043

111 7 0
                                    

Nakadapa ako sa aking kama habang hawak ang phone ko at nagbabasa sa wattpad.

Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kilig sa binabasa ko.

"Hon, ako naman. Puro ka na lang basa e." Narinig kong nagsalita ang asawa ko at nakahiga na rin sa kama namin.

Saglit ko siyang tinignan at binalik na ulit ang tingin sa phone ko para mag basa.

"Ano ba 'yan, puro ka na lang wattpad. Noong Girlfriend kita, kahati ko na sa atens'yon mo 'yang wattpad na 'yan, pati ba naman ngayong asawa na kita?"

Tuluyan ko na siyang nilingon at nilapag ang phone ko sa kama.

Niyakap ko siya at tiningala.

"Gusto mo lang magpalambing e," sabi ko at nakita ko naman siyang ngumuso.

"Oo, gusto ko." Napangiti naman ako sa tinuran niya at pinanggigilan ang ilong niya.

"Ikaw talaga! Nagseselos ka pa sa wattpad na 'yan, e story mo lang naman ang binabasa ko." Nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Talaga?"

"Oo naman."

Niyakap niya rin ako pabalik.

"Ako nga hindi nagrereklamo kapag yung atens'yon mo ay nasa pagsusulat ng story mo e!" nakanguso kong sabi.

"Oo na po. Basta story ko lang babasahin mo ah? Lahat ng sinusulat ko ay para sayo." Kinilig ako sa sinabi niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Ofcourse, Author! At puwede ba? Isulat mo na yung next chapter bago kita lambingin. Malapit na ako sa last update mo, ayokong mabitin. Hmp!"

Narinig ko siyang tumawa kaya napangiti na lang ko.

"Kapag ba sinulat ko na ang next chapter lalambingin mo na ako?" tanong niya na masaya kong tinanguan.

"Great! Magsusulat na ako." Agad siyang umalis sa kama at kukunin na sana ang laptop niya pero hinila ko siya pabalik.

"Sige na! Lalambingin na lang kita, mamaya na ako magbabasa at mamaya ka na lang rin magsulat. I love you, author ko."

"I love you too, dating mambabasa ko na asawa ko na."

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now