KABANATA 8 : Ngiting masaya

347 13 0
                                    

Sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko hindi ko narin mapigilang mapaluha at sa puntong iyon tila muling nabubuhay ang pagkainis at galit ko kay Zach.At kailan pa naging tama pagkulong niya sa'kin dito? He locked me in this creepy place and I hate it.

Wala sa sariling napadungaw ako sa malaking bintana at hindi pa maiwasang kabahan nang makita si Henrex na nakatingin mula sa pwesto ko.Kinikilabutan ako sa tuwing naalala ko na naging malapit ako sa kaniya.Paika-ika pa siyang naglakad kaya halatang may sugat talaga siya, sa mukha niya parang may sugat din akong nakikita habang siya'y pinagmamasdan ako gamit ang nanlalambot niyang ekspresyon.

Masamang tingin ang pinukol ko at tinalikuran na siya.Niluko niya ako at pinaniwala na kaibigan siya, that he will save me and keep me away from Zach, but he plans to take me.Hindi ko pa alam kung sino ang mas mapanganib sa kanila but I think I'm safe with Zach, iniligtas niya ako ng maraming beses but I'm still mad at him.

Mag-isa lang akong kumain sa hapag habang ang isip ko ay tila nakalutang sa himpapawid.Lutang na lutang parin ako lalo na ng maisip ang gabing hinihintay ng lahat.Ang gabing maikakasal ako sa Hari ng mga bampira.

Kumusta na kaya ang kalagayan ng lalaking iyon? Ngayon ko ulit napagmasdan ang mga alagad ni Zach, sobra pala ang dami nila.Palaisipan sa'kin kung may pag-asa pa bang magkaayos ang lobo at bampira, sana naman magkaayos na sila para makamit nila ang kapayapaan.

Napabuntong hininga ako at naisipang puntahan si Zach sa kwarto, plano ko lang naman talagang sumilip sa kwarto niya at nakita si Valerie na sinusubuan niya ng pagkain si Zach, nakangiti pa si Valerie na parang nagkwekwentohan silang dalawa kaya hindi na ako nag-abalang pumasok.Baka makasturbo ako.

Nagtungo ulit ako sa kwarto ko at humiga nalang sa kama.Iniisip ko ang mga taong naging dahilan kaya ako nandito, hindi  sila mapagkakatiwalaan sobrang sama nila. Hindi ako mapapadpad sa lugar na ito kung hindi nila ako pinilit na sumama dito.Peru hindi naman ito mangyayari at dapat hindi ako nagtiwala sa kanila ng basta basta.

Napabuntong hininga ako at hindi namalayan nakatulog na pala ako, hindi ko alam kung  ilang oras akong tulog ngunit alam kong gumagabi na.Ang haba ng tulog ko parang puyat na puyat pa ako.Bumangon na ako sa kamang hinihigaan ko at pagkarating sa labas ng kwarto ay siya ring pagsulpot ng lalaking bampira na kanang kamay ni Zach.

" Magandang gabi mahal na Reyna " Ngumiti ako ng tipid at halos matigilan sa huling katagang sinabi niya, hindi parin ako nasasanay na tawagin akong Reyna. "Kumain na po kayo mahal na Reyna" Aniya at akmang tatalikod na nang pigilan ko siya.

" Si Zach nga pala, mabuti na ba ang pakiramdam niya? " Yumuko ito at umiling iling. " Nagkaroon siya ng lagnat kanina mabuti nalang nandon si Ma'am Valerie upang alagaan ang mahal na Hari " Tumango tango ako, kaya hindi na ako lumapit kanina dahil inaalagan naman siya ng maayos ni Valerie.Kumain narin ako at hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa'kin ang lalaking iyon.

Pagkatapos kumain ay hindi ko narin mapigilang silipin si Zach sa kaniyang kwarto, inaasahan ko na naroon si Valerie ngunit nagkamali ako dahil nang makasilip ako si Zach lang ang nakita ko na nakahiga sa kama.May maliit na towel ang nakapatong sa noo niya at halatang giniginaw pa.

" Bakit hindi mo lapitan?" Napapitlag ako sa gulat nang biglang may bumulong sa'kin at nang humarap ako ay ang seryusong mukha ng propeta ang nakita ko.Hawak ko parin ang dibdib ko sa sobrang kaba, kapag ang babaeng ito ang kaharap ko hindi ko talaga mapigilan ang takot ko.Parang kakaiba ang presensya niya sa malapitan.

" Para mo narin siyang asawa kahit hindi pa kayo kasal, iyon ang tingin ng mga alagad niyang bampira dito, asawa kana ni Haring Zach sa paningin nila, Anabelle " Natigilan ako sa sinabi niya at siya naman ay nakatingin kay Zach mula dito sa labas ng pintuan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now