139

76 6 0
                                    

I'm a girlfriend of an underrated writer.

"Babe! Nakuha yung manuscript na pinasa ko sa isang sikat na publishing company!" I saw the glint of happiness in his eyes.

"Talaga babe?! Congrats! I am happy for you! Sabi ko sayo eh, kaya nakuha 'yang story mo kasi maganda talaga!" I hugged him tight.

"Yes babe, thank you! They also invite me to their booksigning event para mag guest since isa sa new release of book yung manuscript na pinasa ko sa kanila."

I can't contain what I am feeling right now for him. I'm just happy that he is now fulfilling his dreams.

"Sasamahan mo ako doon babe ah? Hindi ko kaya nang wala ka eh. I need your support." I smiled widely.

"Ofcourse! I'm your number one fan, remember? And I will never miss this one, isa kaya ito sa pangarap mo!"

"I love you!"

"I love you more, Mr. Writer ko."

Then the booksigning event came.

I'm just roaming my eyes in this wide room and looked to the table where there are different authors na may mga new release of books.

Most of them are famous and I am proud kasi nakasama yung Boyfriend ko sa kanila.

Simon gazed at me so I smiled at him and gave him a thumbs up!

"Kaya mo 'yan, go!" I always mouthed when he looks at me here in crowded people.

Nang matapos na ang pagpapakilala ay nagsimula nang pumirma ang mga author sa mga reader na bumili nang kanilang mga libro.

At halos mapunit yung puso ko nang makita ko na walang ni isang tao na bumili ng libro at pumila sa Boyfriend.

Yung katabing author niya pa ay dinudumog ng maraming readers. Alam kong masakit 'yon sa part niya. Sobrang sakit bilang isang manunulat.

I grabbed my wallet and looked at my money.

Kumuha ako nang tatlong copy ng libro ni Simon dahil 'yon lang kinaya ng pera ko, at pumila sa kanya at nagpanggap na simpleng reader niya lang ako at hindi Girlfriend.

"Oh my God, kuya Simon?! At last nakita na kita! Papirma po ako!" I excitedly uttered.

Nakita kong may mga nakuha akong atensyon sa ibang mga readers sa ginawa ko.

I even saw Simon's widened eyes, at hindi makapaniwala sa ginawa ko.

Nakita ko yung kamay niya na nanginginig sa pagpirma. Hindi ko alam pero nararamdaman ko siya ngayon, nakita ko pa ang pangingilid ng luha niya, gusto ko ring maiyak.

"I know kuya Simon, you will be someone's favorite writer, at isa ako sa aabang kung paano sila dadami. Pa-picture po ako sa inyo!"

"Sure!" He nodded and we took a picture.

He hugged me and whispered, "thank you babe..."

After that incident nawalan ng gana magsulat ang Boyfriend ko.

But I am always here to cheer him up and support him.

Sa bawat update niya, ako ang unang babasa, ako ang unang nagbibigay ng feedback, ako ang unang nag vovote.

I always motivate him to write and write. Kasi alam kong sobrang mahal niya ang pagsusulat, napanghihinaan lang ng loob dahil sa mga nararanasan niya.

And now I am looking on him. Finally! Isa na siya sa mga Author na dinudumog ng iba't-ibang mga mambabasa.

As his number one fan, sobrang proud na proud ako para sa kanya.

Pero hindi ko maiwasang malungkot. Beside him is his Girlfriend which is also a famous author.

Pareho silang dinudumog, they are both famous, both authors, bagay na bagay sila. Maraming pagkakaparehas.

In three years of being Simon's underrated writer, ako yung nakasaksi sa lahat ng paghihirap niya makuha lang ang pwesto na mayroon siya ngayon.

Nakita ko kung paano siyang nalungkot, sumuko, pero ako rin yung unang nakakita kung paano siyang paulit-ulit na sumubok at magpatuloy.

Nakapila ako para mag pa-book sign sa kanya. Pero nag cut off na yung time niya at hindi na ako naka abot.

Parang dati lang, ako lang yung nakapila pero ngayon ni hindi ko na siya malapitan. Parang dati lang hindi niya kaya nang wala ako, pero ngayon sobrang dami na yung sumusuporta sa kanya.

At ang masakit pa isa lang kasi akong reader na pinagpalit sa famous writer.

But I am still his number one fan.

--

HartleyRoses

One Shot Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن