KABANATA 29: Tagumpay

256 4 0
                                    

WARNING: R18. READ AT YOUR OWN RISK

Tahimik lang ako sa hapag at nakikinig sa usapan nina Papa at Zach, kahit papaano masaya ako dahil tila komportable si Zach na kausap ang mga magulang ko. " So wala kana palang Ama, ilang taon ka nang mamatay ang Ama mo? " usisa ni Papa.Ako ang naiilang sa tanong ni Papa peru hindi ko naman siya magawang pigilan.

Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ni Zach malamang hindi naman maiiwasang maalala ni Zach ang nangyari noon sa Ama niya, kung papaano paslangin ng mga lobo ang Amang Hari noon. " I was 17 years old when my Dad died" tugon ni Zach at maliit na ngumiti bago napasulyap ng tingin sa'kin.Napaiwas din kaagad ako at nagpatuloy sa pagkain.

" Ang kapatid at ang Mama mo lang ang kasama mo ngayon? " usisa ulit ni Papa kaya napatango si Zach. " Anong pinagkikitaan niyo? Ikaw may trabaho ka ba?" nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Papa naging tahimik naman si Zach dahilan kaya matunog na napangisi si kuya na tila inaasar si Zach.

Oo nga pala hindi nila alam kung gaano makapangyarihan ang pamilya nila, nakakatawa nga dahil hindi naman sila nagtanong tungkol  do'n at isa pa hindi pa nila alam ang ang apelyidong dinadala ni Zach na galing sa royal family.Ano ba kasi ang pinag-usapan nila noong nakaraang araw kung hindi man lang nila alam ang apelyido ni Zach.Nakakatawa.

" I have a company, it is MONETELLO'S COMPANY " sagot ni Zach na parang normal lang niyang sinasabi iyon.Hindi nababahiran ng pagmamayabang ang kaniyang boses at uminom ng tubig. Nang mapatingin ako kina Papa at kuya napatanga ito na halatang gulat na gulat.Ang kompanya nila ay sikat lalo na ang pamilyang Montello.

" Ano kamo? Sandali lang saang pamilya ka ba nanggaling? " usisa ni Papa nang makabawi siya sa pagkagulat.Hindi naman nila kasi tinanong kung saang pamilya nanggaling si Zach basta ang sinabi lang nila noong gabing iyon ay gusto nilang dalhin ni Zach ang mga magulang dito.

" I come from Montello's Family " ngumiti si Zach at muling sinulyapan ako ng tingin, this time nakatitig lang siya sa mukha ko habang nasa tabi ako ni Mama at siya naman ay nasa tabi ni kuya. " M~Montello's Family? Papa diba sikat ang pamilyang iyon? " di makapaniwalang tanong ni kuya.Hindi alintana ni Zach ang reaksyon nina kuya at Papa dahil focus lang ang atensyon niya sa'kin.Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

" Ang pamilyang iyon madalas kong marinig sa balita " usal ni Mama. Ngumiti ako kay Zach at umiling-iling bago ako kumain ulit.Itinutok na niya ang atensyon niya sa mga magulang ko na hindi parin makapaniwala. " Mr. Montello? Ang CEO ng sikat na kompanya dito sa Pilipinas? " hindi makapaniwalang tanong ni kuya na tinanguan ni Zach.Ngayon ko lang din nalaman na siya ang CEO sa kompanya.

Nagkatinginan sina Papa at kuya at hindi parin makapaniwalang tumingin kay Zach, isang Hari at CEO ang naging alipin at naging sunod-sunuran sa utos nila kaya sino ang hindi magugulat do'n? Anak mayaman na akala mo ay walang alam sa gawaing bahay peru mali, dahil lahat nagagawa niya ng maayos.Hindi siya nag iinarte sa tuwing maglalaba siya, sa tuwing maghuhugas siya ng plato sa tuwing may ginagawa siya dito sa bahay, lahat nagagawa niya iyon ng walang pag-iinarte, ng hindi siya pinipilit.Saludo ako sayo Zach.

" Peru wala akong pakealam kung naging Pangulo ka man, ang mahalaga dito ay mapatunayan mo ang sarili mo sa'min kung karapat-dapat ka bang maging asawa ng anak ko " usal ni Papa nang ilang minuto silang natahimik. Ngumiti lang si Zach at tumango tango.

Gagawin niya ang lahat para lang sa'kin.Peru nakokonsensya ako dahil baka nahihirapan na siya. Natapos kami sa pagkain at siya na ang nagligpit ng pinagkainan, tumulong narin kami ni Mama kahit pa bawal naming gawin 'to. "Tutulungan na kitang maghugas ng plato, Mama magpahinga kana " ngiting usal ko.Sina kuya at Papa ay nasa sala na at kahit pa suwayin nila ako bahala na.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now