034

118 9 2
                                    

JOWA!
Take time to read this!

I gazed at him. My crush.

I sighed. It's now or never. I know my worth pero kung hindi pa ako kikilos walang mangyayari sa akin.

Kasi naniniwala ako na huwag mag assume at mag expect kung hindi mo naman kayang gawin at panindigan. Mabuti ng mag assume at mag expect na may ginagawa para less pain.

Huminga ako ng pagkalalim-lalim akala ko tuloy mamamatay na ako sa pagkaubos ng hininga.

"JOWA!" sigaw ko at halos lahat nagtinginan gano'n din siya.

Lumapit ako sa kanya at ipinalibot ko ang braso ko sa braso niya at umangat ang tingin sa gwapo niyang mukha kasi ang tangkad niya.

Iwinaksi naman niya ang kamay ko at kunot noong tumingin sa akin.

"What are you doing?" maarte niyang sabi. As if naman... maganda, cute at sexy na nga ang lumalapit sa kanya tatanggihan niya.

"Hello Jowa! You and me, Jowa," I pointed out.

"WHAT?!"

"Jowa."

"Get off."

--

At syempre makulit ako kinukulit ko siya.

"Jowa! Here, binilhan na kita ng lunch masyado ka kasing busy diyan sa SGG niyo." He looked at me with disgust.

"Busog ako."

"Hindi mo ba ako gusto? Maganda, cute at sexy ang Jowa mo." Tapos umikot-ikot pa ako sa harapan niya.

"No you're not. Umalis ka na." Napairap na lang ako.

"Oo na! Basta kainin mo 'yang binili mo ah?"

--

Mabilis akong tumakbo papunta sa gym habang dala-dala ang bottled water na medyo may kalakihan.

Laban kasi niya ngayon. Basketball player yung Jowa ko kaya kailangan kong mag care sa kanya at i-support siya.

Dumeretso ako sa may bench at hinintay na makapagpahinga si Khairo na Jowa ko.

Nang makapunta ang mga player sa bench para sa pahinga ay agad ako lumapit sa kanya.

"Water?" Tinignan niya lamang 'yon.

Kinuha ko ang bimpo na dala-dala ko at pinunasan ang pawisan niyang mukha.

"Pwede ba? Nakikigulo ka lang dito."

"Tubig." sabi ko at napangiti ako ng kinuha niya 'yon pero agad na nawala 'yon ng tinapon niya 'yon sa trashcan at umalis para makapaglaro ulit.

"Bud, sobra ka naman doon sa tao, nagmamalasakit na nga." Narinig ko pang sabi ng kateam mate niya.

Bumuntong hininga ako at tumakbo paalis sa gym at pumunta sa canteen para bumili ulit ng bottled water.

Tumambay muna ako ng matagal bago bumalik sa gym.

Nakita ko yung score at lamang na sila Khairo. 4th quarter na at malapit ng matapos ang game, sigurado na akong sila ang mananalo dahil ang laki ng lamang.

Tinapos ko muna ang game bago lumapit sa kanila.

I sighed. Siguro kaya naging gano'n lang siya kasi kaninang second quarter lumamang ang kalaban. Oo tama! Kaya gano'n siya kanina!

Nang makalapit ako ay nakita ko pa ang nakingit niyang mukha at napangiti na rin ako.

"Jowa!" Lumingon siya sa akin.

One Shot StoriesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum