KABANATA 43: : Kasamaan

247 9 0
                                    

Naging abala ang dalawang mag-asawa sa mga anghel na sanggol na ngayon ay parehong gising .Ang inosenting sanggol ay malawak ang ngiti kaya hindi tuloy maiwasang mapangiti ng dalawang mag-asawa.

" Napaka cute..." halos nanggigigil na si Merna at pigil din sa sarili huwag lang nitong makurot ang matambok nilang pisngi. "Parang masaya sila, mamaya matutulog na naman sila." mahinang napatawa si Karding sa sinabi dahil mahilig matulog ang dalawa.

Isang bagay na ikinatutuwa ng dalawang mag-asawa ay minsan lang ito mag-iyakan, hindi naman naging pabigat sa kanila dahil tila matatalino ang mga sanggol na para bang ayaw nilang pahirapan ang dalawang mag-asawa.

" Sana sa'tin nalang sila." hindi parin maiwasan ni Merna ang maging makasarili at gusto nalang nitong angkinin ng tuluyan ang dalawang kambal. " Karding habang lumilipas ang bawat oras at segundo na kasama natin sila parang hindi ko na kayang mawala sila sa piling natin." naging malungkot ang mukha ni Merna.

Yumakap ang asawa nito at hinalikan siya sa noo. " Napamahal din ako sa mga bata peru hindi tama na agawin natin sila sa tunay nilang mga magulang." puno ng sensiridad na sambit ng lalaki sa babae.Napasinghap si Merna na tila gustong maiyak.Ilang linggo narin ang lumipas simula ng dumating sa buhay nila ang dalawang kambal.

Nang dahil sa dalawang kambal ay naranasan ng dalawang mag-asawa kung papaano magkaroon ng anak, kung papaano mag-alaga ng bata, kung papaano maging masaya ang mag-asawa nang dahil sa dalawang kambal. " Alam mo bang nangungulila din sila sa tunay nilang Ama at Ina. May dahilan ang lahat kaya sila tinapon sa kagubatan at ang dahilan na iyon ay hindi natin alam." napayuko si Merna at tiningnan ang dalawang kambal na nakangiti parin.

Lumitaw tuloy ang malalim na dimple sa magkabilang pisngi nila.Sobrang cute at marahil kapag nakita sila ng Ama at Ina nila ay paniguradong maluluha nalang ito sa saya.Kahit sino ang makakakita sa dalawang kambal paniguradong hindi nito mapigilan ang manggigil sa sobrang cacutan.

Mataman na pinagmasdan ng dalawang mag-asawa ang kambal na sanggol na magpahanggang ngayon ay tumatawa parin habang magkatabi ang dalawa.Minsan dumadapo pa ang maliit na kamay ng babae sa mukha ng kambal niyang lalaki, kung titingnan parang nagkakatuwaan ang dalawang kambal.

Sa kabilang banda naman, puno ng pag-aalala na pinagmasdan ng Ginang ang kaniyang anak na natutulog mag-isa sa malambot na kama, halata ang malaking pangingitim sa baba ng kaniyang mata halatang walang sapat na tulog at pahinga. Madami din sugat sa katawan nito na pinapahilom pa lang.

" My god! Kawawa naman ang sinapit ni kuya,  look at him Mom mukhang pinapabayaan ang sarili." hindi napigilan ng dalagang kapatid nito ang makaramdam ng matinding awa bago hinawakan ang braso ng kaniyang kuya.

" Wala kaming alam na may nangyari pa lang panganib at matinding labanan dito sa kaharian. " halos maluha ang babae bago napatingin sa babae na parang black lady. "Inang Reyna, hindi naman po nagkulang ang mahal na Hari para labanan ang hukbo nina Arkuz kaya lang noong gabing iyon masyado silang madami.Nalason ang iilang kasamahan namin ng dahil sa kagagawan nila." napatikhim ang Inang Reyna.

" Ang angkan nila ay bihasa sa paggawa ng kakaibang mahika, naalala ko noon no'ng nakuha ako ni Morris binalak din nilang lasunin ang puso't isip ko mabuti nakuha kaagad ako ng asawa ko."tukoy ng Inang Reyna sa Amang Hari na Ama ni Zach.

" At ngayon, ginawa nila ang mahika na iyon sa asawa ng anak ko.Napakasama niya wala silang pinagkaiba ng demonyo niyang Ama!"galit na sambit ng Inang Reyna habang tinutukoy nito si Arkuz.Ang babaeng propeta ay dismayado parin. " At ngayon epektibo na ang  lason sa mahal na Reyna." usal ng babaeng propeta.

" But wait...Paano na ang mga kambal nakuha din ba sila ni Arkuz?" agad na naitanong ni Shiena. Ang inang Reyna ay napatingin sa babaeng propeta nang puno ng pag-aalala. " Noong gabing iyon nagsilang ang mahal na Reyna..." kuwento ng babaeng propeta, and Inang Reyna at si Shiena ay hindi maiwasang kabahan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu