122

73 4 0
                                    

MY RELATIONSHIP WITH HIM

"Argh, bwiset naman oh! Nagkasabay-sabay na lahat. Assignment, Projects, Mid terms. Argh, isama mo pang president ako ng makulit na section na 'to!" pagkausap sa sarili ko habang sinasabunutan ang aking buhok.

Mukha na siguro akong bruha kapag tinignan ako ng mga tao. Gulo-gulong buhok plus mga naglalakihang eyebag, equals sabog.

Lunch na namin kaya hinayaan ko na yung mga classmate kong mag-ingay. Hindi naman ako KJ na president.

Marami pa akong ginagawa kaya hindi pa ako bumababa ng canteen para mag lunch.

"Ms. Top 1!" narinig ko na naman yang nakakairitang boses na 'yan.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Bigla-bigla na lang niya akong hinila sa aking upuan.

"Ms. Top 1, kailangan mo munang kumain at baka magkasakit ka pa."

"Ano bang paki mo?! Bitawan mo nga ako! Marami pa akong gagawin." Nandito na kami ngayon sa canteen dahil sa paghila niya sa akin at may ilan-ilang students ang napapatingin sa amin kaya natahimik ako.

"Oh, upo ka dyan Ms. Top 1." May mga pagkain na sa mesa namin ni Van, siguro nag order na siya kanina pa.

"Pwede ba 'wag mo nga akong matawag-tawag na Ms. Top 1? Mayroon akong pangalan, Van."

"Eh, bakit? Top 1 ka naman ah?" Tinarayan ko na lang siya, dahil alam ko namang wala akong magagawa sa kakulitan niya.

Pinag cross ko lang ang mga braso ko sa aking harapan at tinignan lang ang pagkain. Wala akong ganang kumain, lalo pa at marami pa akong gagawin.

"Ms. Top 1," tawag sa akin ni Van.

"Oh?" taray na sagot ko sa kanya.

"Eat."

"Ano ko aso na uutos-utusan mo? Kaya kong kumain, kung gusto ko 'no."

"Hays, may PMS ka ata Ms. Top 1— ARAY!" Binatukan ko nga.

"Anong PMS, stress lang ako!"

"Kumain ka na kasi" Umiling lang ako sa kanya.

"You need to it, or else..."

"Or else, what?" walang buhay na sabi ko sa kanya.

"...Or else." Nagulat ako ng bigla niya akong nikiss sa aking labi pero smack lang.

"WHAT THE!" sigaw ko.

"ARA-ARAY! ARAY! Maawa ka sa akin miss Top 1!" Pinagpapapalo ko siya.

"Napaka PDA mo talagang lalaki ka! Dito pa talaga sa canteen! Bwiset ka talaga Van!"

"Ayaw mo kasi kumain, Ms. Top 1 eh. Sadista talaga 'tong Girlfriend ko, ang sakit mamalo." Kumakamot pa siya sa kanyang braso na pinagpapapalo ko

"Mabuti nga 'yan sayo!"

"I love you." Natahimik ako sa sinabi niya at agad-agad na namula ang pisngi.

"Yie, kinilig si Ms. Top 1!"

"Heh!"

"Kumain ka na Ms. Top 1. Pagtapos nating kumain, tutulungan kita sa mga gagawin mo."

"Oo na. I love you too!"

Napangiti na lang ako nang magsimula kaming kumain. Kahit na makulit at nakakairita itong si Van ay mahal na mahal ko pa rin ito. At hinding-hindi ako magsisisi kung bakit sinagot ko siya. Dahil siya palagi ang dahilan kung bakit napapangiti pa rin ako kahit na sobrang pagod na ako, katulad sa mga ganitong sitwasyon.

Siya yung lakas ko pag pagod ako. Siya yung taong tutulong pag nadapa ako. Siya lang yung taong nakakaintindi sa akin. Siya yung lahat na gugustihin ng isang babae. Siya yung mayroon ako na ayoko ng mawala pa.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now