S I M U L A

1K 23 3
                                    

Sa madilim na kagubatan at ang makulimlim na kalangitan mag isa akong naglalakad hinahanap ang tamang daan patungo sa bayan.

" Hija, gabi na at hindi ka ba natatakot? " isang matanda ang sumulpot sa harapan ko kulubot na ang kaniyang mukha at ang buhok niya ay puting umaabot sa bewang niya.

" Diyos ko Lola tinakot mo naman ako! " hawak ko ang dibdib ko at sobrang  kabog ng puso ko dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Hawak niya ang tungkod niya at pabaling baling ang kaniyang tingin hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa inaakto niya.

" Mapanganib para sayo ang lumabas Hija lalo pa't.... "

Hindi niya natapos ang sinabi niya nang makarinig kami ng kaluskos.Ang matanda ay napahawak sa kaniyang noo at maraming beses na umiiling-iling.

" Hindi ito maaari " bulong niya habang ganon ang posisyon niya. Paulit ulit ang kaniyang katagang pinakawalan bago humangin ng malakas kasabay no'n ay tinangay ang aking buhok.

" Lola o-okay lang po ba kayo?" nangilabot ang aking balahibo nang makita ang madiin niyang tingin na tila ba'y may kinatatakutan siya. " Sinasabi ko sayo na umalis kana sa lugar na ito..Umalis kana! " Napalunok ako sa sinabi niya.

" Isa itong babala Hija...Umalis kana at ito lang ang tanging paraan para makaiwas ka at hindi ikaw ang tuluyang itinakda para sa isa't isa... " Kapwa kami napalingon nang may marinig kaming kaluskos but this time malapit na sa gawi namin.Iwinaksi ko ang takot bago tumingin kay Lola.

" A-ano bang pinagsasabi niyo Lola? At tsaka gusto ko po sanang magtanong kung saan ba dito ang daan patungo sa bayan naliligaw-"

" Nangyari na...Nangyari na ang nasabi ng propeta" nagulat ako nang tumulo ang luha niya. Kinabahan ako at kahit takot na takot ay nilakasan ko na lamang ang aking loob.

Dumayo lang naman kami dito kasama ang mga kaibigan ko ngunit hindi ko inaasahan na maiiwan ako ng mga kaibigan ko.O talagang sinadya nilang gawin ito sa'kin.Tama si Grace hindi sila mapagkakatiwalaan.

" L-lola tulungan mo akong makaalis sa lugar na ito, gusto ko ng umuwi " hinawakan ko ang matanda sa kaniyang kamay ngunit isang nabibigong tingin ang pinukol niya sa'kin.

" Nangyari na Hija....Wala kanang takas sa lugar na ito "

" P-po Lola? A-anong ibig niyong sabihin? " nangilabot ako sa sinabi niya.

" Ikaw ay makukulong sa lugar na ito at iyon ang nakatakda " makukulong ako sa lugar na ito? Hindi pwede kailangan kong makaalis dito baka hinahanap na ako ng mga magulang ko at ang kuya ko.

" Tuluyan ng nangyari ang nasabi ng propeta at ang itinakdang maging asawa ay dumating na,mas lalong guguho dahil sa malaking paparating na delubyo " hindi ko maintindihan ang sinabi niya ngunit kinuha niya ang palad ko.

Mas lalong bumaha ang luha niya at napatingin sa'kin.Halos manghina ako dahil sa takot sa matandang ito.Iniisip ko na baliw siya dahil kung ano-ano ang sinasabi niya.

" H-help! help! " mabilis na hinila ako ng matanda sa likod ng malaking kahoy nang makarinig kami ng sigaw na babae at malakas na kaluskos.

" N-no! p-please n-no aaahh! " hiyaw ng sexy na babae at kung hindi lang natakpan ni Lola ang bibig ko baka napasigaw ako sa takot at pagkabigla.

Mga tatlo silang lalaki na biglang naging lobo at pinagtulungan nila ang laman loob ng babae.Ang aking dalawang palad ay napatakip sa aking bibig at ang luha ay biglang kumawala sa aking mata.Anong klaseng halimaw sila?

Kita ng dalawang mata ko kung papaano sila naging halimaw na lobo habang naging abala na sila sa pagkain sa magandang babae.

Hindi ko mapigilan ang sikmura ko dahil parang masusuka na ako.Napasandal ang likuran ko sa puno habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa tyan ko dahil parang gusto kong sumuka sa nakita ko.

" L-lola t-tulungan mo akong makaalis dito..N-natatakot ako Lola " tumutulo ang luha ko habang mahinang sinasabi ang katagang iyon, dumaan ang awa sa mata niya at maraming beses na umiling.

" May amoy tao pa dito " nang mapalingon ako ay muli na silang naging anyong tao, suminghot singhot sila at mabilis na napatingin sa pwesto ko mabuti nalang hinila ako ni  Lola kaya hindi nila ako nakita.

" May tao pa dito huwag muna tayong umalis, mas magandang alay ito para sa hari kung may pagkain tayong dala sa kaharian " kinabahan ako nang maramdaman ang yabag patungo sa pwesto namin.Nang mapatingin ako kay Lola may takot din sa mga mata niya.

" Awhoahhhh! Awhoahhhhh! " natakip ko ang aking tainga dahil sa malakas na tunog na iyon.Anong klaseng halimaw iyon at ang lakas ng boses tipong kakabahan ka dahil parang malaking halimaw iyon.

" Hudyat na iyon, muli tayong pinapatawag ng mahal na hari " rinig kong sambit nila.

Pinakiramdaman namin ni Lola ang paligid namin hanggang sa maramdaman na naming wala na sila.Lumabas kami sa likod ng malaking puno at pinagmasdan ang babaeng duguan at ang mata ay nakadilat pa.Sobra ang takot na bumalot sa puso ko.Bakit may ganito? Kawawa naman ang babae.

" L-lola ayaw ko na dito, p-pakiusap tulungan mo akong makaalis sa lugar na ito " kinakabahan ako dahil ngayon lang ako nakakita ng uri ng tao na biglang nagiging halimaw na lobo.

" Ikaw...Ikaw ang babaeng naisaad sa propesiya, walang kang kawala dahil ikaw ang nakatakdang magiging asawa ng hari ngunit magiging mapanganib dahil dalawang pinuno ay pag-aagawan ka...Ang delubyo ay muling mabubuhay " mas lalo akong naguluhan.

Ngunit ang katagang iyon ay nagpataas ng balahibo sa katawan ko..Bawat hatid ng boses niya'y natatakot ako.


THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now