014

175 15 0
                                    

"Be, pahingi naman ako ng bond paper"
"Pahiram naman ng gunting"
"Pahingi naman ng glue"

Kanina pa akong nagtitimpi sa mga nanghihingi at nanghihiram sa akin ng gamit para sa activity na pinagawa sa amin ng teacher namin.

Onti na lang talaga sasabog na yung inis ko, halos lahat ng classmate ko ay sa akin lumalapit dahil mga wala silang dala.

Habang ginagawa ko ang activity ko, biglang may kumalubit sa akin pero hindi ko pinansin o nilingon. Bahala siya diyan.

"Pwedeng manghiram ng-"

hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng bigla akong nagsalita

"Ano ba 'yan?! Kung makahingi o makahiram kayo sa akin para kayong may pinapatago? Ano ako ba nanay n'yo? Tapos-" napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino yung nanghihiram.

Napatahimik din ang buong klase at nakatingin sa amin.

"F-Francis" nauutal kong banggit sa pangalan ng crush ko.

Tahimik lang s'yang nakatingin sa akin "Ayy, hala sorry. Ano nga ulit hihiramin mo?" mabuti na lang hindi na ako nautal sa harapan n'ya

"Sige wag na lang, Nay" napanganga ako sa sinabi n'ya. What? Nay?

Bigla ulit bumalik yung inis ko dahil sa sinabi n'ya.

"Ano? Nanay mo ako?! Ha! kapal, sa ganda ko? Nanay?!" napatayo pa ako habang sinsabi 'yon.

Pero ngumiti s'ya ng matamis sa akin, na nagpalaglag ng panga ko at nagpawala agad ng inis ko.

Pero mas lalo akong napanganga sa kanyang sinabi at nagpapula sa aking pisngi.

"Yes, Nanay. Nanay ng magiging anak ko"

--

HartleyRoses

One Shot StoriesOn viuen les histories. Descobreix ara