002

945 28 26
                                    

Nag overnight kami sa bahay ng classmate namin dahil kailangang matapos yung Thesis na ipapasa na bukas.

Sobrang pagod na kaming lahat ng kagrupo ko, sobrang puyat na rin kaming lahat. Pati si Felix na palagi akong kinukulit ay halata na ring pagod na.

"Guys, pahinga muna tayo. Kahit maikling tulog lang, tapos tuloy na lang ulit natin 'to." Lahat kami ng mga kagrupo ko ay nagtanguan sa leader namin na siya ring may-ari ng bahay

Nagkanya-kanya kaming higa, at kapag minamalas nga naman si Felix pa ang nakatabi ko

"Ano ba? Lumipat ka kaya ng pwesto," naiirita kong sabi sa kanya

"Ayaw mo bang makita itong kagwapuhan ko." Ngumiti ito na parang nang-aasar, kaya napabuntong hininga na lang ako. Ayoko munang makipagtalo sa kanya, sobrang pagod at inaantok na rin ako. Hindi na rin naman siya makakalipat kasi hindi naman masyadong kalakihan yung kwarto at lahat na sila ay tulog na at may kanya-kanya na ring pwesto ng higa.

Nag pray muna ako bago matulog, baka mamaya mangyari na naman sa akin yung sleep paralysis, sobrang pagod ko pa naman na.

"Matulog ka na rin diyan," sabi ko kay Felix at tumalikod ako ng higa sa kanya

"Yie, concern siya."

"Tss."

Pinikit ko na ang mata ko, at mabuti na lang hindi na ulit nanggulo si Felix. Hindi ko namalayan at unti-unti ng pumipikit ang mata ko at nakatulog agad.

Ito na naman ang kinakatakutan ko. Alam kong nanaginip ako, at gusto kong gumising pero hindi ko magalaw ang katawan ko.

Gusto kong imulat ang mata ko, pero hindi ko magawa.

T-tulong. Gusto ko mang sabihin pero hindi ko rin magawa. Ang bigat, bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? Pinipilit ko pa ring galawin ang katawan ko pero hindi ko pa rin magawa.

At ito na ata ang pinakamalalang sleep paralysis na nangyari sa akin. Ang daming tumatawag sa akin, may mga tahol pa ng aso, pero hindi ko sila makita. Wala akong makita kundi ang kadiliman lamang.

Parang kinukuha ang kaluluwa ko. No! Gusto ko ng gumising! Ayoko dito! Ayoko dito!

Parang may naramdaman akong humawak sa aking kamay, sa totoo kong katawan. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay na 'yon sa kamay ko. Anong nangyayari?

Hindi ko alam pero parang may nakikita akong nakakatakot. Ayaw ko silang makita! Please gusto ko ng gumising!

Nagulat ako ng may tao na nasa tabi ko, nakahawak siya sa kamay ko at katulad ko ay natatakot din siya.

F-Felix?

Bakit nandito siya? Tumatakbo na kami ni Felix at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

May nakita kaming maliwanag at doon kami pumunta. Parang hinihigop yung kaluluwa ko habang papalapit ng papalapit sa portal na 'yon.

Gusto ko pa ring magising! Palala na ng palala yung nararamdaman ko sa katawan ko. Hindi na ako makahinga.

Napatingin ako sa kamay ni Felix na nakahawak sa kamay ko. Tuluyan kaming nakapasok ni Felix sa portal, kasabay no'n ang pagkawala ng bigat ng katawan ko.

"B-bakit? Bakit parang nahiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko?" Nakakapagsalita na rin ako, pero alam kong hindi pa rin ako gumigising sa totoong mundo

Kapwa kami hinihingal ni Felix dahil sa pagtakbo. "Natanggal talaga yung kaluluwa, sa mga katawan natin."

"What?!" halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now