*****

(NP: Treasure by Bruno Mars)

'Baby squirrel, you’s a sexy motherfucker
Give me your, give me your, give me your attention, baby
I gotta tell you a little something about yourself
You're wonderful, flawless, ooh, you're a sexy lady
But you walk around here like you wanna be someone else.'

Patuloy ako sa pagsayaw. Tumutugtog ang kantang yan mula sa speaker na dala ng GALAXY. Inaral ko pa talagang sayawin yan ah. Pero hindi ako dancer ha. Kung wala lang tong mascot na nagtatago sa mukha ko eh hindi talaga ako sasayaw sa harap ng maraming tao. Nakakatuwa nga kasi kahit na trying hard lang ako ay nakikita ko pa ring nakangiti ang mga tao habang pinapanood ako.

'(Oh whoa-oh-oh)
I know that you don't know it, but you're fine, so fine (fine, so fine)
(Oh whoa-oh-oh)
Oh girl, I'm gonna show you when you're mine, oh mine (mine, oh mine)'

Nandito kami sa isang park. Dito sila magpeperform kasi marami daw tao dito. At hindi nga sila nagkamali kasi hindi pa man sila nagsisimula ay marami ng tao ang nag-aabang sa kanila. Balita ko kasi sikat talaga ang PAU eh. Bukod kasi sa PAUnians ang magpeperform ay talaga namang ang gugwapo nila. Hindi ko na maikakaila yun. Grabe nga makatili tong mga babae dito eh. Hindi pa sila nagpeperform nyan ah. Eh pano kaya kung magsimula na silang kumanta? Baka matanggal na ang mga lalamunan nila kakasigaw.

'Treasure, that is what you are
(Honey), you're my golden star
You know you can make my wish come true
If you let me treasure you.
If you let me treasure you.'

Napahinto naman ako nang biglang may humawak ng mahigpit sa braso ko.

"KYAAAAAAAAAHHHHH!"

Tumindi ang tilian ng mga babaeng nasa paligid ko. Tiningnan ko kung sino yung humawak sa braso ko. Si Hiro.

Halos malaglag na sa lupa ang panga ko nang makita syang kumaway sa mga tao. At matapos ang ilang saglit ay tumingin sya sakin, pinandilatan ako at bumulong ng "Sumunod ka sakin." Hmp. Ang plastik din pala ng isang to.

Wala naman akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa kanya. Isa pa, higit-higit nya ang braso ko. Hindi ko alam kung ano na naman bang problema nya.

Dinala nya ako dun sa may likod ng puno kung saan walang tao at walang nakakakita sa amin. Dun nya ako marahas na binitawan.

Tinanggal ko ang ulo ng mascot at saka sya hinarap. "Bakit ba?"

"Hindi ka ba talaga makikinig sa akin? Itigil mo na tong kalokohan mo! Nakakahiya ka!" impit na sigaw nya.

"Ano namang nakakahiya dito? Ginagawa ko lang ang part ko." sagot ko.

"Part mo? Alam mo bang yan ang pwedeng makasira sa amin?"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba nakikita yung expression ng mga tao? Masaya sila. Malayung-malayo sa iniisip mo. Wag ka ngang negative." tinuro ko pa ang mga tao. Ewan ko ba kung bakit nya iniisip na masisira sila dahil sa mascot na to. O baka naman gumagawa lang sya ng dahilan para palayasin ako.

"Ganyan ka ba talaga ka-stupid?! Wala ka bang ibang maisip na paraan? Anong koneksyon nyang nakakasukang Panda sa amin ha?!" pigil pa rin ang pagsigaw nya habang dinuduro ang ulo ng mascot na nakaipit sa pagitan ng braso at bewang ko.

Tinabig ko ang kamay nya. "Eh sa ito ang gusto ko eh. Bakit ba ang dami mong reklamo? Ikaw ba ang magsusuot ha? Ikaw ba? Hindi naman diba?"

"Cool na image ng GALAXY ang gusto kong ipakita sa mga tao. Hindi yung childish na may mascot na yan. Ayokong makunan kami ng picture na may kasamang nakakasukang mascot. Naiintindihan mo?"

One She and Five He (OSAFH)Where stories live. Discover now