35 - Halloween Party

Start from the beginning
                                    

"Oo nga. Bigyan muna natin sila ng time. Kelangan din naman ni Sammy ng 'Girl's time'. Eh mula nung makasama natin sya sa dorm wala pa akong nakitang kaibigan nyang babae eh. Meron naman sana kaya lang tomboy pa ata yung si Xy." sabi naman ni Rain.

"Kung sa bagay." sagot ko nalang. Siguro nga tama sila.

"Malakas na ata talaga ang tama ni Samantha dyan kay Hiro no?" naiiling at pabulong na sabi ni Kei. Hindi naman kami naririnig ni Hiro kasi medyo malayo sya.




PAK!

Bigla nalang hinampas ni Rain si Kei nung plastic bottle ng tubig na wala ng laman. "Hindi totoo yun no! Sabi nya wala syang gusto sa kanya!"

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Rain. "Tama si Rain. Ginagawa lang to ni Sam dahil gusto nyang maging maayos ang lahat. Gusto nyang maibalik ang friendship nila."

Ngumisi si Kei. "Tsk. At naniwala naman kayo? Sa tingin nyo ba magtityaga sya kung wala syang gusto kay Hiro? Hay. Akala ko pa naman alam mo na ang lahat ng tungkol sa kanya dahil bestfriend mo sya. O baka naman in denial ka lang talaga dahil hindi mo matanggap na may ibang lalaki na sa buhay ng bestfriend mo?"

Tiningnan ko sya ng masama.

"AHAHAHA." bigla nalang syang tumawa. "Easy dude. Nagbibiro lang ako. Nakakatakot ka rin pala kapag nagseselos. Hahah---Ouch!"

Hindi nya naituloy ang pagtawa dahil hinampas ko rin sya nung plastic bottle gaya ng ginawa ni Rain. "Hindi ako nagseselos!"

"Aray ko! Oo na! Tama na! Aray!"

Tinigilan ko na sya. Wala rin naman akong mapapala sa taong to.

*****

SAMANTHA ORTEGA'S POV

This is it!

Inhale...

Exhale...

Kaya ko to!

Pumasok na ako sa entrance. Pagpasok ko ay dinig na dinig ko na ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob. Maganda ang set up ng venue. Halloween na halloween ang dating. Ang department kasi namin ang nagdesign nito eh. Kaya medyo proud ako.

Nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad sa red carpet. Bago ka kasi makapasok sa mismong party grounds ay dadaan ka muna sa isang aisle kung saan may nakalatag na red carpet.

Dahan-dahan akong naglakad. Hanggang sa mapadako sa akin ang tingin ng mga tao sa paligid.

Biglang nagslow motion ang lahat sa paligid ko. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nila nang dumaan ako. Napapatakip pa ng bibig ang iba dahil sa pagkashock.

Nalagpasan ko na ang red carpet. Natatanaw ko na ang maraming tao. Bawat taong madadaanan ko ay napapatingin sakin at binibigyan ako ng hindi ko inaasahang reaksyon.

Pakiramdam ko isa akong prinsesa dahil kusang tumatabi ang mga tao at binibigyan nila ako ng daan.

Nakakapanibago. Anong nangyayari? Ganun ba katindi ang naging transformation ko para maging ganito bigla ang trato nila sa akin?

"C'mon! Sing with us!"

"KYAAAAAAAAAAH!"

"Baby you light up my world like nobody else.

The way that you flip your hair gets me overwhelmed."

"KYAAAAAAAAAAH!"

Halos matumba ako nang biglang magkagulo ang mga tao nang dahil sa GALAXY. Ngayon ko lang napansin na nagsimula na pala ang performance nila. Gaya pa rin ng dati ang set-up nila sa stage. Keyboard  kay Kian. Drums kay Rain. Bass guitar kay Kei. At lead guitarist sina Shan at Hiro na lead vocalist din. At dahil dun, nawala ang atensyon sakin ng mga tao at napunta sa kanila.

One She and Five He (OSAFH)Where stories live. Discover now