KABANATA 33: Sino ang traidor?

221 6 0
                                    

THIRD PERSON POV

" Haring Arkuz nandito na siya " natigilan si Arkus sa anunsyo ng isa niyang tauhan bago pa man umalis sa harapan niya ang mga lobo na naminsala kanina lamang sa kaharian ng mga bampira.Malawak ang naging ngisi ni Arkuz nang makita ang lalaking bampira na naging espiya sa kaharian na pinamumunuan ni Zach.

" Naparito ka? Do you have any information or news to share?" malapad ang ngisi niya at bumaba sa trono niya bago naupo sa isang bangko at tiningnan ang lalaking bampira na nakangisi din sa kaniya. " Lulusob sila mamaya kaya maghanda kayo " balita ng lalaking bampira dahilan kaya napatango-tango naman si Arkuz.

" Okay.How about my sweetheart? Do you have any news about her? " demonyong ngisi ang bumalot sa maaliwalas na mukha ni Arkuz.Katulad ni Zach ay halos perpekto na ang pagkakalikha sa mukha niya, iyon nga lang salungat sa gwapo niyang mukha ang kaniyang pag-uugali.Walang kasing sama dahil napakademonyo niya.

" Tungkol sa mahal na Reyna kalat sa buong kaharian ang pagdadala niyang tao " hindi napigilan ni Arkuz ang mapamura at galit na naibaling sa lalaking kasama niya ang nakakatakot nitong tingin. " What h*ll did you say? " napatayo si Arkuz habang hawak ng isang kamay niya ang baso na naglalaman ng alak.

" Ang mahal na Reyna buntis siya, natuloy parin ang nasabi ng propeta na itinakdang mangyayari ang bagay na iyon " dugtong ng lalaki at napangisi nang makita kung papaano nag-iba ang mata ni Arkuz at halos sumabog na ito sa galit.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baso dahilan kaya nabasag iyon sa ilalim ng palad niya.

" That fvcking Zach! Pwes kailangan hindi matuloy ang pagbubuntis ni Anabelle.Pagkatapos ng plano seseguraduhin kong mapapasakamay ko siya.My sweet heart, she's mine not for Zach" napahalahak ng tawa ang lalaking bampira at lumagok din ng alak na nakalapag sa lamesa.

" Ihanda ang mga sangkap na gagamitin ko sa magiging Reyna ko" tukoy ni Arkuz sa mga matanda na gumagawa ng kakabang mahika.Eksperto sila sa paggawa gamit ang pinaka-epektong paraan. Nakangising hinawakan ni Arkuz ang nakaboteng kulay asul na likido at ibinigay sa lalaking pampira.

" Huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama sayo, kontrolado namin ang lahat at walang maaaring maglaglag sayo" ngumisi si Arkuz bago tanggapin ng lalaki ang nakaboteng likido. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi nila ako mahalata " napatango si Arkuz at bahagya pang pumalakpak.

" Very good, ipainom mo yan sa mahal na Reyna tyak akong hindi mabubuo ang anak nila ni Zach.Kawawa naman si Zach kapag nalaman niyang hindi maitutuloy ng mahal na Reyna ang pagdadalang tao niya hahaha!" humalakhak ito ng tawa na sinabayan ng pagtahol ng mga alagad niyang mga lobo.

" Kailangan ko ng umalis, makakaasa ka na magagawa ko ang inuutos mo Arkuz" ngumisi ang lalaki at tumalikod na.Si Arkuz ay napangisi ng malapad habang tanaw ang lalaking papalayo na sa pwesto niya.Isa itong pinaka-epektibong mahika para gamitin ang lalaki at para kontrolin ang puso at isip nito.Isang mahika na babaliktad ang katapatan para kay Zach.

Sa ganitong sitwasyon walang mahirap para kay Arkuz, maraming eksperto sa paggawa ng mahika na para sa kalaban lamang. "Mahal na Hari, itong likidong 'to ay pambura ng alaala at anumang nakaraan ay hindi na muling mababalikan.Malalason ang kaniyang isip at epektibo itong gamitin " inilahad ng lalaking matanda ang hawak niyang likido na kulay berde.

Si Arkuz ay hindi maiwasang mapahanga bago hinawakan ang maliit na bote ng likido."Magaling! Magagamit ko ito sa aking plano" ngising usal ni Arkuz at tumingin sa mga matanda na gumagawa ng iba't ibang poison.Bumalik muli si Arkuz sa kaniyang trono bago nagsilapitan sa harapan niya ang maraming lobo.

" Magsihanda kayo! Lulusob ang kalaban ngayong gabi " anunsyo ni Arkuz dahilan kaya tumahol ang mga lobo sa harapan niya.Sa mukha ni Arkuz hindi makikitang natatakot siya bagkos ang demonyong mukha ang makikita ngayon sa kaniya. " This time, hindi na tayo magpapatalo " humalakhak pa ito ng tawa at napangisi din kalaunan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now