KABANATA 55: Magandang biyaya/ Pagbabalik

226 5 0
                                    

ANABELLE'S POINT OF VIEW

Nakagat ko ang labi ko para itago ang kaninang ngiti na gusto ng lumitaw mula sa labi ko, mapagkakamalan pa akong baliw dahil sa ginagawa ngayon ni Zach, akala ko pa naman nakikinig siya sa usapin ng mga pinunong babaylan.Panay ang tingin nito sa direksyon ko embes na makinig sa usapin.

Nagkaroon kasi ng pagpupulong at nagkataon na nangyari ang pagpupulong mula sa dulo ng pasilyo medyo malayo ako sa kanila peru kahit ganon pa man kita ko kung papaano ako titigan ng Hari at minsan maloko itong napapangisi kapag iniirapan ko siya.Nasisiraan na talaga siya.Nakikinig ba talaga siya o hindi?

Napailing-iling nalang ako bago ko sulyapan ng tingin si baby Zion Zachero at katabi nito ang kambal niyang si baby Bella Zachea.Nang muli akong sumulyap kay Zach hindi parin naalis ang tingin niya sa pwesto ko kaya itinaas ko ang kamao ko at pinakita iyon dahilan kaya nakita ko kung papaano siya matawa.

" Mahal na Reyna." Napalingon ako kung sino ang tumawag sa'kin at si Valerie lang naman na may malawak na ngiti sa kaniyang labi.Gumanti ako ng ngiti at kinaway siya kaya bahagya nitong binilisan ang paglalakad hanggang sa malapitan niya ako.

May kakaibang ngiti sa labi niya at ang saya sa mukha niya ay ngayon ko lang din nasilayan.Medyo kakaiba si Valerie ngayon ano kaya ang dahilan ng kakaibang ngiti at saya na nakakubli sa puso niya? " Hinanap mo ba si Drake?" naitanong ko na agad naman niyang inilingan marahil alam niya na nandon si Drake sa naganap na pagpupulong.

" Pinuntahan talaga kita dito." nilingon niya ang pwesto kung saan naroon ang Hari maging ang kasintahan niyang si Drake. Nakita ko pa kung papaano ngumiti si Drake nang makita niya si Valerie kaya nang lumingon ako kay Valerie ay bahagyang bumakas ang pagkahiya sa mukha n'ya bago ito tumikhim. Ang ganda ni Valerie at bagay na bagay sila ni Drake, alam ko na maraming nagkakagusto kay Valerie noon at si Rey narin ang nagsabi nito sa'kin.

" Umupo ka nga dito." tinapik ko ang upuan na nasa tabi ko. " Anong dahilan ng iyong pag-ngiti na tila kakaiba at ngayon ko lang nasilayan." bahagya pang yumuko si Valerie bago napahawak sa manipis niyang tiyan kaya naman hindi ko maiwasang manlaki ang mata ko nang may marealize ako.

" Valerie? "

" Nagdadalang tao ako. " At doon niya ako tiningnan ng deritso.Ako na nagulat ay hindi maiwasang mapatakip sa bibig ko, hindi ako makapaniwala na sa wakas ay magkakaroon narin sila ni Drake. " Kahapon lang namin natuklasan." Nakangiti siya nang biglang tumulo ang luha niya.

" Binabati kita, Valerie." bahagya ko pa siyang nayakap at mahinang hinawakan ang manipis niyang tiyan. " Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala." bahagyang tumawa si Valerie ngunit nababasa ng luha ang kaniyang mukha.

" Magandang biyaya, binabati ulit kita, Valerie." sobrang saya naman nito at sa wakas ay may nabuo narin sila.

" Salamat mahal na Reyna, kaso hindi pa kami kasal at nauna ng-."

" Ano ka ba okay lang iyon.Peru dapat nagpaplano na kayo sa kasal niyo." ngiting suhestiyon ko na agad naman niyang tinanguan.Hinawakan ko ang kamay niya at kapwa pa kaming nakangiti nang biglang sumulpot ang Inang Reyna kasama si Shiena na malawak lang din ang ngiti na batid ko kung ano ang dahilan.

" Nakarating sa'min ang balita na nagdadalang tao ka, Valerie." bakas ang tuwa sa boses ni Shiena dahilan kaya bahagyang tumango si Valerie. " Wow! When kaya ako?" naging masama ang tingin ng Inang Reyna sa itinuran ni Shiena, sa totoo lang wala akong alam kung sinong lalaki ba ang napupusuan ni Shiena eh hindi naman siya nagkukwento sa'kin kahit medyo madaldal siya.

Marahil ayaw lang niyang magkwento kung patungkol lang din iyon sa lalaking natitipohan o mamahalin niya? " Oh my gosh papatayin na talaga ako ni Mom." mahina pa akong natawa sa rekasyon ni Shiena ang cute niya at sa tuwing nagsasalita halata roon ang pagka-arte.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now