KABANATA 37 : Pansamantalang kapanatagan

183 4 0
                                    

Naalipungatan ako nang may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko at rinig ang maingay sa paligid ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko hanggang sa bumungad sa harapan ko ang mukha ni Zach ngunit parang hindi pa malinaw ang mukha niya kaya muli kong ipinikit ang mata ko.

" G-gising kana.." may bahid na takot ang boses ni Zach kaya kahit gusto ko pang pumikit ay mas pinili ko nalang idilat ang mata ko. " Finally wife, d*mn I'm worried " bahagya akong natulala at hindi alam ang magiging reaksyon nang bigla niya akong yakapin hanggang sa naramdaman ko ang presensya ng babaeng propeta.

" B-bakit a-anong nangyari? " kumunot ang noo ko dahil maging ang mukha ng babaeng propeta ay bakas ang pag-aalala.Si Zach ay hinawakan ang mukha ko habang nakakunot parin ang noo ko. " Wala kang maalala sa nangyari sayo? Nakita ka nina Allen at Rey na duguan at walang malay, what happened? " puno ng pag-aalala ang boses ni Zach.Duguan at walang malay?

Automatikong napatingin ako sa tyan ko at hindi maiwasang maluha nang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari. " A-ang anak natin.." wala naman pinagbago malaki parin ang tyan ko peru bumundol ako sa lamesa baka nagkaroon komplekasyon ang pagbubuntis ko. " Okay lang ang ipinagbubuntis mo peru ikaw, okay ka lang? " rinig kong tanong ng babaeng propeta.

Sa puntong ito  bumalik sa'kin ang sunod-sunod na eksena na nangyari sa'kin kanina. " Kung hindi ka lang nakita nina Rey at Allen baka may nangyari sa anak ninyo " malamig na usal ng babaeng propeta.Wala parin silang alam na si Allen ang traidor sa kaharian.

Mahigpit na hinawakan ko ang braso ni Zach at kahit hirap na bumangon ay ginawa ko parin.Namumutla na seguro ang mukha ko ngayon dahil sa matinding takot, mas pinangangambahan ko ng sobra ang anak namin ni Zach. " Are you really okay? Aksidente ba ang nangyari sayo? " umiling ako sa tanong ni Zach at ramdam ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

" Z-zach...S-si Allen..." nanginginig ang bibig ko na halos hindi ako makapagsalita.Kumunot ang noo nila maging ang propeta ay naguguluhan sa'kin.Sinubukan ko munang kumalma peru ang hilam kong luha ay mahirap pigilan. "S-si Allen ang may gawa nito sa'kin Zach, s-siya ang dahilan kaya ako dinugo" natigilan si Zach at kuryusidad  akong pinagmasdan.

" What do you mean, wife? " nanginginig ang kamay ko nang mapahawak ako sa tyan ko bago tumingin sa kanila na hinihintay ang sasabihin ko. " Zach, si Allen ang traidor sa kaharian mo, nakita ko at alam ko na siya ang hudas, s-siya din ang dahilan kaya ako dinugo at n-nawalan ng malay.Z-zach si Allen, siya ang traidor siya ang naglason sa mga alagad mo " nanginginig ang boses ko habang sila ay tila hindi inaasahan ang sasabihin ko.

Mas lalo akong napaiyak at ramdam ang takot sa buong sistema ko, walang nagawa si Zach kundi ang yakapin ako habang ang babaeng propeta ay matagal na natigilan marahil iniisip niya ang sinabi ko.Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Zach habang bumabalik-balik sa'kin ang nangyaring eksena.

" I can't believe this, seseguraduhin kong mapaparusahan ko siya ng kamatayan " si Zach ay galit na ang kaniyang boses at hinagod-hagod ang likuran ko.Humiwalay ako sa kaniya at sinuri ng maigi ang tyan ko. " B-bago ako mawalan ng malay lumapit pa siya sa'kin, b-baka kung ano ang ginawa niya" natataranta ako at hindi na magawang kumalma na iwan.Iyak ako ng iyak sa puntong ito.

" Wife calm down " hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko peru naluluha lang ako.Ang eksenang iyon ay hindi na mawala sa isip ko lalo pa't nang malaman na paano kung maapektohan ang mga anak ko dahil sa pagbunggo ko sa lamesa. " Please...Calm down, ipinapangako ko na hindi na siya makakalapit sayo, I swear" pag-aalo ni Zach hanggang sa nagawa ko narin kumalma peru may takot parin sa puso ko.

" Nagbalik siya para lang maghiganti.Ngayon alam na natin na siya ang traidor kailangan natin maging maingat at kailangang mapatay siya kaagad " rinig kong sambit ng babaeng propeta, pagkatapos no'n ay muli din akong nakatulog at nagising nang makitang nakahawak sa kamay ko si Valerie, may awa sa mukha niya kasama sina Rey at Drake.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now