KABANATA 27 : Yakap

248 5 0
                                    

" Anak kumusta ang pakiramdam mo? Sinabi ng Mama mo na nilalagnat ka " nag-aalalang lumapit si Papa sa gawi ko at bahagyang ipinatong ang palad sa noo ko.

" Okay na ako Papa, wala na akong lagnat" ngiting usal ko dahilan kaya napatango si Papa.Tuwing gabi lang ako inaatake ng lagnat sa tuwing umaga naman na gigising ako parang palagi akong walang gana.

Umupo ako sa kama at isinandal ang likuran sa unan. " Papa p-paano po kung maikasal na ako? Nasa wastong edad naman ako para magkaroon ng asawa" nakagat ko ang labi ko nang matigilan si Papa at sinusuri akong tiningnan.Gusto ko lang siyang subukan.Natatakot ako para sa magiging reaksyon nila kay Zach.

" Gusto muna bang magkaroon ng asawa? Alam mo anak okay lang naman 'yon sa'min peru gusto lang namin na lubusan munang makilala ang magiging asawa mo at higit sa lahat kami, gusto naming makilalala ng lubusan kung mag-aasawa ka man " usal ni Papa habang malambot ang kaniyang ekspresyon.

" Huwag mo munang isipin ang bagay na iyon, wala ka pa namang boyfriend hindi ba?" hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko peru tumango ako kay Papa. "Kung may manligaw man sayo, kami at ang kuya mo ang unang makakaalam do'n" katulad ng dati, ganito ang ginagawa nila ni kuya.

" Opo Papa " bahagya akong niyakap ni Papa at hinaplos haplos ang likuran ko. " Humanap ka ng matinong lalaki anak, lalaking mamahalin ka ng totoo at lalaking hindi ka iiwan hanggang dulo " mahinang bulong ni Papa at bahagyang hinalikan ako sa noo.Pagkatapos namin mag-usap ni Papa bumaba din ako kaagad at naabutan si Mama na abala sa pagluluto.

" Mama, ang sarap naman niyan " naglalambing na yumakap ako sa bewang ni Mama na abala sa pagluluto ng gulay. " Anak bakit hindi ka muna nanatili sa kwarto mo? " nababahiran ng pag-aalala ang boses ni Mama at hinarap ako.Bahagya pa nitong inilagay ang kaniyang palad sa noo at leeg ko kaya napanguso naman ako." Mama wala na akong lagnat " mahinang tawa kong sambit.

" Nako mabuti narin yan, nag-alala tuloy kami sayo" usal ni Mama at nagpatuloy sa pagluluto. " Paniguradong nagugutom kana, pasensya kana dahil hindi na kita nilutuan ng paborito mo baka masuka kana naman, hindi ko maintindihan diba paborito mo iyon? Ngayon ayaw muna " natigilan ako sa sinabi ni Mama, oo paborito ko iyon peru ngayon habang iniisip ko ang pork adobo parang babaliktad na naman ang sikmura ko.

" Sa ngayon gulay na muna ang niluto ko, mukhang dito kana mahilig " napailing pa si Mama at mahinang tumawa. " Nadali mo Mama" responde ko at tumulong narin sa paghahanda ng pagkain.Nagkukuwentohan kami habang kumakain at pagkatapos no'n ay nagbihis na para kitain si Shiena.

Nagpaalam muna ako kina Mama at Papa na aalis ako.Kinabahan pa ako dahil sasamahan ako ni kuya Lester peru sa huli ako din ang nasunod. Naroon  ngayon si Shiena sa isang restaurant at kakasend lang din niya ng exact location.Hindi ko alam kung ilang oras bago ako nakarating sa sinasabi niyang restaurant.Napag-alaman kong sa isang mamahaling restaurant pala ito.

" Anabelle..." hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kaniya nang siya na ang nagmadaling lumapit at nakipagbeso-beso pa sa'kin. " I miss you " malamlam ang kaniyang mata nang tumingin sa'kin. Sobrang ganda niyang tingnan mula sa suot niyang hapit sa  magandang kurba ng katawan niya.Katawag-tawag pansin ang kaniyang kagandahan  dahil maraming napapatingin sa kaniya.

" Thank you dahil pumunta ka, come here do'n tayo " turo niya sa dulo na sa palagay ko ay isang VIP place iyon. " May sasabihin kasi ako sayo, about kay kuya" natigilan ako sa sinabi niya nang baggitin niya ang kuya niya. Napabuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Marahil nagtataka ka kung bakit hindi pa siya nakakabalik " saglit na nagbaba ako ng tingin sa lamesa.

" Kailan ba siya babalik? " nahihimigan sa boses ko ang matinding lungkot. Nang tumingin ako sa mukha niya naging malungkot lang iyon at bahagyang yumuko. "Hindi ko alam, peru may problema pa ngayon sa kaharian at inaayos pa niya iyon " para namang kumurot ang puso ko nang maisip na paano kung hindi na niya ako babalikan?

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin