KABANATA 5: Pagprotekta

366 13 0
                                    

May mundo ako na hindi pwedeng humalubilo sa mundo nila, hindi nila ako pwedeng ikulong sa mundong puno ng kababalaghan, at sino ang matinong babae na papayag at magpakulong sa ganitong klasing kagubatan na puro nakakatakot na nilalang ang tao dito?

Peru mahirap talagang tanggapin ang kapalaran na hindi ayon sa kagustuhan mo ngunit wala naman akong magagawa. Sana naman intindihin nila ako, may pamilyang hinihintay ang pagbabalik ko, mahirap sa'kin na makulong sa lugar na hindi ko gusto, sa lugar na walang katiyakan kung ligtas ba ako o hindi.Habang nakatulala sa kawalan ni hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.Namimiss ko na ang mga magulang ko, kumusta na kaya sila?

" I'm sorry, hindi ko gustong pakasalan ka dahil napipilatan ka, but I can't do anything because that's what's planned, Anabelle " Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko nang makitang tumabi si Zach sa'kin habang nakadungaw ako sa malaking bintana.

" Wala akong magagawa para pigilan ang kapalaran na iyon " Malamig ko siyang tiningnan at kalaunan hindi mapigilang samaan siya ng tingin. " Pwede mo akong itakas dito, papakasalan mo ako dahil iyon ang sinabi ng propeta hindi naman natin mahal ang isa't isa para magpakasal hindi ba? " Napabuntong hininga siya.

" Ang paglabag sa propesiya ay kamatayan ang ihahatol.Hari lang ako ng mga bampira ngunit hindi ko kontrolado ang magiging hatol ng mga pinunong babaylan.I chose to be King so I could kill the bad wolves, many vampires have died because of their devilry.Magiging kalaban ko ang kapwa ko bampira sa isang pagkakamali " Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

" Wala akong pakealam kung mamatay ka, sabihin mong makasarili ako peru wala akong pakealam " Nabigla ako sa katagang nasabi ko.Nakagat ko ang labi ko dahil alam ko na nasaktan siya sa sinabi ko, nilingon ko siya na sana hindi ko nalang ginawa dahil nakita ko ang sakit sa mga mata niya, naikuyom niya ang kamao at parang gusto akong sakalin at patayin sa galit ngunit hindi niya ginawa iyon, namula ang mata niya peru kinontrol niya iyon.

Mabilis na naglaho siya sa harapan ko at hindi ko narin maiwasang mapaluha.Bakit hindi ko napigilan ang galit ko? Anabelle ang sama mo, ang sama sama mo talaga. Halos kurutun ko ang sarili sa inis.Hindi naman ako ganito kasama dahil hindi ito ang itinuro ng mga magulang ko sa'kin.

Hinanap ko si Zach para humingi ng tawad sa ginawa ko, pinagsisisihan kong sinabi ko iyon sa kaniya, hindi ko inisip ang mararamdaman niya.Hinanap ko Zach sa buong kaharian  ngunit hindi ko siya nakita. Lumapit ako sa dalawang babae kung nakita nila ang Hari nila peru sinabi lang nilang wala.

Hinintay ko na magbabalik siya hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi parin siya bumabalik.Hindi kaya iniiwasan na niya ako? Kumain ako sa hapag nang mag-isa sa lamesa, may mga nakapaligid na bampira na tagabantay sa kaharian at mula rito sa pwesto ko, nagtanong ako kung nakita nila si Zach ngunit umiling lang sila.

Dalawang araw ang lumipas ngunit sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi ko nakita si Zach, galit lang ako kaya ko nasabi iyon, kung alagad lang ang papel ko sa kaharian na ito paniguradong patay na ako. Napabangon ako sa kama dahil umaga narin at kailangan ko pang abangan si Zach baka makikita ko siya ngayong araw.

" Nandito na ba si Zach? Nakita niyo ba? " Tanong ko kaagad sa dalawang babaeng bampira. Nagkatinginan pa silang dalawa bago ako tingnan at umiling. " Pasensya na po mahal na Reyna ngunit hindi namin siya nakita " Natigilan ako sa katagang 'Reyna'. May kung ano akong naramdaman sa narinig  ngunit hindi ko maiwasang mainis.Hindi pa nga kami kasal ni Zach tinatawag na nila akong Reyna.Kung hindi ko na matatakasan ang kapalaran ko ano nalang ang gagawin ko? Tanggapin si Zach bilang magiging asawa ko?

" Magpapahangin lang ako sa labas " Pamamaalam ko ngunit alam kong susunod sila kaya hindi nalang ako umangal pa.Yumuyuko ang alagad ni Zach kapag nakikita ako kaya hindi ako sanay, para sa'kin nakakailang ang bagay na iyon.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now