang-aasar ko sa kanya.

"Boyfriend mo naman ako." I smiled.

"So dito naman tayo sa next..." tinanggal niya ang pangalawang tela.

"The Four bad boys and me!" banggit ko ng makita ang libro.

"Yes hon. Te Amo, Saranghae, I love you sobra-sobra."

"Line 'yan ni Jeydon e!" Tumawa siya habang nakatingin sa akin.

"And hon, I can dance teach me how to dougie like Jeydon."

At nagsimula siyang sumayaw pero malakas ko siyang pinalo sa kanyang braso para huminto.

"Huwag ka ngang sumayaw! Ang laswa!" nandidiri kong sabi pero kinikilig lang talaga ako.

"Dapat full support ka sa Boyfriend mo, hon. Support!" Inirapan ko lang siya at pumunta na sa pangatlong tela.

Hindi niya alam kung gaano niya ako napasaya sa mga librong binigay niya sa akin, pero nagtataka ako sa mga iba pang tela na nakatakip sa mga surprise niya.

Tinaas ni Zach ang pangatlong tela.

"I love you since 1892? Yung 1,300 na libro? Hon?" Halos maluha-luha akong napatingin sa kanya.

By part na kasi ang mga book ng ILYS1892 ngayon at wala na yung libro na yung buong chapter ay nandoon.

"Yes love, matagal ko na 'yang binili kasi alam kong gusto mo 'yan. And guess what? May pirma 'yan ng Author." Agad ko siyang niyakap.

Alam niya talaga kung ano makakapagpasaya sa akin kahit na todo selos siya sa mga fictional character na kinikwento ko sa kanya.

"Halika na binibini sa susunod na tela na bubuksan natin," sabi niya na ikinatawa kong muli.

Hindi siya nabigo na patawanin ako.

"So ginagaya mo naman ngayon si Juanito?" Tumango siya sa tanong ko.

"Oo binibini, nagpapaka-Juanito ako para sayo. Pero hindi ko pala kaya kasi nanakawin ko yung..." At nanlaki ang mata ko ng hinalikan niya ako pero smack lang 'yon. Pero kiss pa rin 'yon!

"Bakit mo ako hinalikan?" Napahawak pa ako sa aking labi.

"Kasi nang-aakit labi mo binibini," sabi niya at pumunta sa susunod na tela.

Pero pagkaangat niya sa next na tela ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

"Books ni Inang Cecelib!" masaya kong sabi.

Lahat ng possesive series na naging book na. Lahat ay nandoon.

Niyakap ako ni Zach at may ibinulong.

"Yung BS part diyan... we will do it." Nanlaki ang mata ko.

Hinampas ko ng pagkalakas-lakas si Zach pero tinawanan lamang ako nito.

"Sira ka talaga! Bawal 'yon! Ang bastos mo!" At patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Pwede na kaya, kasi..." At itinaas niya ang pang huling tela.

"Pakakasalan na kita." Doon na tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya.

Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha ang sing-sing.

"Summer Grey, will you marry me?" Agad akong tumango.

"YES! Zach, YES!" He instantly hugged me.

"YES!" Sigaw din niya habang nakayakap sa akin.

Pero nagsalita ako ng may maalala, "By the way, paano ka nagkaroon ng kaalaman sa mga librong 'yan? At paano mo nabili lahat 'yan? Sigurado akong malaki ang ginastos mo diyan," sabi ko tapos tinuro ko pa ang mga libro.

"Syempre hon, nag basa ako sa wattpad app para may pang banat naman ako sayo at hindi ako nabigo. At hindi ko binili 'yan hon ng isang bagsakan, yung iba diyan matagal ko ng nabili katulad ng ILYS1892, kasi kulang ako sa budget e. Yung singsing mo naman ay pinagipunan ko talaga."

Tumango-tango ako habang may malawak na ngiti.

"So anong mas gusto mo yung libro o yung singsing?" tanong niya.

"Syempre yung libo." Napanguso siya sa sinabi ko.

"Joke lang! Syempre ikaw yung gusto ko. Ang gusto kong mapangasawa." At nakita ko pa yung pagpigil ng kanyang ngiti.

Niyakap niya ako at sabay kaming tumawa.

"I love you, hon."

"I love you too."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now