KABANATA 1 : Ang pagtatagpo

1K 20 0
                                    

Galit na galit ang isang binata nang sumugod ito sa tatlong babae na ubod ng sama. Si Grace ay nasa likuran lamang ng binata na halos hindi narin maipinta sa mukha ang galit hanggang sa...

" Saan niyo dinala ang kapatid ko? " Malamig na tanong ng binatang si Lester dahilan kaya maang-maangan na tumingin ang tatlo hindi tuloy maiwasang mapakuyom ng kamao ni Grace.

" What Lester? Tinatanong mo kami kung nasaan si Anabelle? " Pilyong ngumiti ang dalaga na nagngangalang Rayne at ang dalawang kabigan ay napairap nalang.

" Huwag  nga kayong umakto na wala kayong alam! Bago mawala si Anabelle kausap ko pa siya at sinabi niya na kasama niya kayo sa kagubatan anong ginawa niyo? Iniwan niyo siya dahil balak niyong maligaw siya sa kagubatan! " Hindi na nakapagtimpi si Grace.

" Ipapakulong ko kayo kung hindi ninyo sasabihin kung saang kagubatan niyo dinala ang kapatid ko " Si Lester ngunit ang tatlo ay nanatili paring tumanggi na parang wala silang ginawa.

" May ebidensya kami, kaya ihanda ninyo ang sarili ninyo,mabubulok kayo sa kulungan! " Sigaw ni Grace at doon lang natauhan ang tatlo na halata narin ang pamumutla sa mukha nila.

Sa kabilang banda naman gulong gulo ang dalagang si Anabelle at pilit na pripnoproseso ang mga sinabi ng matanda sa kaniya,ayaw niyang maniwala at mas piniling humiwalay sa matanda para maghanap ng tamang daan patungo sa bayan.

" Lord please tulungan niya akong makaalis sa lugar na ito, puro halimaw ang tao dito " Mahinang bulong ng dalaga at mabilis na napahimas sa tyan dahil sa gutom.Pinapanalangin na lamang niya na sana hindi niya makasalubong ang halimaw na lobo.

Mabilis na napatago ang dalaga sa likod ng malaking bato dahil sa kaluskos na narinig. "Anong balita? " Rinig ng dalaga ang usapan ng apat na lalaki na maputi ang balat ngunit ang  labi nito ay pulang pula.

" May pagpupulong ang magaganap, nangyari na ang nasabi ng propeta nandito na ang babaeng nakatakda para sa hari " Usal nang lalaki, hindi mapigilang mapatakip ni Anabelle sa bibig niya nang masilayan ang namumula nitong mga mata.

" Sandali may naaamoy ba kayo? " Tanong ng isang lalaki at  lahat sila ay may itim na suot na hoodie. " Parang may naamoy akong tao dito" Napaatras ang dalaga nang masinghot ang direksyon niya.Dalawang palad ang napatakip sa bibig niya huwag lang makalikha ng ingay.

" Huwag muna natin isipin yan pinapatawag na tayo ng hari " Nakahinga ng maluwag ang dalaga nang makitang papalabas narin ito at parang kidlat sa bilis nang mawala sa paningin niya.Malalim na ang gabi at ramdam na niyang pagod na siya dahil kanina pa siya pagala-gala sa masukal na kagubatan.Ang akala ay magiging ligtas na siya ngunit ganon nalang ang pagkabigla niya dahil pagkaharap nandon na sa harapan niya ang isang lobo.

" G-gosh patay! " Nanginginig na ang kaniyang katawan nang makitang nasa harapan na niya ito.Ang halimaw na lobo ay handa ng tumalon papalapit sa kaniya mabuti nalang nakailag siya at napatakbo ng mabilis. Hindi gaanong kadilim dahil nagsisilbing ilaw ang maliwanag na buwan sa kalangitan.

" Ahh tulong! " Hindi maiwasang mapasigaw ng dalaga kahit alam niyang posibleng masamang nilalang ang naririto sa loob ng kagubatan.Ginawa niya ang makakaya niya para makalayo sa mapanganib na lobo nang biglang matisod siya sa maliit na bato dahilan ng pagkadapa niya.

" H-huwag k-kang lumapit! P-please h-huwag!" Pagmamakaawa ni Anabelle ngunit ang halimaw na lobo ay mas lalo lang lumapit sa kaniya.Patuloy siyang gumapang paatras patungo sa kaniyang likuran at hindi maiwasang mapadaing sa sugat na natamo niya sa kaniyang tuhod.

" H-huwag ah! " Sigaw ng dalaga at mabilis na kinuha ang kahoy dahilan kaya nahampas niya ito at tumalsik papalayo sa kaniya. Takot na takot ang dalagang si Anabelle at pilit na tumayo habang paika ika parin na tumakbo sa masukal na kagubatan, ngunit ang halimaw na lobo ay ayaw siyang tantanan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now