KABANATA 18 : Pagwagi

263 6 0
                                    

Isiniksik ko ang katawan ko banda sa tabi ng lamesa habang kabadong pinagmamasdan sina Zach na nakikipaglaban sa mga lobo.

Hindi ko narin maiwasang makaramdam ng pag-aalala para sa kanila. Diyos ko ikaw na ang bahala sa kanila.Nakakapanghina habang kinakain ka ng takot tapos wala ka man lang magawa kundi ang panoorin sila.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita kung papaano kagatin ng lobo ang isang alagad ni Zach, ibinaling ko ang tingin ko kay Zach at hindi narin maiwasang maluha hanggang sa automatikong nagtagpo ang mata namin ni Arkuz.

Demonyong ngisi ang pumaskil sa labi niya bago naglakad patungo sa pwesto ko.Hindi pa siya nagpapalit ng anyo mula sa pagiging lobo kaya  madali ko lang din siyang makilatis.

Umiling ako nang makalapit na siya sa tabi ko habang si Zach ay abala ngunit napatingin din sa gawi namin. " Don't afraid of me my Queen " Nangingilabot ako sa takot habang naririnig ang boses niya at habang tanaw ang demonyo niyang mukha. "Huwag kang lumapit! " Sigaw ko at akmang tatakbo nang mahawakan niya ako sa braso.

" Talaga ngang nabilog ni Zach ang utak mo! G*go talaga siya! " Pilit na kinakalas ko ang kamay niyang mahigpit na nakagapos sa braso ko at halos manlumo ako nang buhatin niya ako.

" Z-Zach! " Tawag ko kay Zach na hinaharangan ng mga lobong alagad ni Arkuz. " Arkuz bitawan mo ako! Demonyo ka bitawan mo ako! " Nagpumiglas na ako ng tudo.

Halos hindi ko narin magawang panoorin na naglalaban ang mga bampira at lobo dahil sa bilis ng paggalaw nila, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa dahil may mga nasawi sa mga alagad ni Zach ngunit mas marami parin mga lobo na wala ng buhay.

" Hindi ko gagawin yan! Stop it! " Suway niya habang nagpupumiglas ako.Mabilis lang din siyang tumakbo na kasalukuyang buhat ako.

Naluluha ko siyang tiningnan sinusubukan ko na baka maawa siya at sana mapatigil ko siya sa ginagawa niya. " Arkuz please.." Nakita ko kung papaano nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya at mabilis ang ginawang paghalik sa noo ko.

" I'm sorry Anabelle " Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya halos magwala ako sa bisig niya. " Pakawalan mo siya " Natigilan ako nang biglang humarang sa harapan namin si Valerie na seryuso ang mukha, si Arkuz ay napangisi na tila minamaliit niya si Valerie. Ililigtas ba niya ako?  " Let her go! " Naibaling ko ang tingin ko kay Zach na bahagyang namumula ang mata at ang matulis nitong pangil ay nakalabas, kita ko din ang pagkuyom ng kamao niya at hindi pa maiwasang magtagpo ang aming mga mata.

Ngayon ko lang din napansin na wala ng lobo na nakapaligid sa kaharian.Iginala ko ang paningin ko ngunit ang mga alagad lang ni Zach ang nakikita ko na papasok sa loob ng kaharian.Nagtagumpay kaya sila? " Arkuz parang awa muna pakawalan mo ako.." Mahinang sambit ko dahilan nang pagtingin niya sa'kin ngunit kalaunan ay napangisi siya kaya nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan.Napakademonyo niya!

" Hindi man ako magtagumpay ngayon, babalikan parin kita.Makukuha kita Anabelle so be ready " Napalunok ako dahil seryuso siya at desidido talaga siya na kunin ako.Halos hindi niya ako magawang bitawan ngunit nang umatake si Zach kusang tumilapon ang katawan ko at hindi maiwasang mapadaing.

Nakita ko narin kung papaano sila naglaban habang hawak ko naman ang balakang ko na tumama sa kahoy.Marahil nandon pa sa loob ng kaharian ang ibang alagad ni Arkuz.Mali ako na tuluyan nilang naubos ang mga lobo dahil may mga paparating pa.

Kita ko kung papaano naglaban sina Arkuz at Zach at kapwa narin sila sugatan.Si Valerie na nasa likod ni Zach at minsan siya ang kumakalaban kay Arkuz nang biglang masugatan siya banda tyan niya.Isang mahaba at malalim na kalmot galing sa kuko ni Arkuz dahilan kaya nakita ko kung papaano nanghina ang katawan ni Valerie.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now