KABANATA 60: Pangako

154 4 0
                                    

Hawak-hawak ni Shiena ang kamay ko habang tinatahak namin ang malawak na daan ng mall.Para naman akong bata nito na hindi pwedeng kumawala sa hawak niya dahil maaaring mawala ako.Clingy lang talaga si Shiena.

" That one hmm I think bagay sayo."

" Diba nga sinabi ko sayo na sasamahan lang kita? Hindi muna ako pwedeng bilhan madami naman akong damit. "

" Nah, ako ang masusunod, Anabelle tsaka pera ko naman ang igagastos please hayaan muna ako." pagsusumamo pa nito at nagpuppy eyes pa sa harapan ko.Napailing ako at napahilamos sa mukha.Ano pa nga ba? Eh wala naman akong magagawa.

" Itong kulay red bagay na bagay sa balat mo.Seduce my Kuya while suot mo this ha? " kunyong usal nito at mahinang tumawa.

Akitin edi baka iba na naman ang kahihinatnan non.Sinulyapan ko ang cellphone na hawak ko nang tumunog iyon at nang maopen ko ang nakasend galing kay Zach napangiti na lamang ako.

Picture ni Zach na kakatapos lang maligo habang hawak niya ang dalawang kambal.Sobrang cute tingnan ng mag-Ama.Tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa magandang katawan ni Zach at ang dalawang kambal naman ay tanging diaper lang ang suot halatang kakatapos lang maligo.

Ang cute ng mag-Ama ko.Hanggang ngayon ay naka-stay parin sila sa hotel mamayang hapon ang uwi namin kina Mama dahil kanina pa tumawag sina Mama at Papa na gustong-gusto na nilang makita ang kambal, parang ang hirap na sa kanilang mahiwalay sa mahal nilang apo.

" Hey, Anabelle come here try this." kinaway na ako ni Shiena kaya tinago ko nalang ang cellphone sa bag na hawak ko at akmang lalapit na kay Shiena nang may aksidenting nakabangga sa'kin na biglang lumabas sa side ko.Nabitawan ko ang hawak kong bag ganon din sa babaeng nahulog ang dala niyang pinamiling damit.

" My gosh! " halata ang irita sa boses ng babae.Eh siya lang naman ang bumangga sa'kin.Pinulot niya kaagad ang tumilapon niyang pinamili na agad ko ding tinulungan."Bulag ka ba?" Wow! Ako pa talaga ang bulag eh siya nga ang bumangga sa'kin.Nang humarap siya sa'kin ay kapwa kami nagulat sa isa't isa.Akalain mo nga naman nakita ko ulit sila.

" OMG! "

" Anabelle? I-Is that you? "

Ngumiti ako ng matamis sa kanila. " Wow! Long time no see Rayne and Lucy.Namiss ko kayo." hindi parin sila makapaniwala habang nakatingin sila sa'kin mula ulo hanggang paa.

Sila lang naman ang dahilan kaya ako napadpad sa kagubatan at para iwan ako don.Seguro kung hindi ako ang nakatakdang maging asawa ng Hari ng mga bampira marahil buto-buto na ngayon ang katawan ko sa kagubatan na iyon.

" Kailan ka pa nakabalik? "

" Wait hindi ka namatay? " nakakainsultong tanong ni Rayne.Sabi ko na nga ba talagang plano nila akong iwan don dahil simula't sapol alam nila na hindi basta-basta ang kagubatan na iyon.Ang sama talaga nila.Mahina na lang akong tumawa sa sinabi ni Rayne at nagcross arm sa harapan niya.

" Wee? Ako mamatay? Alam mo kasi ang mga mababait pinuproteksyonan ng diyos sa kung anuman ang ginagawang masasama sa kanila.Malay ninyo baka mauna pa kayo sa'kin sa satanas." gigil na gigil ako peru mas minabuting ipakita na chill lang muna ako.Tsaka may mabuting naidulot din ang nagawa nila sa'kin.Nang dahil sa pag-iwan nila sa'kin sa kagubatan ay nakilala ko si Zach na asawa ko.

" Yuhoo! Anabelle come here ang tagal mo." sigaw ni Shiena sa'kin dahilan kaya napabaling kami don. Nang humarap ulit ako sa dalawa ay ngumiti ako totoong ngiti na ito dahil hindi din naman big deal sakin ang nangyari.Tsaka matagal ko ng kinalimutan ang ginawa nilang kasalanan ayaw ko ding magtanim ng sama ng loob sa kanila.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now