010

213 19 0
                                    

MEET-UP ;

[This is just purely imagination]

Meet-up na ng Cobenian's Familei. I can't wait.

Kasalukuyan akong naghihintay ng bus para makapunta sa MOA. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mga naging mahahalagang tao sa buhay ko.

Makikita ko na si Cobe na Idol ko, ang mga Cobenian's and also si Deib na naging ka-Relationship ko sa RPW.

I love him, kahit na hindi ko pa siya nakikita. And also him, minahal niya rin ako. He's portraying Deib Lohr Enrile in the story entitled He's into her.

I looked at the window of this bus.

Napatingin ako sa phone ko. Ang tagal naman ni Deib mag-open. Support niya kasi ako kay Cobe Lei, na idol kong writer. Since ngayon yung meet-up lahat ng Cobenian's, naisipan na rin namin ni Deib na mag meet-up na din.

Excited na ako kasi makikita ko na siya. Hindi ko siya kilala at kahit name niya ay hindi ko din alam.

I chatted him.

Me: Luv? Where are you? Just chat me or call my number kapag nakarating ka na. I love you po.

Nag chat naman din siya kaagad.

Deib: Okay.

Napakunot ang aking noo. Himala at hindi siya sweet ngayon, mamaya lang ito sa akin kapag nagkita na kami.

Argh! Nahihilo talaga ako pag sumasakay ng bus. Mabuti na lang at nandito na ako. Nagsimula na akong maglakad.

Napatingin ako sa paligid. May mga kasabayan ako, at may narinig din akong pangalan ni Cobe.

I smiled. Excited na ako but medyo kinakabahan.

Kinakabahan din ako kasi, paano kung hindi ako magustuhan ni Deib? Paano kung ayaw niya pala sa akin pagkatapos niya akong makita.

Nasaan na ba siya? Ang sabi niya kasi ay naka all black siya ngayong araw at may mask na suot.

Tinawagan ko yung number niya at hindi naman niya ito sinasagot. Hindi din siya naka online.

Nagtatampo na ako. Kung sakaling hindi siya sisipot sa meet-up namin, doon na lang ako kila Cobe and sa mga cobenian's. Hmp!

Pumunta na ako sa lugar kung nasaan mag me-meet ang mga Cobenian's. And woah! Ang dami namin. Makapagpapicture man lang sana ako kay Cobe, hihi. Pero mas love ko pa rin naman si Deib 'no! Idol ko lang talaga si Cobe at may konting crush lang naman.

Nagsimula ng pumila ang mga fans ni Cobe sa may mesa kung nasaan siya, para makapagpapicture sa kanya. Wala pa naman siguro si Deib kaya pipila na rin ako.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi masyadong mamukhaan si Cobe dito sa malayo dahil medyo malabo ang mata ko.

Nagtitilian ang mga fans niya lalo na yung mga tapos ng makapagpapicture sa kanya ang yung mga malapit na sa kanya.

Nakita ko naman si Cobe na parang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi ko na lang 'yon pinansin.

Tinignan ko ang phone ko at nakaopen na si Deib. Tinadtad ko siya ng message ko.

Me: Luuuuuuuuv!
Me: Mag open ka na, luuuuv ko!!!!
Me: Asawaaaaq??!!!
Me: Where are youuu??

Pero kahit seen ay hindi niya man lang ginawa. Naiinis na ako ah? Bahala siya diyan!

Palapit na ako ng palapit kay Cobe, kaya nawala ang atensyon ko sa aking phone.

This is it! Makikita ko na in person ang idol ko!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now