KABANATA 32 : Paramdam galing sa kaaway

252 5 0
                                    

Inis kong hinampas ang braso niya at pinaningkitan siya ng mata nang makarating kami sa kwarto niya. " Nakakainis kayo! " masamang tingin ang pinukol ko dahilan kaya nakita ko ang pagsalubong ng makapal niyang kilay.I hate this fvcking feeling!

" What's the problem?"

Nagmamaang-maangan pa siya. " Iwan ko sayo, kanina pa kita hinahanap nandon ka lang pala kay Valerie " humiga ako sa kama at hindi na siya pinansin.Alam ko naman na alam niya ang pinupunto ko. Sa sinabi palang ng propeta agad na nakuha ko ang ibig sabihin no'n.Tuloy ang larong sinasabi niya at baka ang binabalak niya ay ganon din.

Napabuntong hininga ako nang lumapit siya sa likuran ko at nahiga paharap sa likod ko, unti-unti ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na humaplos sa braso ko at bahagyang hinalikan iyon. " I'm sorry...Lahat ng pinag-usapan namin ay tungkol sa kaharian " naglalambing ang kaniyang boses na para bang pinapaamo niya ako.

" Peru naiinis parin ako kapag magkasama kayo, Zach mahal ka parin niya gagawa at gagawa siya ng paraan para mapalapit siya sayo " buntong hiningang banggit ko dahilan kaya naramdaman ko ang malaki niyang braso na pumulupot sa bewang ko kasabay no'n ay marahan niya akong pinaharap sa kaniya.

Automatikong tumama ang mapula niyang labi sa labi ko kaya mariin pa akong napapikit. " Don't worry  I only love you. I will never love Valerie again, wife trust me you are the woman I love " napaiwas ako ng tingin sa kaniya at pasulyap-sulyap na tumingin sa mga mata niya ng ilang sandali.Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa katagang iyon.

Imbes na isipin iyon ay iwinaksi ko nalang ang nakita ko at ang inis na nararamdaman ko. " Mahal na mahal kita Zach, pasensya na kung ganito ako.Kung selosa ako "mahina siyang natawa sa sinabi ko at sumubsob ang mukha sa leeg ko. " It's okay.You're so cute the way you're jealous" napanguso ako nang tumingin siya sa'kin at hinaplos ang pisngi ko.

" Zach, maligo tayo sa talon " biglang sambit ko kaya saglit pa siyang natigilan.Nakakamiss maligo do'n at tsaka gusto kong maglakad-lakad sa kagubatan para naman hindi ako bored dito. " Then let's go " napangiti ako at agad na bumangon at ganon din siya bago kami lumabas.

Tinahak pa namin ang mahabang pasilyo ng kaharian niya at naabutan ang iilang alagad niya na sinasanay ang sarili sa pakikipaglaban." Mahal na Reyna saan ang punta ninyo ng mahal na Hari? " biglang sumulpot si Rey harapan ko, ngumiti ako at tinapik ito sa braso. " Mamasyal lang. Namiss kita Rey " napangiti siya at kalaunan ay bahagyang ngumuso.

" Namiss din kita mahal na Reyna, nakakatampo dahil hindi mo man lang ako pinansin kanina " nagtaka naman ako sa sinabi niya. " Tinawag kita peru parang nagmamadali ka " aniya, marahil ang sinasabi niya ay 'yong nagpunta ako kay Zach. " Pasensya na, hindi kasi kita napansin" mahina akong tumawa bago ako bumaling ng tingin kay Zach na nakikipag-usap pa sa dalawa niyang alagad.

" Mabuti kung hindi ka nakasama noong bumalik si Zach dito habang ikaw ay nasa mga magulang mo, marahil manganganib ang buhay mo dito" makabuluhang sambit ni Rey at tumingin kay Zach na seryusong nakatingin sa kaniya. " We need to go " seryusong sambit ni Zach na tinanguan lang ni Rey at bahagya pang tumapik sa braso ng kasama ko.

" Hindi na talaga kayo mapaghihiwalay no? " nababahiran ng pang-aasar ang boses ni Rey at mahinang tumawa, ako na napangiwi sa sinabi niya peru sa totoo lang ako lang naman talaga ang ayaw humiwalay kay Zach, basta ang gusto ko lang ay palagi siyang nakikita ng dalawang mata ko dahil oras na nahiwalay siya para akong kinakain ng inis na parang may nawala sa'kin.Oa man peru ganito talaga ang nararamdaman ko, noong nakaraang araw hindi naman ako ganito.

Mapang-asar talaga si Rey dahil kung hindi pa namin siya iniwan kanina hindi siya titigil, muntik na siyang mabatukan ni Zach mabuti nalang nakapagtimpi ang mahal na Hari. "Hindi ba mapanganib dito sa labas?" ngayon ko lang ito naitanong kung kailan natanaw ko na ang maingay na talon dahil sa buhos ng malinaw na tubig galing sa taas.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now