KABANATA 11 : Pagdampi

283 6 0
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na parang nanlalambot ang puso ko sa kaniya. Anabelle okay kalang ba talaga? Kanina pa nagwawala ang puso mo the fvck!

What happened to me? Something weird.Kalaunan ay naramdaman ko ang magaan niyang kamay na humaplos sa buhok ko at sobrang nalilibang ako na parang iwan.

Gusto kong hawakan ang dibdib ko at pakiramdaman lalo ang pintig ng puso ko bago ako humiwalay ng yakap dahil maaaring marinig niya ang kabog nito.Automatikong napatitig ang kaniyang mata sa mata ko at hindi ko alam kung anong emosyon ba ang bumabalot doon ang hirap tukuyin.Bagkos ay ibinaba ko nalang muna ang tingin ko sa sugat niya.

" Does it hurt? " Tanong ko para makaiwas sa pagkailang at siya ay marahang umiling. "Take a rest" Malalim ang boses niya habang sinasabi iyon bago niya saglit na tiningnan ang sugat sa dibdib niya.

" M-magpahinga kana rin " Tumango siya at kahit sugatan ay nagawa pa niya akong alalayan para mahiga ako sa kama.Pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha habang naging abala siya para kumutan ang katawan ko.

" Good night my mate " Napapikit ako ng lumapat ang malambot niyang labi sa noo ko at ang kaninang puso ay mas lalong nagwala .Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipagkarerahan sa sobrang bilis.Nagtataka ako kung bakit ganito umakto ang puso ko na iwan.

Akala ko aalis na siya peru napag-alaman ko na tila dumungaw pa siya sa bintana para magmasid sa paligid.Sinara din niya ng maayos ang binatana gamit ang bato na talagang mahihirapan kang pumasok.Bumaling siya ng tingin sa direksyon ko at mabilis akong umaktong tulog dahil baka mahalata niya ako.

Halos magawa kong kagatin ang pang ibabang labi ko dahil ramdam ko ang mata niyang tinititigan ako.Matagal iyon bago nawala hanggang sa umalis na siya.Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa kakaibang pakiramdam na hindi ko matukoy kung ano ba ito?

Kinaumagahan mga alas otso bago ko napagpasyahang lumabas dahil sa totoo lang wala naman talaga akong gana para lumabas, kakatapos lang gamutin ang sugat ko at hindi ko narin ramdam ang pagkirot  kaya medyo kaya ko naman.  Pagkarating sa hapag ang babaeng propeta ang nakaupo doon na abala sa pagkain.

" Come here, Anabelle " Malamig niyang tawag sa'kin habang ang kaniyang tingin ay nakafocus sa plato niya.Marahil naramdaman niya ang presensya ko kahit hindi pa niya ako nakikita, sobrang lakas ng pakiramdam niya at sobrang kakaiba ang mararamdaman mo sa presensya ng babaeng ito.Hindi naman siya gaano kasama dahil wala pa naman siyang ginagawa sa'kin peru nakakapangilabot talaga ang presensya niya.

Kinuha niya ang baso na naglalaman ng dugo at halos mapangiwi ako nang maubos niya iyon bago nag-angat ng tingin sa'kin, nakakatakot ang kaniyang mata na nangingitim at alam kong ganito na talaga siya.Halos manginig ako nang lumapit ako sa lamesa at umupo sa tapat niya.

" Handa kana ba?...Mangyayari ang kasal mamayang gabi " May kung ano akong naramdaman sa sinabi niya.Ngayon ko lang naalala na mamayang gabi na pala ang nakatakdang maikakasal ako sa Hari ng mga  bampira.Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko iyon.

Wala akong naging tugon sa sinabi niya dahil hindi ko naman alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko.Ang tanong handa na ba akong maikasal at maging asawa ni Zach? Kapag ba maging asawa ko na si Zach may posibilidad kayang makabalik ako sa mga magulang ko?

" Alas dose ng hating gabi magaganap ang  pakikipag-isang dibdib mo sa Hari namin, huwag mong itanggi ang nararamdaman mo sa Hari, Anabelle " May gumuhit na ngisi sa labi niya habang ako ay wala man lang maintindihan.

Anong ibig niyang sabihin? Diyos ko ang weird ng babaeng 'to.

" May kakaiba kanang nararamdaman sa Hari hindi ba Anabelle? " Nangilabot ako sa sinabi niya ngunit hindi ko maiwasang mapalunok. Mahina siyang natawa at sinalinan na naman ng isang babae ang baso niya para may mainom siya ulit ng dugo. " Hindi mo matukoy kung ano ang nararamdaman mo...Peru ako alam ko ang nararamdaman mo ngayon " At pagkatapos no'n ay umalis na siya sa harapan ko.Iniwan niya akong gulong gulo.Ano bang pinupunto niya?

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now