KABANATA 42: : Estranghero

173 4 0
                                    

 

" P-please s-stop may asawa ako.Hindi tama ang ginagawa mo lapastangan ka! " galit na galit na si Anabelle dahil ayaw siya nitong tigilan na halos mapuno na ng marka ang leeg niya.

" Kapag naabutan ka ni Arkuz paniguradong papatayin ka niya. " ang estrangherong lalaki ay natigilan at nakangising tiningnan si Anabelle.

" That's good para makapaghiganti ako sa kaniya. " ngumisi ito at siniil ng halik ang labi ni Anabelle, umuungol na nagprotesta ang Reyna at pilit na tinutulak ang estrangherong lalaki ngunit sadyang malakas ito dahil nahuli lang ang kamay niya at ibinaon sa kama.

Walang kaalam-alam si Arkuz na mayroong lalaking nakapasok sa kaharian niya at nagagawa nitong halikan ang pinakamamahal niya. Si Anabelle ay hindi maiwasang kabahan sa ginagawa sa kaniya ng lalaki, hindi narin niya napigilan ang maluha at mahinang humikbi dahilan kaya napamura ang lalaki at natigilan.

Ayaw niyang makitang lumuluha ang Reyna, parang nasasaktan siya habang iniiyakan ng babae ang ginagawa niya sa kaniya. " I'm sorry, I can't control my self d*mn I really miss you." natatarantang niyakap ng estrangherong lalaki si Anabelle para tumigil na ito sa pag-iyak.

" Wala kang karapatan para halikan ako. " tinulak siya ni Anabelle. " Umalis kana kundi sisigaw ako at ipapapatay kita sa asawa ko! " dahil sa narinig parang kinurot ang puso ng lalaki.

" Oh, your husband? " kahit nasasaktan ay pagak siyang natawa. " Tuluyan niyang nalason ang isip mo. " dumaan ang pagkalito sa mukha ni Anabelle at malakas na itinulak ang estrangherong lalaki. " Hindi ako gaanong kasama para ipapatay ka sa asawa ko kaya umalis kana habang wala pa siya dito. " ngumisi lang ang lalaki.

" Kung tutuusin  marapat ka lang ipapatay dahil sa ginawa mo, ang lakas ng loob mo!" masama ang tingin niya sa estrangherong lalaki at pinunasan nito ang labi na para bang diring-diri siya sa halik na iyon.

" Umalis kana. " tila walang narinig ang lalaki dahil tumayo lang din ito sa kama at lumapit kay Anabelle, hindi alam ni Anabelle kung ano ang gagawin niya nang makalapit ito sa kaniya at hinuli ang magkabilang pisngi niya, ramdam ang magaan nitong paghagod sa mukha niya.

Alam ng lalaki kung anong mahika ang kumukontrol sa utak ng Reyna kaya wala siyang sinabi tungkol sa nakaraan dahil kahit anong sabihin niya ay talagang sarado ang isip at puso ni Anabelle ng dahil sa mahika na kumukontrol sa Reyna.

" I will get you away from him, I swear " namamaos na sambit ng lalaki kay Anabelle,marahas na inalis ni Anabelle ang kamay nitong nakahawak pisngi niya at lumayo sa lalaki. "Huwag kang lumapit.Sino ka ba? Bakit ang katulad mong lapastangan ay nakapasok sa kaharian na ito? Hindi ka ba natatakot kay Arkuz at nagawa mo akong halikan? " puno ng pandidiri ang Reyna sa ginawa ng lalaki.

" May karapatan akong halikan ka and it's not important for you to know who I am because you won't remember me." napuno ng lungkot ang mata ng lalaki at muling lumapit sa Reyna. " Sinabing huwag kang lalapit! " akmang tatakbo si Anabelle nang mabilis na nahuli siya ng lalaki at mahigpit na niyakap siya mula sa likuran nito.

" You fvcking moron, let me go--- Hmpp! " muli tinakpan ng lalaki ang bibig niya para huwag makalikha ng ingay, pag nagkataon na marinig sila ni Arkuz wala siyang mapagpipilian kundi ang umalis peru ngayon gustong-gusto pa niyang makasama ang Reyna kahit pansamantala.

" I miss you... "

" I hate you, at sino ka ba talaga?--- hmpp!" muling tinakpan ng lalaki ang bibig niya. Aminadong masakit sa puso niya dahil hindi siya nito makilala at ang mas malala pa ay tila mailap na ang Reyna sa kaniya nang dahil sa kagagawan ng demonyong si Arkuz.

" Remember this, I'll do everything to get you back from Arkuz. I won't let you to stay in his territory for too long. You're still mine. You're my property. " madiin na turan ng lalaki na bakas parin ang pananabik at lungkot sa mga mata niya. " Hmppp! " nagpupumiglas parin ang Reyna.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя