022

141 11 0
                                    

[WEDDING RING]

"Love, i'm so excited na sa kasal natin!" Nginitian ko lamang ang babaeng mahal ko.

"Yeah, me too." Niyakap niya ako sa aking likod ng mahigpit.

"Pahinga ka kaya muna diyan? Ano ba kasing ginagawa mo?" Napatingin ako sa mga papel na nasa table ko. Dapat matapos ko na ito, as soon as posible.

"Tatapusin ko muna ito, love"

"But I want your attention, sa akin ka muna please? Kahit ngayong araw lang." I sighed.

"I need to finish this," medyo iritado kong sabi sa kanya.

"Gusto lang naman kitang makasama, masama ba 'yon—" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng mag salita ako.

"Hindi ka ba nakakaintindi? I'm busy. Sa susunod na lang 'yan!" Napaigtad siya sa sigaw ko.

"A-ahh, s-sorry love. S–sige aalis na lang muna ako. Pagpatuloy mo na ang ginagawa mo. Sorry." Doon ako natauhan. Bakit ko sinigawan ang mahal ko?

Gusto ko na sana siyang habulin ngunit hindi ko na lang ginawa. I have a surprise, kaya kailangan ko itong matapos.

Mag gagabi na at nasa kalagitnaan pa rin ako ng aking ginagawa.

Nakita kong nag ring ang phone ko, at nakita ko ang nakaregistered na number. Si Hart. Hindi ko na 'yon pinansin at baka hindi naman 'yon importante. Mas importante itong ginagawa ko, para ito sa aming dalawa.

Mag mamadaling araw na, at nandito pa rin ako sa office. Hindi pa din natatapos sa ginagawa.

"L-love." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita.

"Love! Bakit basang-basa ka?" Nakita ko siyang umiiyak, kaya agad ko siyang nilapitan. Ayokong umiiyak ang babaeng mahal ko.

"Arc, tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot." Naalala ko yung tumawag siya kanina pero hindi ko sinagot. I'm stupid.

"A-anong nangyari?" tanong ko

"Na-flat yung sasakyan ko, sinusubukan kitang tawagan para sana sunduin ako pero hindi mo sinasagot. Lumakas na yung ulan, pero hindi mo pa rin ako sinasagot" nilapitan ko siya, para sana yakapin pero umatras siya.

"S-sorry," 'yon na lamang ang nasabi ko.

"Mabuti dumating si Clein, yung kaibigan mo. Baka kung hindi siya dumating, sa labas na ako natulog, basang-basa sa ulan. Ganyan ka na ba ka-busy? Pati yung oras na hinihingi ko ay hindi mo maibigay?" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na siya ng office ko.

Hindi ko na siya nahabol, paano pa ako lalapit kung siya na yung lumalayo.

Napatingin ako sa table ko, "Babawi ako love. Babawi ako. Sa kasal natin, sisiguraduhin kong magiging masaya ka."

I have a suprise, at lahat ng ginagawa ko ay para sa upcoming wedding namin.

--

"Love, salamat at binigyan mo na ako ng oras." I smiled at her.

"My pleasure." Nakangiti ko na namang sabi. Nandito kami ngayon sa may bilihan ng singsing.

May katawagan ako sa phone, kaya si Hart lang ang tumitingin ng singsing namin.

"Yes, Mr. Kim. I want it to be beautiful. Yes papunta na ako diyan. Wait a minute Mr. Kim." Napatingin ako kay Hart nang nakangiti ito at may itinurong singsing.

"Love, 'yon ang gusto ko na singsing para sa kasal natin." Napatingin ako sa singsing na gusto niya. Napakaganda. Bibilhin ko 'yan.

"Ahm, love. Kailangan muna nating umalis." Napanguso siya sa sinabi ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now