KABANATA 62: Dilubyo?

164 4 0
                                    

Warning: R18.Slight Spg

Lumipas ang isang linggo simula nang makabalik kami sa kaharian ngunit ang hirap maging okay.Ang hirap magpanggap na okay lang ako peru sa totoo lang napupuno ng pangamba ang puso ko, napupuno ng katanungan ang isip ko.

Habang nakatayo ay tumabi kaagad si Valerie at katulad ko ay pinapanood din namin sina Zach at Drake na kanina pa sinasanay ang mga alagad niya.

" Hinihiling ko na sana magwagi ang mga bampira." binalingan ko ng tingin si Valerie.Hinihiling ko din iyon.

" Valerie may alam ka ba sa mga pangitain ng babaeng propeta? "

" Hindi.Tinanong ko nga si Drake peru ayaw naman niyang sabihin." napaiwas ako ng tingin at tiningnan ang direksyon na kung saan naroon sina Zach.Nagtagpo ang aming tingin at malawak akong nginitian.Napabuntong hininga ako at muling tumingin kay Valerie.

" May bumabagabag ba sayo mahal na Reyna? " ngumiti ako at umiling. " Katulad din kasi ni Zach kapag nagtatanong ako palagi siyang umiiwas sa tanong ko." sagot ko at siya ay bumuntong hininga din bago ako hinawakan sa kamay. " Mahal na Reyna ayaw kong mag-isip ka ng kung ano-ano peru marahil konektado din iyon sa mangyayari sa hinaharap, lalo pa't mangyayari na iyon." gumuhit ang lungkot sa mukha niya.

" Alam mo naaawa ako sa  magiging anak namin ni Drake, walang katiyakan ang buhay ng bawat bampirang naririto.Katulad mo iniisip ko din ang kahahantungan na paano kung may mangyaring masama? Pinilit ko namang isipin na makakaligtas ang bawat isa peru kahit g-ganon pa m-man hindi ko parin maiwasang mangamba, nangangamba ako sa samahan, kay Drake sa magiging anak namin."  hindi ko maiwasang kaawaan siya ngunit maski ako ay nababahala din.

Ramdam ko ang lungkot ni Valerie kasi iyon din ang nararamdaman ko lalo pa't hindi ko man lang puwedeng malaman kung ano ba ang pangitain ng babaeng propeta.Napabuntong hininga ulit ako at nagpaalam na kay Valerie dahil kinaway kasi ako ni Zach, pagkalapit ko ay kaagad niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

" Pinagpapawisan ka." itinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang pawis niya ng hawak kong puting tela.Habang ginagawa ko iyon natigilan din ako at sinalubong ang titig niya. " Pagod ka ba? " ngumiti siya at umiling, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon na siyang ikinangiti ko.

" Ang ganda ng mahal kong Reyna."

" Nambola na naman." natawa siya nang irapan ko siya at laking gulat ko nang hapitin niya ako sa bewang na parang walang mga alagad niya ang nakapaligid sa'min.

" I'm telling the truth, you're more beautiful than an angel." sinasabi niya iyon habang kumikindat pa sa'kin.Sobrang lakas ng pintig ng puso ko at mahina siyang tinawanan.Tinalo ko ba naman ang anghel?

" Puro ka kalokohan."

" You're so beautiful when you smile, d*mn wife you're teasing me." tumawa ako kahit papaano pinili kong itago iyong lungkot ko. Sobrang lawak ng ngiti ko habang pinipisil-pisil niya ang pisngi ko.

" Just be happy wife, I noticed that you were getting sad the other day." he looked into my eyes at ganon din ang ginawa ko.Peru nagpapanggap lang akong masaya Zach, alam ko na alam mo iyon dahil alam ko na nababasa mo ang nararamdaman at naiisip ko.

Tumigil ako sa pag ngiti ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kaniya.Mabilis akong tumalikod dahil hindi ko mapigilan ang luha ko peru ayaw kong makita niyang umiiyak ako. Pagpatak ng luha sa mata ko ay nagmadali ko din tinuyo iyon at muling humarap kay Zach na kinakausap pa ng isa sa mga alagad niya.

" Wife? "

" Yes? " Ngumiti siya at natigilan ng yakapin niya ako bigla sabay halik sa labi ko.Napatikhim na lamang ako at ngumuso."Simula ngayon may limitado na ang paghalik mo sa'kin.Bawal mo akong halikan ng walang permiso." pinaningkitan ko siya ng mata.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now