KABANATA 19 : Pag-iisa

353 6 0
                                    

WARNING : R18. READ AT YOUR OWN RISK.

Habang tumatagal na nakatira ako sa kahariang ito ay tila minsan ko nalang maisip ang mga pamilya ko. Zach always entertains me kaya minsan nalang sumagi sa isip ko ang bumalik sa lugar namin.

Napabuntong hininga ako nang makita si Valerie na kasama si Zach, hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumapit kay Zach bago tumingin kay Valerie.

" I thought you were sleeping " malambing na sambit ni Zach at lumapit sa'kin. " Hindi ako makatulog.." sagot ko at tumingin kay Valerie na nasa tabi niya. Akala ko pa naman iiwasan na niya si Zach ngunit nagkamali ako dahil parang tuloy na ang larong sinasabi niya.

"Anong oras na? Go to your room and sleep " umiling kaagad ako sa sinabi ni Zach bago yumakap sa bewang niya.Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mukha ni Valerie.Alam ko ang gagawin niya kaya kung laro ang gusto niya then pagbibigyan ko siya, iba talaga ang ugali ni Valerie dahil hindi ka mag-aakala na mabuti siya.Nangyari naman ito dahil mahal niya si Zach kaya hindi ko siya masisisi.

" Zach tabi tayo sa kama para madali akong makatulog- "

" Mahal na Reyna may pinag-uusapan pa kami ng mahal na Hari " pormal na pagputol sa'kin ni Valerie kaya walang emosyon ko siyang hinarap, kita ko kung papaano dumiin ang titig ni Valerie sa'kin na parang punong puno na talaga siya. " Enough Valerie, and besides what we talked about is over so we need to rest" sambit ni Zach at ipinulupot ang braso sa bewang ko kasabay no'n ay tinalikuran na namin si Valerie.Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong pinapatay niya ako sa uri ng kaniyang tingin.

" Doon na tayo matulog sa kwarto mo, Zach " masaya ang mukha niya nang lumingon sa gawi ko. " Of course " nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.Hindi ko pa maiwasang pagmasdan siya at isipin ang plano ni Valerie.Isang pang-aakit iyon para sa Hari kaya hindi pa talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon.Lalandiin niya si Zach at kung kumagat ang isang 'to si Valerie ang nanalo sa laro.Hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

" Ano ang pinag-usapan niyo ni Valerie? " usisa ko kay Zach nang makahiga na kami sa kama, yumakap ang malaki nitong braso sa tyan ko at sinubsob ang mukha sa leeg ko.Ramdam ko ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa leeg ko. " Gusto mong malaman? " mahinang tanong niya habang ganon ang posisyon namin.Napabuntong hininga ako.

" Ayaw kong magsinungaling ka sa'kin, Zach"

" It's related to my past with her "hindi ko maiwasang matigilan sa sagot niya, ilang segundo akong naging tahimik kaya naramdaman ko ang paghiwalay ng mukha niya sa leeg ko bago niya ako pagmasdan. " I have forgotten Valerie and I's past" tapos pinapaalala pa ni Valerie ang tungkol do'n mahirap bang makalimot? Ilang taon narin ang lumipas at siya din ang may kasalanan kung bakit hindi na niya mababawi si Zach, siya ang gumawa ng rason para makalimutan ni Zach ang nararamdaman nito sa kaniya.

" Zach, first love mo siya hindi ba? Siya ang unang babaeng minahal mo ng sobra talaga bang kahit ni katiting ay wala ka ng nararamdaman kay Valerie? " naging tahimik pa siya sa sinabi ko at tinitigan ako sa mukha. "This time gusto kong magsabi ka ng totoo, Zach.Okay lang sa'kin iyon basta gusto kong marinig ang opinyon mo sa pagbabalik ni Valerie " napabuntong hininga pa siya.

" Honestly, masaya ako na nagbalik siya at oo minahal ko siya ng sobra na higit pa sa sarili ko, noon Anabelle" nakagat ko ang labi ko sa sagot niya habang mariin parin niya akong tinititigan na tila sinusuri kung ano ang magiging reaksyon ko. " But trust me even though she was my first love, I feel that I no longer feel na mahal ko pa siya,I don't love her anymore. Yes, I loved her but that was a long time ago, I don't love her anymore never, because there is a woman who owns my heart" napatingin ako sa kaniya nang marinig iyon.Saglit niya muna akong siniil ng halik sa labi kaya hindi ko maiwasang tumugon bago siya humiwalay sa'kin.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now