KABANATA 10 : Sugat

278 6 0
                                    

 

Simula alas sais hanggang sa mag alas onse ng gabi ay hinintay ko si Zach ngunit hindi parin siya dumarating.

Hindi mahalaga ang mahiwagang lunas peru ang inaalala ko ay ang kalagayan niya ngayon.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang nag-aalala ako sa kaniya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Ang weird.

Kahit pa sinabi sa'kin ng babaeng propeta na makakauwing ligtas si Zach ay hindi ko parin maiwasang mag-alala.

Gaano kaya kahirap ang mga pagsubok na susubok sa kakayahan niya? Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip sa lalaking iyon dagdag pa sa'kin si Valerie.Ni hindi man lang ako nakapagtanong kung nasaan na si Valerie.

May iba akong naramdamang kaba sa kalagayan ni Valerie, bago kami naharangan ni Zach nailigtas niya kaya si Valerie? Sobrang mapanganib talaga sa labas ng kagubatan kung hindi lang nakakahiya kay Valerie hindi naman talaga ako sasama at tsaka ayaw kong may sabihin siyang hindi maganda sa'kin.

Palaisipan din sa'kin kung sino ang tumarak sa likod ko, malabong si Arkuz iyon dahil malabong sasaktan niya ako, at kung mga alagad niya naman ang gumawa no'n paniguradong mapaparusahan ni Arkuz peru malakas talaga ang kutob ko na hindi ang mga alagad ni Arkuz ang gumawa no'n, habang papatakbo ako may naramdaman akong kakaiba sa paligid ko.At iyon ang bagay na hindi ko matukoy kung ano iyon.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa hindi ko na nakayanan ang antok ko.Nakatulog ako ng napupuno ng pangamba ang puso ko dahil sa Haring Zach na iyon.Hindi naman ako ganito dati para mag-alala ng sobra sa kaniya.Mas gusto ko pa ngang mawala nalang siya.Peru ngayon I can't explain the way I feel now.Marahil siya lang ang magiging tagapagligtas ko sa kagubatang ito kaya ako nag-aalala ng ganito?

Nasabi iyon ng propeta na si Zach lang ang magsasalba sa buhay ko sa oras na manganganib ang buhay ko.Hindi ko alam kung ilang oras na ba nang may maramdaman akong may humaplos sa mukha ko dahilan kaya napadilat ako ng mata at ang gwapong  mukha kaagad ni Zach ang bumungad sa paningin ko.Natigilan din ako dahil nagkaroon na ako nang pakiramdam dahil hindi ako magigising nang hindi ko mararamdaman ang haplos niya sa pisngi ko.

" Z-Zach... "

" Try to move your body " Namamaos ang boses niya at ang mapupungay niyang mata at mariing nakamasid sa'kin. Marahan kong ginalaw ang kamay ko at talagang nagawa ko iyon. Ibig sabihin ba nito wala na iyong lason sa katawan ko? Hindi makapaniwalang sinuri ko ang katawan ko at bahagyang ginalaw galaw ang dalawa kong binti.

" Nagagalaw ko na Zach " Nakangiting sambit ko at sinubukang bumangon sa kama nang bigla niya akong alalayan. "Nakakaramdam narin ako " May sigla sa boses ko habang sinasabi iyon.Sobrang saya ang naramdaman ko at nang tumingin ako kay Zach seryuso lang ang mukha niya.Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo sa kama.

" S-salamat Zach.. " At niyakap ko siya kaya naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.Mabilis lang din ako napahiwalay ng marealize ko ang ginawa ko.

  " Nag-alala ako sayo, b-baka nahirapan ka sa mga pagsubok na sumubok sa k-kakayahan mo " Nakagat ko ang labi ko at yumuko dahil nakaramdam narin ako ng hiya sa mga ginawa niya ngayon at noong nakaraang araw.

" I'm okay don't worry, I'm worried about you " Napapaiwas siya ng tingin dahil bigla ko siyang tiningnan nang marinig ang katagang iyon. At siya pa talaga ang mag-aalala sa kalagayan ko eh siya nga ang dumaan sa matinding pagsubok. " Kumusta kana?" Ngumiti ako ng tipid at ngayon ko lang ito nagawa.Ngayon ko lang nagawang ngitian siya.

" Okay na ako, salamat " Tumango lang siya at pinagmasdan ako kaya ako naman ang nailang ngayon. Para hindi masyadong awkward ay tumikhim ako at tumingin sa kaniya. " S-si Valerie? Nasaan si Valerie? " Tanong ko dahilan kaya napabuntong hininga siya. " In her room. I need to visit her" Tumayo na siya at akmang aalis na nang mahawakan ko siya sa kamay niya.Nagulat ako sa ginawa ko at siya ay nakakunot ang noo nang tumingin sa'kin.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now