KABANATA 6 : Muling paglalaban

362 11 0
                                    

Kumain ako ng mag-isa sa hapag habang nakikitang nag-uusap sina Zach at Valerie.Mukhang miss nila talaga ang isa't isa dahil narinig ko sa dalawang babae na nagbabantay sa'kin na isang taon na at ngayon lang nakabalik si Valerie.Hindi ko tuloy maiwasang sulyapan sila ng tingin na nasa kabilang lamesa halata na masaya itong si Valerie na kausap niya si Zach.

Bigla ay napaiwas ako ng tingin dahil biglang sumulyap ang malamig na mga mata ni Zach, nahuli niya akong nakatingin sa kanila.Tumikhim ako at tinapos na ang pagkain hanggang sa tahimik  na dumaan ako sa paligid nila.Si Valerie ay nakangiti pa sa'kin kaya sobrang ganda niya sa paraan na iyon.

" Hindi ka man lang ba sasali dito? " Wala sa sariling napalingon ako kay Valerie nang sabihin niya iyon.Natigilan ako at hindi maiwasang tingnan si Zach na blanko ang mukha ngunit hindi nakatingin sa'kin.Ngumiti ako at nahihiyang umiling.

" C'mon Anabelle, magiging Reyna kana ni Zach so dapat marunong kang makihalubilo " May ngiti parin sa labi niya ngunit hindi ko maiwasang isipin na parang nangungutya siya.

Wala akong magawa kundi ang umupo sa bangko at ngumiti nalang ng pilit.Sa tingin ba niya natutuwa ako na maging isang Reyna? Gusto kong sabihin na tutol ako roon at plano kong umalis sa lugar na ito ngunit mas pinili ko nalang tumahimik.

" Stay here, I'll do something " Seryusong usal ni Zach at tumayo na mula sa pagkakaupo, hindi pa maiwasang magtagpo ang aming mga mata ngunit kaagad din akong nag-iwas at kunwaring tumingin tingin sa paligid.Anong nangyayari sa'kin? Sa tuwing nagtatagpo ang aming  mga mata parang may kung ano akong nararamdaman na iwan, hindi ko matukoy kung ano.

" Bye Zach " Nagwave pa si Valerie gamit ang   kaliwa niyang kamay at nakangiting tiningnan ako. " Kumusta ka naman, Anabelle? " Halata naman sa ngiti niya hindi iyon nababahiran ng peke dahil totoong kabutihan ang nakikita ko sa kaniya.

" Okay lang " Ngiting tugon ko.Ngumiti  siya at tumango tango habang maiging pinagmamasdan ako.

" Zach told me that it's against you to stay here.Alam mo Anabelle maiintindihan ko iyon even Zach " Napaiwas ako ng tingin sa kaniya "Paniguradong hinahanap na ako ng mga magulang ko, ang lugar na ito ay hindi para sa'kin " Buntong hiningang sambit ko dahilan kaya tumango siya.

" Peru kailangan mong tanggapin, iyon ang nakatakda,Anabelle " Gusto kong mapairap sa sinabi niya kaya lang parang nagiging masama ako kaya itinikom ko nalang ang bibig ko para hindi makapagsalita.

" You know what kung ako lang ikaw papayag  ako Anabelle " Hindi ko maiwasang tingnan siya at sa kaniyang mata bakas doon ang lungkot kahit nakangiti ang labi niya. " But I was not destined to be his mate " Dagdag pa niya.

" May gusto ka kay Zach? " Bigla ay naitanong ko dahilan kaya napatingin ito sa'kin.Gustong gusto ko talagang magtanong kung ano ang namamagitan sa kanila ni Zach, parang may nakakubling malalim na pagsasama kung umasta silang dalawa.

" Naging kami dati " Gusto kong magulat sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata, bakit naman ako magrereact ng ganon tsk! " We love each other " Nababahiran ng lungkot ang boses niya kaya hindi ko maiwasang titigan siya.

" T-talaga? Kung ganon ano ang nangyari sa relasyon ninyo? " Hindi ko na talaga maiwasang dumaldal habang nakatingin sa kaniya.

" Mas pinili kong lumayo at mamuhay bilang normal na tao, after the wolves killed my Dad, my Mom and I chose to stay away from this place" Nagulat ako nang biglang tumulo ang luha niya ngunit mabilis niyang pinunasan iyon.

" Hindi ko na naisip si Zach noong mga panahon na iyon, umaasa ako na magbabalik ang dati peru..." Malungkot siya nang magtagpo ang aming mga mata. " M-malabo na, dumating na ang itinakda and it was you Anabelle " Napayuko siya kaya hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.Pakiramdam ko ako parin ang may kasalanan kaya hindi na niya magagawang ipagpatuloy ang nasimulan nila noon ni Zach.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now