KABANATA 3: Pagsalba ni Haring Zach

550 16 0
                                    

ANABELLE'S POV

Pabagsak akong tinapon ni Zach sa kama nang makarating kami sa kwarto, ang tauhan niyang lalaki na una kong nakasalamuha ay nasa likuran lang niya at ang dalawang babae.Dahil sa galit nakuha ko ang unan at galit na tinapon sa mukha niya.

Hindi ko pa maiwasang magulat dahil sa ginawa ko. Rinig ko ang pagmura niya at galit ang kaniyang mukha kaya kinilabutan ako. "What the fvck! Do you think hindi ko iniisip ang kapakanan mo? " Sigaw niya kaya napaigtad ako.Hindi na ako nakapagsalita ng padabog siyang umalis sa harapan ko galit na galit ang mukha at ang kaniyang mata ay bahagyang namumula.

Galit kong sinabunutan ang buhok ko dahil sa stress sa mga nilalang na ito. " Aayusan ka namin ulit para sa ritwal " Sambit ng babae at wala man lang akong nagawa nang pilitin nilang ipa suot sa'kin ang panibagong dress.

Nagmatigas ako at ayaw lumabas sa kwarto para ano? Para harapin ang kapwa nila bampira?Tapos anong mangyayari ipapakagat nila ulit ako the fvck! " Ano ba huwag niyo akong hawakan! " Nasigawan ko ang dalawang babae na pilit akong pinapalabas sa kwarto.

Napasigaw nalang ako nang hatakin nila ang magkabila kong braso. " Ang tigas ng ulo mo, wala kang magagawa para pigilan ang kapalaran mo " Sinseridad na sambit ng isang babae at pilit akong hinahatak papalabas ng kwarto.

Palihim nalang tumulo ang luha ko dahil sa mga nangyayari ngayon sa'kin. Talaga bang hindi na ako makakatakas? Isang malawak na pasilyo ang tinahak namin bago kami nakarating sa harapan ng maraming bampira, nangilabot ako dahil sa sobrang dami ng mga alagad ni Zach.

" Dalhin siya dito " Utos ni Zach sa dalawang babae na nakagapos sa braso ko at hindi pa maiwasang magtama ang aming paningin ngunit agad na umiwas din ako nang makaupo ako sa tabi niya.Ang babaeng sinasabi nilang propeta ay iyong babaeng na parang black lady, kaya pala ang dami niyang sinasabi kanina nang magising ako.

Naghiyawan ang mga bampirang nasa harapan ko bago nakita ang pagtayo ni Zach sa tabi ko.Banayad lang ang kaniyang paggalaw na animo'y walang gagawing masama. " Ang itinakdang magiging asawa ng hari ay ngayon nasa harapan niyo na" Sambit ng lalaking matanda.

" Pagmasdan ninyo ang babaeng nakatakda para sa ating hari,kilalanin ninyo siya bilang reyna" Napatayo ako bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ng matanda, iniisip ko ang mga magulang ko at ang kuya ko.Paniguradong hinahanap na nila ako.Nilingon ko si Zach at hindi maiwasang manlaki ang aking mata.

" Z-Zach.." Nanghina ang katawan ko nang kunin niya ang isang baso na naglalaman ng dugo.Napaatras ako sa takot lalo pa nang pumaskil ang ngisi sa mapula niyang labi kasabay non ay muling naghiyawan ang mga alagad niya.

" Hawakan siya " Nakakatakot ang boses niya at ganon din ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. " A-anong gagawin mo? " Kinabahan ako nang hawakan ako ng dalawang babae sa magkabila kong braso. " Drink this " Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Seryuso? Tao ako at hindi bampira para inumin ang dugo na nasa basong hawak niya." H-huwag! Z-zach p-please.." Hindi na ako nakapagpumiglas dahil mabilis ang paggalaw niya nang sumulpot siya sa harapan at mahigpit na hinawakan ako sa panga.

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at maraming beses na umiling pahiwatig na nagmamakaawa ako sa kaniya na huwag ituloy ang binabalak niya.Napasulyap pa ako ng tingin sa mga alagad niya at lahat sila ay may hawak ng baso na naglalaman ng dugo.Parang gusto kong mapaluhod sa langhihina.Gusto kong sumigaw ngunit huli na ng mabilis niyang pinainom sa'kin ang dugo nang sapilitan.

Diring diri na nagsusuka ako pagkatapos no'n.Binitawan ako ng dalawang babae kaya naman napaluhod ako habang hawak ang tyan pilit na sinusuka ang dugo.Ang pangit ng lasa amoy ko pa na malangsang amoy ng dugo.Hindi ako tumigil sa pagsusuka dahil sa matinding pandidiri, bakit kailangan nilang ipainom sa'kin iyon?

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now