009

251 19 1
                                    

CAN I HAVE THIS DANCE ;

"Pwede ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko?" napakaganda ngayon ng babaeng mahal ko sa kanyang pulang dress na bumagay sa kanya.

"Oh, sure! Pero hindi mo ako kailangang bolahin, Keizen" inirapan niya ako, at natawa naman ako

"Darlin' i'm just telling you the truth" I genuinely smiling at her

"Oo na po! Tara na nga isayaw mo na ako" nakanguso niyang sabi.

Nandito kami ngayon sa lugar na napakaganda. Kaming dalawa lamang ang nandito, at dahil anniversary namin, sobra akong nag effort sa araw na ito para sa babaeng pinakamamahal ko.

Inumpisahan ko ng ipagtugtog ang kanta para makasayaw kami sa napakagandang saliw ng musika.

~Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked on mine
And let the music be your guide

"Ikaw talaga may gawa nito? nginitian ko lamang ulit siya

Pinulupot ko ang mga kamay ko sa balingkinitan niyang bewang, at pinulupot naman niya ang mga kamay sa aking leeg, at nagsimulang sumayaw.

~Won't you promise me?
(Now won't you promise me, that you'll never forget?)
We'll keep dancing (to keep dancing)
Wherever we go next

Nagngingitian lang kami sa isa't-isa pero ramdam namin ang pagmamahalan at ang pag-isa ng mga puso namin.

Inikot ko siya ng marahan ng mag chorus ang kanta.

~It's like catching lightning
The chances of finding someone like you
It's one in a million, the chances of feeling the way we do

"I love you, Kathrina" pagak kong sabi habang sumasayaw kami

"I love you too, Keizen" halos mapuknat na ata ang labi ko kakangiti, pero hindi 'yon mawawala hangga't kasama ko siya, hangga't nasa tabi ko siya, at hangga't mahal niya ako. Hinding-hindi mawawala ang ngiting mayroon ako ngayon.

At handa na akong pakasalan siya. Ang totoo ay sorpresa ko ito para sa kanya, dahil mag p-propose na ako.

"I am the luckiest man. Huwag mo akong iiwan ah?" sabi ko, pero ngumiti siya ng mapait

"Masaya ako at natupad na ang pangarap ko na maisayaw mo. Masaya ako at nabigyan ako ng pagkakataon na mahalin ang isang tulad mo"

Bakit ganito? Bakit parang pakiramdam ko... iiwan niya ako?

"Mahal na mahal pa rin kita, Keizen. S-sorry. Darlin' please wake up" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay parang may milyong-milyong karayom ang tumusok sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit.

"B-bakit ka humihingi ng sorry sa akin?--" hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng may marinig akong ingay sa kung saan. Huminto rin kami sa pagsayaw ng babaeng mahal ko.

Tumingin ako sa gawi kung saan ko narinig ang ingay

"M-Mom? Why are you here?" takang tanong ko kay Mom, dahil kaming dalawa lamang ang nandito ni Kathrina... imposible namang pumunta dito si Mom, alam niya kung anong mayroon ngayon. Anniversary namin ng Girlgriend ko.

Nakita kong umiyak si Mom, at nagtaka ako, "Mom? Can't you see? We're dancing, you're disturbing us"

Nagulat ako ng agad na lumapit si Mom at niyakap ako.

"A-anak, tatlong buwan na ang nakakalipas" kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Napatingin ako sa paligid ko. Wala na ako sa lugar kung nasaan kami ni Hart, wala na rin ang babaeng mahal ko. Nandito na ko sa kwarto ko. Pero bakit? Nagsasayaw pa kami ng babaeng mahal ko!

"A-anak, w-wala na si K-Kathrina. Remember? Kaya gumising ka na" at doon nag sink in sa akin ang lahat.

Napaupo ako at napabitaw naman si Mom sa pagkakayakap sa akin.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Wala na ang babaeng mahal ko, wala na yung tinuturing kong mundo.

"It's my fault, it's my fault" paulit-ulit na sinabi ko

"No, anak! Walang may gustong mangyaring gano'n" napatingin ako kay Mom, umiiling habang umiiyak

"Kasalanan ko. Sana hindi ako uminom ng alak at naglasing noong araw na 'yon. Sana ginawa ko na lang ang pangarap ng babaeng mahal ko, ang maisayaw siya. It was suppose to be the happiest day of our life. Mag p-propose na sana ako para mapakasalan ko na siya" lumuluha na din si Mom, halatang naaawa sa kalagayan ko ngayon.

"Kung hindi ko inuna ang pag-inom, sana hindi na-rape ang babaeng mahal ko. Sana nailigtas ko siya, sana naipaglaban ko man lang siya. Pero wala akong nagawa. At lahat ng sana ko ay tuluyan ng magiging sana, at hindi na mangyayari pa"

~And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance? (Can I have this dance?)

Napalingon ako sa kantang narinig ko, ilusyon ko lang pala na nandito pa si Kathrina.

Yung theme song naming dalawa, yung paborito naming kanta na s'ya sanang kanta noong isasayaw ko siya at mag p-propose ako sa kanya.

Hindi ko matanggap na wala na siya. Paano pa ako ngingiti, gayong wala na siya?

"Pinapatawad na kita, Keizen. Kaya patawarin mo na rin ang sarili mo. I love you." Napatingin ako sa aking harapan. Isang babaeng nakangiti na parang masaya na, kung nasaan man siya ngayon.

"K-Kathrina" banggit ko sa babaeng pinakamamahal ko.

Tinanguan niya lang ako, "I love you too." tumulo pa ng isang patak ang aking luha bago siya tuluyang lumisan.

P-patawad.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now