054

86 9 0
                                    

"Hi Sir."

Nang makita ko ang crush kong teacher ay binati ko ito kaagad at inipit ko sa aking tenga ang mga buhok kong nililipad ng hangin.

At syempre dakilang pafall itong teacher namin ay ngumiti siya sa akin. Kikiligin na sana ako e! Kaso bakit kasi ganyan siya? Huhu, dapat sa akin lang siya ngumingiti, dapat sa akin lang siya babati, at higit sa lahat dapat ako lang papansinin niya!

"Hello, Maricris."

OMG! I heard it right? Ako yung binati niya accckkkk! Marami kaming bumati sa kanyang mga students pero AKO LANG BINATI NIYA!

So ayon pinagtutulakan ako ng mga kaibigan ko sa kilig nila dahil alam nilang may crush nga ako kay sir.

"Mga beh! Invited kayo sa kasal namin," bulong ko sa mga kaibigan ko.

Nakita ko ang pagngisi ni sir, siguro ay narinig niya ang sinabi ko kaya napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa sobrang hiya at the same time dahil sa kilig.

Waaah! Ba't kasi ganyan siya makatitig sa akin? Matutunaw na ata ako e!

"Graduation niyo na bukas, right?" tanong niya at ang mga kaibigan ko ang sumagot.

"Yes, sir."
"Opo, sir."
"Papicture kami sayo sir ah? Lalo na itong si Maricris."

Naghampasan pa ang mga loko kong kaibigan.

"Yeah sure," nakangiti niyang sabi pero sa akin siya nakatingin.

Yung puso ko!!

"Sige alis na ako at pupuntahan ko pa ang klase ko. Bye, luv. See you on your graduation, at last I can tell my true feelings for you." Natulala ako sa huli niyang sabi bago umalis nang tuluyan.

SA AKIN NIYA SINABI 'YON DIBA? DIBA?!

Mas lalong nagwala ang mga kaibigan ko dahil napansin din nila na para sa akin ang sinabi ni sir.

Taon lang ang agwat namin ni sir at g-graduate na kami ng mga kaibigan ko ng college bukas.

MY GHAD! CAN'T WAIT FOR OUR GRADUATION TOMORROW!

ACCCKKKKKK!!!

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now