"Ang babaw mo naman. Sa susunod, bigyan mo naman ako ng magandang dahilan para naman sundin kita."

"Get lost!" sigaw nya at saka umalis. Hari ng walk out.

Napatingin nalang ako sa likod nyang papalayo at napabuntong-hininga.

'Her name was Sam.'

Naalala ko ulet yun. Yun pala ang dahilan kung bakit ang init ng dugo nya sakin. Eh ang dami-dami namang Sam sa buong mundo ah. Galit sya sakin dahil sa tuwing maririnig nya ang pangalan ko ay naaalala nya ang nakaraan nya? Ganun ba sya kaapektado para idamay ang inosenteng tulad ko? Kasalanan ko ba kung magkapangalan kami?

Akala nya siguro ay katulad ako ng babaeng yun kasi lagi nya akong sinasabihan ng mukhang pera. Porket ba pareho kami ng pangalan ay pareho na rin ang ugali namin?

Argh! Kung hindi ko lang talaga nalaman ang tungkol dun, baka nasuntok ko na sya. Pero kelangan ko munang magtimpi. Sa ngayon, mananahimik nalang muna ako. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para ipaalala pa sa kanya ang lahat. Baka sabihin pa nyang chismosa ako. Hahabaan ko nalang ang pasensya ko sa ngayon.

RIIIIIIIIIIIIIINNNNGGG

Nagambala ang pag-iisip ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Oo. Kahit na 3315 to ay cellphone pa din to noh. Hindi na ako nangangarap na bumili ng mga mamahaling cellphone dahil unang-una, wala akong pera. Pangalawa, hindi ko alam gamitin yun. >_>

Inilabas ko ito mula sa bulsa ng mascot na suot ko at saka sinagot.

"Hello Patty!"

*****

Ang saya ko.

"Sam!"

Pabalik na sana ako sa ginagawa ko nang makasalubong ko si Shan. "O Shan. Ikaw pala."

"Uminom ka muna. Baka maheat stroke ka pa dahil dyan sa mascot na suot mo." sabi nya at inabot sa akin ang mineral water.

"Salamat." kinuha ko naman ito at ininom.

"Ba't ang lapad yata ng ngiti mo?" tanong nya.

"May magandang balita kasi akong narinig." sagot ko na lalong lumapad ang ngiti.

"Talaga? Ano naman yun?"

"Tumawag sakin si Patty." panimula ko. Kilala nya si Patty dahil lagi ko syang nakukuwento sa kanya pero hindi pa sila nagkikita. Bihira lang kasi pumunta sa probinsya sina Patty. Tapos si Shan naman ay pumupunta lang sa probinsya kapag bakasyon. "Nandito na daw si nanay at si Kite."

"Talaga? Kelan pa sila dumating?"

"Kahapon. Doon sila tutuloy kina Auntie Betty."

"Ah yung mama ni Patty? Yung kapatid ng nanay mo?" paninigurado nya. Bilib na nga ako dito kay Shan kasi kung makapagsalita sya akala mo nakilala na nya ng personal yung mga kapamilya ko eh. Eh kung tutuusin ay nakwento ko lang naman sa kanya. Samantalang ako ay wala ring alam sa pamilya nya. May alam ako sa kwento ng buhay nya pero hindi ko pa nakikita ang pamilya nya.

"Oo. Kaya masaya ako."

"Isama mo ko pag bibisita ka sa kanila ah."

"Oo ba. Siguradong matutuwa sila. Lalo na si Kite." sabi ko na may halong panunukso.

"Oh c'mon Sam. Hindi kami talo nung bading mong pinsan."

Natawa nalang ako nang hindi na maipinta ang mukha nya. Ayaw nya talaga na tinutukso ko sya kay Kite.

One She and Five He (OSAFH)Where stories live. Discover now