026

123 9 0
                                    

[I USE MY SISTER'S ORIGINAL PICTURE]

Disclaimer: Written informally

One year na kaming in a relationship... and I could say that LDR works.

Nagkakilala lang kami sa Dummy world and we're both aspiring writers and masasabi ko naman na marami kaming supporters, hindi lang sa pagsusulat namin kundi pati sa relationship namin.

Pero dumating na yung kinakatakutan kong mangyari. He send me a message saying...

Credoir: Baby can you send me your original picture? I mean, hindi naman kita pipilitin na mag send but I badly want to see you.

I sighed. I'm not beautiful... hesitation filled me.

Me: Okay baby, I will send you my OP and one year naman na tayo so I think it's time.

I smiled bitterly when I hit send. Hindi ako yung sinend kong picture.

Hindi sa wala akong tiwala sa boyfriend ko— I loved him, and I really do. But I don't have that confidence when it comes to my appearance, 'coz I am not beautiful like my sisiter na siyang picture na sinend ko sa kanya.

Credoir: Woah, baby you're so beautiful.

Me: Thank you baby.

Credoir: No, you're more than that.

Nakahiga ako sa aking kama habang hawak ang cellphone ko at kausap siya through messenger.

He's a great writer kaya ko din siya nagustuhan. Matagal na din siyang nag send ng original picture niya and he's handsome, kaya natatakot ako na baka hindi ako mag fit in sa gusto niya sa isang babae.

--

Ilang buwan na simula no'ng unang pag send ko sa kanya ng picture ng sister ko. At patuloy pa rin akong nagsesend sa kanya ng picture ni Ate.

"Ate! Dali na, nagpapasend kasi siya ng picture sa akin naka pout," sabi ko kay Ate na nakakunot ang noo sa akin.

"Bakit ba ayaw mong isend yung sayo? Hindi ka naman pangit ah?" Napayuko na lang ako sa sinabi niya.

"Pero mas maganda ka sa akin Ate," mapait kong sabi.

"Oh sige na! But you're beautiful, and don't forget that." Agad akong napangiti sa sinabi ni Ate.

"Yey!"

Pinicturan ko siya at agad na sinend kay Credoir, not her real name— 'yon kasi ang ginagamit niyang name sa kanyang dummy account.

Minsan nalulungkot ako. Puro kasi picture na lang ang hinihingi niya, e dati voice mail na pagkanta ko ang hinihingi niya.

Credoir: Napakaganda mo talaga baby ko.

"Oh! Hanggang kailan ka magsisinungaling sa kanya?" I looked at my sister ng magsalita ito habang nakatingin din sa mesaage ng Boyfriend ko.

"Sabihin mo na kasi sa kanya ang totoo. Kung mahal ka talaga niya, tatanggapin niya ang totoo. And you're beautiful my sister, be proud of it."

Napatitig ako sa sinabi ng Ate ko. I think it's time, mahal ko siya at ayaw ko siyang mawala sa akin— pero ayoko ng magsinungaling. And I know there's a big possibility na magalit siya sa akin dahil sa ginawa ko.

So I chatted him.

Me: Baby? May sasabihin ako sayo.

Credoir: Hmm, what is it baby?

Me: Ayoko ng magsinungaling sayo.

Creadoir: Tell me.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko. Kinakabahan ako.

Me: Hindi ako yung nasa picture.

Credoir: What?

Me: Ang ate ko ang mga nasa picture nasinisend ko sayo.

He seened my reply. Matagal bago siya nag chat sa akin.

Credoir: It's okay.

Me: Hindi ka galit?!

Credoir: A little bit dissapointed.

Napatulala ako sa reply niya. Sino ba namang hindi madi-dissapoint?

Me: Tanggap ko kung makikipag hiwalay ka sa akin.

Credoir: You know what? Bago ko pinasok ang mundong ito ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magmamahal ng isang babae na hindi ko pa nakikita ang itsura.

Pagkabasa ko sa mahabang reply ni Credoir ay agad na uminit ang mata ko na pinipigilan ang luha. Ito na ba yung kinakatakutan ko? Mawawala na ba siya sa akin?

Me: So hindi mo ako gusto? You've never seen my face, even my original picture.

Credoir: No. Because you're an exception. Sa ipinangako kong hindi ako magmamahal ng hindi ko pa nakikita ang original picture— baby you're an exception.

Me: I don't get you.

Credoir: Simula noong sinabi ko ang salitang 'mahal kita', I really mean it. I fall for you because of your personality, because of your beautiful voice when you sing a song for me, I fall for your words when I read your piece, I fall for you because I love you... even though hindi ko pa nakikita ang mukha mo. Baby, hindi ko kakayaning maimagine na wala ng 'tayo'

Halos napatanga ako sa nabasa kong message niya sa akin.

Agad na pinamulahan ang aking pisngi. Gosh! Kahit wala siya sa tabi ko ay kaya niya talaga akong pakiligin.

Me: Are you sure?

Credoir: I love you.

What the? Ang layo naman ng reply niya sa sinabi ko.

Me: I love you too.

Credoir: So tommorow will be having our first meet up. Be ready, don't send me your original picture 'coz I know you're beautiful. Not just by your appearance but your heart. And by the way, I love you more.

Me: Halatang writer oh! Puro pambobola ang sinasabi.

Credoir: No, i'm not. I'm always telling you the truth kaya huwag ka ng magsisinungaling sa akin ah?

Me: I'm sorry baby. And yes, i'll be ready tommorow for our first meet-up.

--

HartleyRoses

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now