KABANATA 16: : Paglaban sa nararamdaman

287 8 0
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ko ang kawalan habang ramdam ang pagdampi ng hangin na lumilingkis sa aking katawan.Panibagong bukas na naman.

I remembered my parents and at this time I missed them, mabuti nalang napag-usapan na namin ni Zach ang tungkol dito na hindi niya ako bibiguin dahil bibisitahin namin kuno ang mga magulang ko.

" Mahal na Reyna hinahanap ka po ng mahal na Hari. " Nang marinig ang boses ni Ardee ay humarap ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Bahagya pa itong yumuko bago ako tiningnan ulit.Si Ardee ang bampirang kanang kamay ni Zach, ang unang pambirang nakasalamuha ko sa masukal na kagubatan.

" Nandyan na siya? " May galak sa boses kong tanong kaya ngumiti ito at tumango.Nagmadali narin akong naglakad habng si Ardee ay nasa likuran ko hanggang sa makarating kami sa kaniyang trono.Hindi ko pa maiwasang magulat nang makitang nandon si Valerie sa tabi nila na parang may pinag-uusapan.Nawala ang ngiti sa labi ko at nang makita ako ni Zach ay napatayo narin siya.

Inalalayan akong umakyat ni Ardee pataas hanggang sa makalapit ako kay Zach na may sabik sa kaniyang mukha.Si Valerie ay tumabi narin bago ngumiti sa'kin ngunit sa loob ng ngiting iyon alam kong may nakakubling galit doon.

" Zach nandito kana- " Natigilan ako nang mabilis niya akong niyakap.Gulat man ngunit hindi ko narin mapigilang yakapin siya pabalik at ngumiti sa ginawa niya.

Isang linggo na simula ng magtapat ako sa kaniya at kahit papaano naging okay na kami ulit ni Zach. Hindi, dahil tila nagiging mas malalim pa ang ugnayan naming dalawa bilang mag-asawa.

Tumikhim si Valerie at umalis narin sa tabi namin bago ako tingnan ni Zach sa mukha.Ngumiti ako at itinaas ang kamay para haplusin siya sa pisngi. " Isang araw palang simula ng umalis kayo, nandito kana ulit? " Mahina itong natawa bago siya umupo at hinapit ako sa bewang.Napalunok ako nang mapansing nakaupo na ako sa kandungan niya.

" I already miss you, that's why I'm here " Parang hinaplos ang puso ko at kahit naiilang sa mga nakatingin sa'min ay tila hindi ko na alintana iyon. " Namiss din kita " Hinalikan niya ako sa noo bago sinubsob ang mukha sa leeg ko.Halos makiliti pa ako sa ginawa niya bago marahang hinaplos ang buhok niya gamit ang palad ko.

" Z-Zach? " Tawag ko at nakagat nalang ang pang ibabang labi dahil ramdam ko kung papaano niya ako halikan sa leeg. " Hmm what? " Napahawak ako sa balikat niya bago palihim na sumulyap ng tingin sa mga alagad niya na naririto ngunit pansin ko na hindi naman sila nakatingin sa'min na parang hindi nila kami alintana sa paligid.

" Zach, pwede bang huwag ka nalang umalis? Dito ka nalang please.. " Naramdaman ko ang marahang paglayo ng mukha niya sa leeg ko at ang matang namumungay ay tiningnan ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago siya hawakan sa mukha " Nag-aalala ako sayo, p-paano kung manganib ka pwede namang mga alagad mo nalang ang magmasid hindi ba?" Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti sa'kin.Ang gwapo talaga.

" If that's what you want then I'll stay here. Kaya lang namin ginagawa ito to protect this our kingdom.Maraming kalaban ang nagmamasid sa kaharian and Arkuz he will not stop taking you from me " At kung magtagumpay si Arkuz gagawa parin ako ng paraan para makatakas.Kinikilabutan ako sa tuwing napag-uusapan ang lalaking iyon.

" Nagugutom kana ba? " Tanong ko para makaiwas sa pag-uusap tungkol sa lalaking iyon. Nakita ko ang maraming beses niyang pag-iling kaya nagtangka narin akong tumayo sa kandungan niya ngunit hinila niya ulit ako paupo.

" Can we stay while we are in this position? " Namaos niyang tanong dahilan kaya namula ang pisngi ko bago marahang tumango.Muli niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko at ang braso ay parang ahas na ayaw ng bitawan ang bewang ko.Hindi ba siya nabibigatan sa'kin? Mukhang ito talaga ang gusto niya kaya hinayaan ko nalang hanggang sa kumain narin kami.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now