047

98 6 0
                                    

I'M JUST BEING PRACTICAL

I'm entertaining my wealthy suitor, at syempre nalaman ito ng Boyfriend ko so he confronted me.

Siguro maghihiwalay na kami dahil dito sa nalaman niya? At least kahit maghiwalay kami may mayaman naman akong manliligaw.

"Airen! Bakit palagi mong kasama yung nanliligaw sayo? Dapat binusted mo na siya dahil may Boyfriend ka na. And you even tell him that you don't have a Boyfriend?" I bit my lower lip. Yes, I know i'm wrong.

"Ryler, wala akong kasiguraduhan sayo." Alam kong masakit ang sinabi ko. Nakita ko pang kumuyom ang kanyang kamao.

"Why? Hindi naman ako nag kulang ah? Lahat naman napupunan ko as your Boyfriend, hinahatid at sundo kita sa school. Legal na tayo both sides, I even plan our future kaya nga nag t-trabaho ako kahit nag-aaral para makapag-ipon, at kahit sobrang siksik na ng schedule ko nagagawa ko pa ring mag bigay ng time sayo, I even take a course in college na gusto ko at malaki ang sahod kapag nakagraduate kaya nag-aaral din akong mabuti for our future. At hindi ko pa rin kinakalimutan iparamdam at sabihin sayo na mahal kita. Bakit dahil mahirap lang ako? Mahal mo ba ako Airen?"

Napalabi ako sa mahabang sinabi niya.

"Mahal kita Ryler, but i'm just being practical here."

"You're not being practical, Airen! Because you're being selfish!" Napaigtad pa ako sa malakas niyang sigaw. At Halos sampalin ako dahil sa sinabi niya. Tama siya, i'm being selfish now.

"S-sorry." Nakayuko kong sabi at expected ko na naiiwan niya ako at makikipaghiwalay na siya sa akin pero nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

"Please, magtiwala ka sa akin. Mahal na mahal kita, at iniisip ko rin naman ang future ko dahil pareho tayong galing sa hirap. Hindi madali, kaya ayokong maranasan mo ulit 'yon in the future. Mag tulungan tayo, hindi mo kailangan ng mayamang lalaki para maging practical. I'm giving you a second chance. Please, just stay with me, love me, and always trust me."

Dito na pumatak ang luha ko. This man is really amazing.

Despite of my flaws, despite of my mistakes, here he is giving me a second chance to love him.

I know that I don't deserve him pero gagawin ko ang lahat para maging worth it para sa kanya.

Wala na akong mahihiling pa kung siya naman ang magmamahal sa akin.

At sa lahat ng maling ginawa ko, siya lang ang tama dahil minahal ko ang isang tulad niya.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now