35 - Halloween Party

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ready ka na?" tanong ni Shan.

"Oo naman. Para sa mission ko!" masigla kong sagot.

Excited na kinakabahan ako. Ngayon na kasi yung Halloween party.

"Eh sigurado ka bang magaling na makeup artist at hairdresser yang bading mong pinsan?" tanong naman ni Kei. Si Kite ang tinutukoy nya. Nagvolunteer kasi si Kite na sya na daw ang mag-aayos sa akin. Gusto nga rin sanang sumama ni Patty pero masyado syang busy.

"Oo naman. Hindi lang halata pero magaling yang si Kite."

Sumang-ayon nalang sila.

"Hoy ikaw!" Nagulat kami nang biglang harapin ni Rain si Kite. As in harap-harapan. Napakaseryoso pa ng mukha nya na para bang naghahamon ng away.

"At baket?" nakacrossed arms na tugon ni Kite at tinaasan ng kilay si Rain.

"May tanong lang ako sayo. Isang tanong, isang sagot." seryoso pa rin ang mukha nya. "Mahilig ka rin ba sa polka dots?"

Mula sa malagangster na mukha, bigla nagshift ang mukha ni Rain sa parang three year old na bata!






PAK!

"Ouch!" napahimas sya sa ulo nang batukan sya ni Kei. "Kotang-kota ka na ah!"

"Gusto mo isa pa para matauhan ka? Para kang baliw!"

"Walang basagan ng trip, bro."

"Eh kung yang mukha mo ang basagin ko?"

"Masyado ka bang insecure sa ka-cute-an ko? *puing puing*" Nagpacute pa talaga sya.

"Mukha mo!"

"Pwede bang magmahalan nalang kayong dalawa?" sabat ni Shan. "Tara na nga. Naghihintay na si Hiro sa practice room eh. Mauna na kami, Sam. Kite, ikaw na ang bahala sa kanya ah."

"Sureness, papa Shan! Magtatransform itong bruhang to!" sagot ni Kite.

"Goodluck sa performance nyo mamaya ah. Magchi-cheer ako!"

Lumabas na sila at naiwan kaming dalawa ni Kite sa dorm. Since magpeperform sila mamaya, mauuna na sila para sa last practice at para na rin ayusin ang set-up nila.

"Gora na tayis! At nang ika'y magtransform na!" hinigit ako ni Kite at pinaupo sa tapat ng salamin.

"Sigurado ka ba dito, Kite?" tanong habang sinusuklay nya yung buhok ko.

"Naman!"

Hindi na ako nagtanong pa. Hinayaan ko nalang sya sa gagawin nya. Buti nalang nandito si Kite dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako lang mag-isa.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Unang pumasok sa isip ko si Hiro. Gagawin ko ang lahat. Sisiguraduhin kong mapupunta sakin ang spot light. Makukuha ko ang atensyon nya!

*****

SHAN FERNANDEZ' POV

Sabay-sabay na tunog ng mga instruments ang nagtapos sa isang kanta.

"Ge, tama na muna tong practice. Mag-ayos na tayo." sabi ni Hiro. Iniwan na namin ang mga instruments namin at saka naupo kami nina Kei, Rain, at Kian sa sahig habang si Hiro naman ay pumunta malapit sa bintana at tumingala sa langit.

"Haaay, nakakapagod." daing ni Rain at uminom ng bottled water.

"Oy Shan. Ba't ganyan ang itsura mo? May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Kei. "Inaalala ko lang si Sam. Okay na kaya sya? Baka kelangan nya ng tulong."

"Masyado ka talagang nag-aalala dun sa bestfriend mo no? Hayaan na muna natin sya. At saka nandun naman yung pinsan nya diba?" sabi nya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon