124

67 4 0
                                    

2023 (Dedicated to VentreCanard)

The final wait is over! Makikita ko na si Kap huhu! My ultimate favorite author, Ventre Canard!

I wanna cry! Pinaghandaan ko ang araw na ito. Nakahanda na lahat ng libro na nabili ko para mapapirma sa booksigning event niya!

Kahit malayo ay pupunta ako sa MOA, kahit anong mangyari... I need to be there. Kailangan nandoon ako first book signing event niya, huhu.

Hinanda ko na ang lahat at umalis nang bahay namin. Bumyahe agad ako ng maaga dahil 6 hours pa byahe ko.

10:00 am ang start ng kanya booksigning event hanggang 5:00 pm. Kahit malate ako basta makaabot ako bago mag end yung event niya, kahit masilayan ko na lang siya.

Kahit nahihilo sa bus ay hindi ako makatulog at panay tingin sa relo ko kung ano na ang oras.

At halos gusto ko ng umiyak dahil 3:30 pm na at nasa byahe pa rin ako. Bakit ngayon pa ako minalas? Bakit sobra yung traffic ngayon?

Nakababa na ako sa bus at mahilo-hilo na ako pero pinagsawalang bahala ko na lang.

Napatingin ako sa malawak na lugar, I am fascinated at the place but I ignored it... kailangan kong mahanap kung nasaan ang event ni Kap.

Nagtanong-tanong ako sa guards pero masyadong malawak ang lugar at isama pa na first time ko lang makapunta rito.

Naiiyak na ako, it's already 5:10 pm.

Tumakbo lang ako nang tumakbo at hindi ko na napigilan ang pagkawala ng luha sa mga mata ko. Nasayang lahat ng effort ko, kahit hindi na mapirmahan, makita ko na lang yung favorite author ko.

Habang tumatakbo ay minalas pa ako at nadapa pa. Ang paper bag na hawak ko na naglalaman ng mga libro ni ate Ventrecanard ay kumalat sa sahig.

Agad ko iyong pinulot habang umiiyak at nawawalan na ng pag-asa.

And it's funny because Ventrecanard always giving me hope through her stories but now I am losing my hope to see her.

Naramdaman ko ang kung sinong tumulong sa pag dampot ko sa mga libro ngunit hinayaan ko na lang siya.

"Sa iyo ba ito?" tanong nang kung sinong tumulong sa akin.

"O-Opo." Ramdam ko ang pag nginig ng boses ko dahil sa pag-iyak.

I heard her laughed softly so I gazed at her. And she is— woah! She is beautiful wearing in her yellow floral dress.

"May I ask why my angel is crying?"

Hindi pa nag sink in sa akin ang kanya tanong pero unti-unting nanlaki ang mga mata ko at halos laglag ang panga.

"V-V-Ventrecanard? K-Kap?" She smiled sweetly again.

"Yours truly."

Hindi ko alam kung bakit pero tuluyang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Overacting man sa iba pero kasi parang nabunutan ako ng tinik. Lahat ng pagod ko ay nawala.

"Bakit ka pala umiiyak?"

"K-Kasi po malayo pa byahe ko tapos hindi na po ako nakaabot sa mismong event mo."

Hindi ko alam ang mga sunod na pangyayari pero nakaupo kami ngayon sa may bench dito sa MOA.

"K-Kap papirma po." She shyly smiled and grab her books.

Nakita ko ang signature niya sa libro ko at mensahe niya. Hindi ko talaga akalain na mangyayari ang araw na ito. Super worth it.

"T-Thank you Kap. Pwede po bang makipag picture sa inyo?"

She nodded her head. "Sure."

And we took selfies. Nanginginig pa kamay ko habang hawak-hawak ang phone ko.

"Kap last na po, payakap ako." Hindi ko pa naangat ang mga braso ko... I felt her warm body embracing mine.

"Thank you. I really appreciate you for coming here."

"Basta po ikaw ate Kap, huhu. Sobrang ganda mo po." Nakita ko ang hiya sa mata niya kaya bahagya akong natawa.

"Thank po ulit ate Kap sa time mo. Sobrang worth it po lahat."

Naramdaman ko ang marahang pag gulo niya sa buhok ko.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi, malayo pa iba-byahe mo."

"Opo Kap. I love you po. Keep spreading hope to us."

"I will."

"Till we meet again po."

We smiled to each other again after we parted our ways.

I looked at her books with her signatures and massages.

This is one of the best day of my life... meeting the real woman of hope.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now